02.

102K 3.2K 289
                                        

Chapter 2

Matapos kong masagutan ang last question sa aming quiz na essay ay tumayo ako mula sa upuan ko at pinasa sa professor namin na nagbabasa ng newspaper. 

Kung mamalasin nga naman, kaklase ko si Suzy at ang isa niyang alipores na si Marianne. Si Angelique ay ibang course ang kinuha kaya hindi ko siya nagiging kaklase sa mga subject ko. Tatlo sa schedule ko na kaklase ko ang dalawa at ang mas nakakapagtaka ay halos lahat ng schedule ko ay kaklase ko si Tyler at ang dalawa pa niyang mga kaibigan na si Christian at Mario.

Nang humarap ako sa mga kaklase ko para bumalik sa upuan ay siyang pagtayo naman ni Tyler. Nahagip niya ang mga mata kong nakatitig sa kaniya kaya agad akong umiwas ng tingin at dali-daling kinuha ang bag ko sa pinakahuling upuan at nagpaalam kay Sir. 

Tyler's a cold and heartless man. Marami ang nagkakandarapa sa kaniya pero ni isa ay wala siyang pinapansin. 

"Lucy!"

Nahinto ako sa gitna ng paglalakad sa hallway nang mamataan ko si Patricia na nakatayo sa 'di kalayuan sa 'kin. Para siyang 'di mapakali sa kinikilos niya. 

Lumapit ako kay Pat. May pagka-chinita si Patricia, morena at petite na babae. Nakalugay ang hanggang dibdib niyang buhok. She loves reading so carries books wherever she goes. 

"Ano 'yon, Pat?" Ngiting-ngiti kong nilapitan si Patricia. Palinga-linga siya sa paligid habang pinaglalaruan ang kaniyang mga daliri. She's scared and anxious. Kilala ko si Patricia at habit niya ang paglaruan ang mga daliri niya kapag natatakot o kinakabahan siya.

Mula dito ay nakita ko si Angelique, kaibigan ni Suzy, sa isang sulok habang pinapanood kami. Parang alam ko na ata kung ano ang nangyayari. 

Hinawakan bigla ni Patricia ang pulsuhan ko. Nanginginig ang malamig niyang kamay na may mga singsing at bracelet at kinaladkad ako. Habang naglalakad paalis ng building ay tumutunog naman ang mga bracelet na nasa pulsuhan niya.

Nagtataka ako sa kinikilos niya. It's been almost three years simula nang iwasan nila ako. Kinakausap naman nila ako pero hindi na kagaya noon. Magtatanong lang at agad na aalis para lumayo mula sa 'kin.

"Pat, saan tayo pupunta? Saan mo 'ko dadalhin?"

"Sumunod ka lang sa akin, Lucy. I need to talk to you alone. Please."

Wala akong magawa kundi ang hayaan siyang kaladkarin ako hanggang sa makarating kami sa abandunadong office. Malayo ito sa kinaroroonan namin. Madadaanan mo pa ang malawak na lote.

Nang makapasok kami ay nagkalat ang mga kagamitan sa loob. May mga basura, mga bote ng alak at kahon ng mga sigarilyo. Napangiwi na lamang ako sa mga naghahalong amoy na umiikot sa pangamoy ko. 

Halatang dito tumatambay ang ilang mga estudyante para magpalipas ng oras. Paano naman sila nakakapasok na may mga ganito sa bag nila? Alam ko kasing may mga guwardiya na nagtsi-tsek ng bag bago makapasok sa university. O baka dahil tinutusok lang ng mga guwardiya ang bag at hindi na talaga tinitignan ang loob. Grabe.

"Pat, bakit tayo nandito? Pwede naman tayong magusap sa labas mamaya. O sa tagong lugar, huwag lang dito."

Lumingon ako kay Pat at nanlaki ang mga mata ko nang makitang lumabas na siya at inilock ang pinto sa labas. Kinalampag ko ang pintuan. Naririnig ko ang kadenang humahampas sa pintuan at ang pag-click ng kandado.

"Patricia! Hindi na nakakatuwa 'to. Buksan mo 'to!"

Dinig na dinig ko ang pagsisi ni Patricia sa kaniyang isipan habang nagtatakbo siya palayo mula sa pintuang sinarado niya. I want to get mad at her, but I know I mustn't. 

That Nerd Is A Vampire (New Version)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant