03.

93.6K 3K 297
                                        

Chapter 3

Sabay na pumasok ang magkakaibigang sina Tyler, Mario, at Christian. Tyler's with his usual mask; cold and intimidating. Si Christian naman ay ngumingiti sa mga babaeng nagpa-fangirl sa kanila at si Mario ay seryoso lamang na nakikinig sa musika habang nakasuot ng kulay pink na headband. 

Ganiyan ang eskena palagi kapag sabay na pumapasok ang tatlong 'yan. Para silang santo kung tratuhin ng mga kababaihan. 

Hindi na ako naki-tsismis pa at pumasok na sa classroom. Umupo ako sa pinakahuling bahagi ng upuan. Ganito palagi ang setup ko. Nasa hulihang bahagi ang upuan ko. It was because of Suzy's Rules. Losers belong to the back part of the seats.

The classes started. The three boys I saw at the entrance earlier went inside just after the bell rang. Nagsimulang magtilian ang mga babae pero mas nangingibabaw ang pagtili ni Suzy na nasa unahan. 

"My gosh! Hi my Tyler!"

Tumingin si Tyler kay Suzy. Nakakunot ang noo niya. His usual intimidating eyes were glaring at Suzy. Para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi sa kaniya ni Suzy.

"You don't own me, freak." Malamig na tugon ni Tyler kaya natahimik ang lahat. Tyler's eyes caught mine and we stared each other for five seconds. Nang maalala kong nando'n pala siya sa party kagabi, umiwas agad ako ng  tingin at kunwaring nagsusulat sa notebook ko.

What am I going to write? Hindi pa naman nagsisimula ang klase. Para akong eng-eng dito.

Gusto ko mang mag-react sa sinabi ni Tyler kay Suzy ay nananatili na lamang akong tahimik. . Naaalala ko kasi ang katangahan ko kagabi. 

Dumaan sa gilid ko ang tatlo at nang makaupo, tumikhim si Mrs. Jaca at nagsimulang nagdiscuss. It was already about twenty minutes when the speaker made a static noise. Lahat kami'y nag-abang sa sasabihin ng mag-aannounce. 

[All professors will be having an emergency meeting at the meeting room. Be there by ten minutes. Thank you.]

Nagsimulang magligpit si Mrs. Jaca ng kaniyang mga gamit at humarap sa amin.

"Class, I'll be leaving now. Kapag hindi pa ako makakabalik within another ten minutes, umuwi kayo nang maaga."

Lahat ay naging masaya sa announcement. Lalo na sa sinabi ni Ma'am na pauuwiin kami nang maaga.

Good thing, last subject ko na 'to ngayong araw kaya makakauwi na ako nang maaga. Habang nililigpit ang mga gamit ko ay naramdaman kong dumaan na naman sa gilid ko ang tatlong sikat na magkakaibigan. Tumayo na rin ako't lalabas na sana nang humarang sa daraanan ko si Suzy kasama si Marianne at Angelique. Tinaasan lamang ako ng kilay ng dalawa niyang kasama habang nakangisi.

"Bakit?" I asked, tightening my grip on my books. 

"Anong bakit? Nakita kong tumingin sa 'yo si Tyler. What was that all about?" galit na ingil ni Suzy.

Napaatras ako dahil sa itsura niyang galit na galit. If there's this normal fangirl, Suzy here belongs to the obsessive fangirl of Tyler. Walang sila pero inaangkin niya.

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Hindi naman siya tumingin sa 'kin—"

"Liar!" Suzy cut me off. Tinulak niya ang balikat ko gamit ang kanyang hintuturo. "Sa susunod na maulit 'yon, wala ka nang takas sa 'kin, nerd. You looked innocent on your physical appearance pero ang totoo," she looked at me from head to toe before continuing. "Malandi ka pala."

Hindi ko na lamang pinansin ang huling sinabi ni Suzy at pinanood ang pag-alis nila. Parang nagiging unexpected ang nangyayari sa buhay ko ngayon. This nerd disguise is really a tough one. 

* * *

After what happened yesterday, everything went smooth today. Mukhang masaya si Suzy ngayong araw dahil hindi niya ako binulabog. Mas naging pala-tawa siya ngayon at parang blooming. She's never been like this before. 

Dahil sa tinamaan ako ng kuryosidad, pinagmasdan ko ang paligid para makakalap ng tsismis.

"—tapos kinaladkad niya ako palayo sa bad guys."

"Really? Ginawa niya talaga 'yon sa 'yo?"

"Yep. I was so kinikilig when he did it."

"Kaya pala blooming ka, girl! Niligtas ka pala ng knight in shining armor mo."

"Oh my God, we're not even friends so don't use pet name on me. Gosh."

Umalis kaagad ako nang masira ang pagtipon-tipon nila. Ayokong masira ang mood ni Suzy kaya mas mabuting hindi niya ako makita ngayong araw.

I went straight to the library. Para na rin makapagpa-aircon ako habang pinapalipas pa ang oras para sa susunod kong subject. Naghanap muna ako ng libro under sa fictional books at pumwesto sa pinakagilid malapit bintana at kaharap ang air conditioner. 

Isang oras pa ang bakante ko kaya sa tingin ko'y makakalahati ako sa libro kong 'to.

I read. And read. And read. Sa pagbabasa ko ay siya namang pagtagal ng takbo ng oras. I should've gone browsing in the internet, play mobile games, but I chose to slow down my time by reading this book.

Malapit ko nang malampasan ang intense part—the man's nearly died from the war to protect his woman when his comrade came to help him—until I realized it was already time for me to go to class. Masyado ata akong naaliw sa historical slash romance novel na 'to. Hindi ko man lang namalayan ang oras. It's like the book got my whole attention and I felt like I was part of it. Gano'n ang feeling ko nang mabasa ko ang libro. 

The book was written a very long time ago that's why the setting and the scenes of the story is very historical-ish. And yes, that was my book. I wrote that way back 1960's and it took me a year to finish that. Ayon din sa librarian, that book was originally published on the same year and it lived for fifty eight years in the shelf, ang pinakamatandang librong nadisplay sa library ng university. No one knows, of course, that I wrote that book. I was Meneses Briare that time, not Lucy.

Tinupi ko ang pahina kung saan huli akong nagbabasa at binalik sa shelf. Rereading it again was a bliss. Parang bumalik ako sa panahon na nagsisimula pa lang akong magdisguise.

I emerged from the library and went east. Umakyat ako sa second floor ng building kung nasa'n nalocate ang classroom ko. Masyadong crowded ang hallway kaya nahirapan akong makipagsiksikan. I hustle through the crowd and tried to get through. Ilang minuto nalang ang natira bago magsisimula ang klase.

Nang sinubukan kong makipagsiksikan sa abalang mga estudyante sa hallway, may nakasalubong akong nagtatakbuhan at nabangga ang balikat ko. I stumble from my own feet and accidentally hit the flower pot that was placed between the railing and the wall—it fell on the ground and Suzy got almost hit. 

Tumahimik ang lahat dahil sa tunog ng nabasag na pot. Everyone froze from their spot while staring at me. Tumili si Suzy na nasa ibaba, "My blouse! Oh my God, my shoes! Magbabayad ang may gawa nito sa 'kin!"

Wala akong maisip na paraan kung paano humingi ng tawad kay Suzy. She's a total warfreak. An unforgivable creation. Kaya ang ginawa ko ay isang ideyang mas nakalala sa sitwasyon—run. Run and hide away from her, from everyone's sight. Alam kong walang silbi dahil marami ang nakakita sa 'kin na ako ang nakasagi sa halaman na muntik nang matamaan kay Suzy. I just ran away, didn't mind people's eyes following on me, and went inside to a room on the third floor.

Hindi ko alam kung ano 'tong pinasukan. Ginala ko ang mga mata ko sa kwarto at may mga divider at mga boxes na nakapwesto sa apat ng dingding at sa gitna nito ay isang wooden table na may nakalapag na mga baraha at mga balat ng chichirya at lata ng sodas.

May tatlong upuan na nasa paligd. One was occupied by Christian Val dela Costa who's strumming a guitar, the other chair was occupied by Mario Greg Jung who's reading an international magazine, and lastly, by Tyler Jacob Vasquez who's playing the poker alone. The thee of them halted from my presence.

Napahawak ako sa doorknob. "Sorry... Akala ko kasi walang tao dito—"

Tyler continued playing his poker and diverted his attention in playing. "Ayos lang. You can stay."

That Nerd Is A Vampire
hannahdulse_

That Nerd Is A Vampire (New Version)Where stories live. Discover now