Chapter 36
Nabalik namin sina Marianne at Angelique sa kani-kanilang bahay nang walay sablay. Just like what we've planned; take them home safely. Una naming hinatid si Angelique dahil pagdating namin sa highway, ilang metro nalang at bahay na nila. Christian was the one to carry Angelique while Reign was the one to assist him. 'Buti nalang talaga at hindi sila nagtatalo at nagaasaran kundi gising lahat ng tao sa bahay.
Kay Marianne naman, si Tyler na ang nagbuhat sa kaniya dahil todo reklamo si Mario na pagod na siya sa pagmamaneho dahil medyo malayo na ang binyahe namin. Since Tyler was driving too, Jesse and I volunteered to do the work but Tyler just refused. Nagvolunteer nalang ako na mag-assist para pagbuksan siya ng pinto at saluhin ang mga gamit na muntik mahulog.
"Saan na tayo?" nakangiting tanong ni Christian habang nakatayo sa pagitan ng kotse at ng pintuan nito.
Nagkatinginan kaming anim at sabay sabay na ngumisi. Kahit wala ni isa sa amin ang nagsalita, 'tila nabasa na namin ang isip sa isa't isa at nag-split kami ng dalawang grupo; girls and boys, at sumakay sa kotse. Si Reign ang nagdrive sa amin at si Christian sa kabila. Nagunahang magdrive ang dalawa habang kami ni Jesse ay nagtatawanan at chinicheer si Reign.
Dahil nasa backseat ako, panay ang hampas ko sa upuan sa harapan ko sa t'wing nauunahan kami ng boys. Madaling araw narin naman kaya walang mga sasakyan na dumadaan. Hindi rin gaano kaingay ang makina ng sasakyan kaya ayos lang.
Binuksan ko ang bintana at nilabas ang ulo ko para hayaang patangayin ng hangin ang buhok ko. Ang saya! I feel so free. I'm with the people who makes me comfortable and makes me forget everything but just live and enjoy. Ang gaan. Sana ganito nalang lagi.
Bakit palaging may kapalit sa lahat ng masasayang pagkakataon? Palagi nalang. Ang saya ko na, eh. Pero may biglang dumating. Panganib.
"Isang puntos para sa wonder girls!" sigaw ko nang tuluyang maunahan ni Reign si Christian.
Sana ganito nalang palagi.
* * *
Narating namin ang distinasyon namin. Ang League University—ang lugar kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan ko sila nakilala at nakasama. We're standing in front of the gate, reminiscing the moments we're here.
I've only been here for three years but this place is the most memorable place of all the universities I've been. Dito ko kasi sila nakilala. Dito rin nagsimula ang lahat ng pagbabago sa buhay ko. Ang buhay na akala ko'y palaging magiging cycle lang. Live my life, experience work, and change identities. I guess, of all the names I've been using and of all the life I've had, Lucy's my top favorite.
"Alam niyo ba. I've been living my life hiding my true identity. Hindi ko kilala ang sarili ko, eh. Papalit-palit ang pangalan ko. I don't even know what my real name is."
"Luvina. 'Yan ang tunay mong pangalan, Lucy," sinabi ni Reign "'Yon ang binigay na pangalan sa 'yo ni Sekhmet. Lucy is acceptable, too, since 'yun din ang pinangalan sa 'yo ng Master."
Yumuko ako at bumuntong hininga. "Then I guess I am Luvina. Never been Lucy—kasi hindi naman niya ako anak."
"Hindi ka man niya tunay na anak, alam mo bang wagas mag-alala si Master sa 'yo?" Si Jesse naman ang nagsalita ngayon. "Maraming beses niyang sinubukang lapitan ka at kausapin ka. Even when you were just a child. Gusto ka niyang yakapin. Pero alam niyang hindi pwede."
Napapikit na lamang ako dahil sa nagbabadya kong luha. Ayan na naman, ang mababaw kong luha. I hate it when I become too emotional for something. Kagaya nalang ngayon. Ang bilis kong maiyak sa t'wing napagusapan ang tungkol sa 'kin at kay Ma'am Esmeralda.
"Bakit naman hindi pwede?" tanong ko kahit na pumipiyok ang boses ko.
"Because she needs to follow Sekhmet's vision," sagot ni Tyler sa tanong ko.
Tumango na lamang ako at akmang mauuna na sa sasakyan nang bigla akong mahilo. Dahil nasa tabi ko lang si Christian, siya agad ang una kong nahawakan nang muntikan akong matumba.
"Lucy? Anong nangyayari sa 'yo?"
"Lucy ayos ka lang? Anong—"
Hindi ko na maintindihan ang pinagsasabi nila. Kinain na ng buong sistema ko ang isang tunog na nakakabingi. Isang matulis na bagay na parang pinapatalas. Hindi ko masyadong ma-identify ang tunog. Parang binibiyak nito ang buong tenga ko.
"Luvina... you will be born out of this stone to be a warrior and end the ties between the clans."
Boses 'yun ni Sekhmet. Nang subukan kong buksan ang mga mata ko, nasa isang pamilyar na lugar ako—sa bahay. Ma'am Esmeralda and Sekhmet was arguing in a low tone.
"Ano bang pinagsasabi mo d'yan?! Hindi mo pwedeng gawing pain ang anak ko, Sekhmet!"
"But that was her mission even before she was created. Can't you hear me? She's fading, Esmeralda. Ang ibig sabihin lang no'n ay malapit nang magtapos ang misyon niya. When her mission in life has ended, her presence will be ended, too."
Natahimik si Ma'am Esmeralda. Kahit ako natigilan din. So that means, Sekhmet was lying when she told me she didn't know what happened when my body was turning into transparent.
"Gano'n nalang ba kadali, Sekhmet? I asked for you to create my child, not a warrior! Hindi ganito ang napagusapan natin. You told me to trust you and your visions bago ko mapasakamay ang anak ko," galit na sinabi ni Ma'am Esmeralda habang lumuluha. "You told me everything's going to be fine when I trust you, Sekhmet. Don't tell me... pinaplano mo ang lahat ng 'to? For what?"
Ngayon ay si Sekhmet naman ang natahimik. I waited for her response. I hope this vision won't end yet.
"Kailangang mabuhay ang Mama ko."
Muli akong bumalik sa pagkamalay ko. Buhat-buhat na ako ni Tyler at nang mapansing gising na ako, huminto siya sa pagtakbo at sinuri ako.
"Ayos ka lang ba?"
I tried myself to get up from his grip pero mas lalo niyang hinigpitan yun.
"I will take you to the healer. You were screaming earlier."
"Kaya ko na 'to, Tyler. Ibaba mo na ako—"
"No."
He started to walk again until we reached the healer's home. Isang babaeng may suot na pinagtagpi-tagping damit ang lumapit sa 'kin dala ang isang tray ng mga garapon. Hinipo niya ang leeg at noo ko pagkatapos ay hinawakan ang palad ko.
"Ayos lang ako. Ayos na ang pakiramdam ko. Can I please go home?" I told her. Umiling siya bilang sagot at umalis sa harap ko.
Pagbalik niya ay may dala siyang isang baso ng tubig at binigay 'yon sa 'kin. Binigyan din niya ako ng isang piraso ng gamot. Wala na akong ibang pagpipilian kundi ang sundin siya at ininom ang gamot.
Hindi nagtagal ay dumating sina Reign, Jesse, Christian at Mario. Tinanong nila ako kung ano ang nangyari sa 'kin kanina at kung anong nakita ko kung bakit ako sumisigaw. Nang masulyapan ko si Mario, he gave me the look na para bang naaawa siya sa 'kin.
Oh, he saw it. He saw what vision I had.
Defying Geek
graciangwttpd
YOU ARE READING
That Nerd Is A Vampire (New Version)
Vampire✓ | Lucy thought she'd live all her life surrounded with humans that's supposedly to be their food. She disguised herself many times, lived her life with many names, and at last, she disguised herself as a nerd under the name of Lucy Genevive Marian...
