Chapter 31
Masyadong mataas ang tower na 'to. The steps could be thousands if I try to count it all. Paikot-ikot ang pag-takbo namin pababa. It didn't took us five minutes, though. Pagkarating namin sa ibaba ay may mga nakahandusay na lalaking tauhan ni Luke, mga men in cloaks, na umaabot sa mga bente.
Nandito din sila Ma Luisa at Papa Aldrin. Pati si Adrian, ang lalaking hinanahap ko nung nakaraang araw. There are four unfamiliar people who also took down some of Luke's men. The bodies were either covered in dust and dirt or covered with their own blood. May iba din na pinugutan ng ulo, sinaksak, at wasak na wasak ang katawan.
They're a total package of brutal people.
"Umalis na tayo bago pa dumating si Luke at ang mga tauhan niya."
Binitawan ni Ma Luisa ang lalaking nakabalabal na sinasakal niya sa dingding kanina at tinapon sa gilid na para bang basura.
"Glad you're fine, Luvina."
I only nodded and smiled at her. I'm glad they're here, too.
Sa isang iglap, nawala sa harap namin si Ma Luisa at sinundan iyon ni Papa Aldrin, Adrian at ang apat pang hindi ko pa kilala. They vanished through the Valentine grounds, to the forest, until I couldn't see them.
Sumunod si Christian na naglaho sa gilid ko hanggang sa napansin kong tatlo nalang kaming natira. Tumango si Tyler kay Reign and he took my hand, and we began to speed up.
* * *
Nakarating kami sa pinakapusod ng gubat. The more we enter deep into the forest, the more the trees gets tall. Sa unahan rin ay ang mataas na bundok na halos mabali na ang leeg ko para sundan ang taas nito. It could reach the clouds.
Below the mountain is a cave. No, a small house in a cave. May pintuan na gawa sa kahoy ang sinunod ang shape ng bibig ng kweba. Pumasok kami do'n at isang ordinaryong kweba lang ang bumungad sa 'min maliban sa may mga torchlight sa bawat gilid at isang pahabang lamesa.
"Nasa'n si Master?" tanong ni Ma Luisa sa babaeng nakatalikod mula sa 'min.
Nang humarap siya sa 'min, namilog ang mata ko't dali-daling lumapit sa kaniya at niyakap.
"Jesse!"
"Oh my Jesse, Lucy!" she squeaked, jumping with me while hugging me back. Binitawan niya ako saglit para harapin si Ma Luisa na kinalkal ang mga nakarolyong blueprints na nasa lamesa. "Papunta na si Master dito."
Hinila ako ni Jesse sa dalawang upuan na nasa gilid malapit sa malaking batong pinatungan ng tela at tray ng mga baso.
"'Buti naitakas ka nila. Sinaktan ka ba nila? Si Riana, nakaharap mo na ba siya? Yung anak niya, si Suzy, anong ginawa niya sa 'yo? Tapos si Luke-"
"Jesse, isa isahin mo lang, pwede?" natatawa kong pigil sa kaniya dahil sa sunod-sunod niyang tanong sa 'kin. "Ayos lang ako do'n."
"Si Suzy-?"
Umiling ako't pinisil ang kamay niya. "Hindi niya ako sinasaktan 'gaya noon."
Bumuntong hininga si Jesse at niyakap ulit ako. Nang lumayo siya, muli niyang hinawakan ang kamay ko at siya naman ngayon ang pumipisil-pisil sa gitnang palad ko.
"Sorry, 'di agad namin nalaman ang tungkol sa pagkatao ni Suzy. Nalaman lang namin nung sabihin ni Master. Nag-alala ako nang husto sa 'yo, alam mo ba 'yon? Nag-alala ako sa maaaring gawin sa 'yo ni Suzy."
"Hindi na ulit mangyayari 'yon. I'm one hundred percent physically and emotionally brave, Jesse."
Tumawa si Jesse. Her eyes was stretched; I wonder if she could still see me. But I'm glad she's okay. And I'm happy to see them again.
YOU ARE READING
That Nerd Is A Vampire (New Version)
Vampire✓ | Lucy thought she'd live all her life surrounded with humans that's supposedly to be their food. She disguised herself many times, lived her life with many names, and at last, she disguised herself as a nerd under the name of Lucy Genevive Marian...
