16.

65.8K 2.1K 105
                                        

Chapter 16

The dress is a bit tight since I ate too much on lunch. Pero keri, nakadeposito naman na ako kanina. I swear I'm never going to eat huge meal before an event. Nakakasira ng posture.

I keep on stealing glances at the mirror. For my own reflection, of course. Ilang taon na rin nang huli kong makita ang sarili ko na nakaayos. Jayzie manipulated the makeup very well. Naibagay niya nang maayos ang mga kulay ng makeup sa mukha at damit ko.

When Ma'am Esmeralda—Tita Esmeralda, rather—and I went to Krystal Cafe, nandon na si Tyler, nakaupo malapit sa counter habang nakatuon ang atensyon sa cellphone. May mug ng kape sa ibabaw ng lamesa niya. He's wearing a golden brown tuxedo with a black bow and it perfectly fits on his body. His disheveled hair was now gray, and I think he did that on purpose to look good.

Bakit ang gwapo? Pinakulayan pa niya ng abo ang buhok niya at ang hot niya tingna

Pinilig ko agad ang ulo ko bago ko pa man siya mapuri.

"Ty!" pagkuha ni Tita Esmeralda sa atensyon ni Tyler.

Tyler immediately raised his head and stared at me. Sinuri niya ako gamit ang napakalamig na titig niya na para bang naboboring—as usual. He stood p from his chair and walked towards our direction. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin o sadyang pa-slow motion effect ang paglapit niya. 

And look, he's the most gentleman I've ever known. Bigla niya kasing hinablot ang braso ko at ikinabit iyong braso ko sa kaniya. 

"Ano bang—"

"Ang ingay mo," he murmured and diverted his gaze to his mother. "Una na kami, Ma."

"Ingat kayo, ha," sinabi ni Tita Esmeralda matapos kami halikan sa pisngi.

* * *

The Adara Resident is located at the top of a hill. It's an estate. Parang kakasya na dito ang isang malaking subdivision. The mansion is surrounded with bushes and trees and flowers. May mga fountain din sila sa paligid at may swimming pool sa likod ng bahay. Napaka-engrande ng buong lugar. 

I looked down at Tyler's hand when he suddenly intertwined his fingers to mine. Pinilit kong alisin yung kamay niya pero hinigpitan niya lamang ito. In the end, kinurot ko ang braso niya kaya agad niya itong nabitawan at sinamaan ako ng tingin.

So ako pa ang may kasalanan.

"Oh my Jesse! Ang gara!" 

Sasang-ayon sana ako kay Jesse nang may biglang bumangga sa balikat ko. Muntik akong matumba dahil sa lakas ng pagkakabangga niya.

"Huwag haharang sa daan, pwede?" mataray na sinabi ni Suzy at umalis kasama sina Marianne at Angelique. Pero bago pa man sila makaalis ay may binulong pa si Suzy, "Papansin ang bwisit."

Bahagyang lumapit sa 'kin si Reign, "Nakita niya kasi kayo."

"Ha? Anong nakita niya?"naguguluhang tanong ko.

Ngumisi lamang si Reign at naunang pumasok sa mansyon. I clung to Jesse's arm and drag her inside. 

The party's going to be held at their ballroom. Pero pagpasok pa lang namin ay may mga decorations na balloons, ribbons and such na sa hallway. There are rose petals on the carpeted floor. Some of the petals are painted in gold to meet the party's theme. Bale white rose petals and a gold painted rose petals ang nakakalat sa carpet.

Sa gitna, may kulay gintong grand piano at isang lalaking naka-tuxedo ng kulay puti ang nagpapatugtog. Nang magkatitigan kami, bigla na lamang niya akong kinindatan at muling tinuon ang pansin sa piano. 

That Nerd Is A Vampire (New Version)Where stories live. Discover now