06.

81.1K 2.5K 123
                                        

Chapter 6

Kinuha ko ang salamin na nakapatong sa gilid matapos kong mag-shower. Mabuti nalang talaga at may dala akong extra money para bumili ng panibagong set ng uniform. Mabuti nalang din at nasa gilid lang ng university ang sastre at agad akong nakabili habang umalingawngaw ang baho ng itlog sa katawan ko.

Habang papalabas ng banyo ay inayos ko naman ang buhok ko gamit ang mga daliri nang may isang babae ang sumalubong sa 'kin at nagkabanggaan kami sa balikat. Isa-isang nahulog ang mga librong bitbit niya.

"Sorry!" Yumuko ako para sana kunin ang nahulog ngunit nagkabunggo na naman ang ulo namin.

Nagkatinginan kaming dalawa ng babaeng napasandal sa dingding habang hawak ang kaniyang ulo at nakangiwi ang mukha. Nang matitigan niya ako'y napaawang ang bibig niya't humagalpak ng tawa.

Nalilito man kung ba't siya tumawa ay nakitawa narin ako. I've been laughing my ass out while holding my stomach, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. I just laughed when she laughed, that's it. 

Naluluha kaming tumayo at kinuha ang mga librong nahulog. I stared at her for a minute. Her hair's a curly pitch black, may pagka-chinita ang kaniyang mga mata at may mapupulang labi. Pahaba ang kaniyang shape sa mukha pero nababagay naman sa kaniya. Matangos ang ilong at may mahabang pilikmata, masasabi kong para na siyang diyosa sa itsura niya.

"Heto pala ang libro mo. Sorry nga pala sa nangyari. 'Di kasi kita napansin." Ngumiti ako at sinuklian naman niya iyon ng isang nakakatunaw na ngiti.

Wait, natotomboy na 'ko sa kaniya. Ano ba naman 'yan, Lucy, she's a woman like you! Ano, change plan na ba ng disguise? From nerd to lesbian, real quick? 

Hindi siya pamilyar sa 'kin. Mukhang bagong estudyante lang siya dito sa League University. Suzy would definitely want her to be part of their group.

"Wala 'yun. Ako nga yung dapat mag-sorry kasi ang tanga ko. Kapag talaga nakita tayo ni Reign, pagagalitan ako no'n."

Ngumiwi ako. "Sino si Reign?"

"Oh, 'di mo siya kilala?" Umiling ako sa tanong niya bilang sagot. "Ah! Wala ka nga pala do'n sa first two subjects kanina. Hinahanap ka namin e—"

"Jesse Hanna!"

Sabay kaming napalingon sa tumatakbong babae. Inakbayan niya ang babaeng sa pagkakaalam ko'y si Jesse, ayon din sa tawag niya kanina sa kaniya. Inipit niya ang braso niya sa leeg ni Jesse.

"Teka, ba't niyo naman ako hahanapin? Do I know you?" nagtataka kong tanong.

Tumingin sa 'kin ang babaeng sinasakal si Jesse at dali-daling umiling. Ngumiti pa siya nang pilit at tinapik-tapik ang balikat ni Jesse.

Naka-bun ang buhok niya kaya hindi ko masukat kung hanggang saan kahaba ang buhok niyang may highlight na red sa kanang bahagi. Kung si Jesse ay may pahabang shape ng mukha, si Reign naman ay may bilugan na mukha na nababagay rin sa kaniya.

Hindi gaano katangos ang kaniyang ilong, pinkish ang labi at medyo singkit ang mga mata.

"No! Bakit ka naman namin hahanapin?"

Nilingon niya si Jesse at pinanlisikan ng mga mata. Kahit hindi nila sasabihin, alam kong may tinatago sila. I tried reading their thoughts but it looks like it's blocked. I couldn't read them. 

Paano nangyari 'yon? I can read everyone's thoughts!

Nahihiyang ngumiti ang babaeng hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan.

"Reign, ano ba, nasasakal na ako!" 

Ah. So her name's Reign.

"Kung tumahimik ka kaya diyan, ha? Ang daldal mo!"

Muling tumingin sa 'kin si Reign at bahagyang yumuko.

"Pasensya na sa kaibigan ko. Sige, una na kami."

Kinaladkad niya si Jesse at habang papalayo sila sa 'kin ay kumaway-kaway sa 'kin si Jesse na may malapad na ngiti sa labi.

"Bye, Lucy! See you around!"

"What the hell, Jesse? Tumahimik ka na nga!"

Wait, hindi ko naalalang nagpakilala kaming tatlo sa isa't isa. Ni hindi ko rin pinakilala ang sarili ko kay Jesse. 

Sino ba sila? Why can't I read their minds? Bakit kilala nila ako?

* * *

Suzy and her minions—Marianne and Angelique—didn't came to school today. Nalaman ko 'yon sa mga estudyante ng LU. May ilang nagsabi na nagbakasyon raw sila kahit na malayo pa ang bakasyon. May iba naman na nagsabi na baka trip lang nila mag-absent.

Reign and Jesse was always tailing me. Nakakapagtaka pa dahil halos magkapareho ko sila ng schedule. Nagkataon pa na magkatabi kami palagi. 

Matapos ang klase ay dumiretso ako sa labas at hindi na nag-abala pang tingnan ang dalawang nagmamadaling lumabas para sundan ulit ako. Ganito ang nangyari buong araw, sinusundan nila ako sa bawat pinupuntahan ko. Like I said, they're always tailing me around wherever I go.

Nang lumiko ako, nakasalubong ko si Tyler na as usual, nang-isnob lang sa 'kin. Hindi ko na lamang 'yon pinansin. Kinalimutan ko na 'yung araw na kinausap niya ako for the very first time. He just did it to save his face. Ayaw siguro niyang isipin ko na mahilig siya magkalat ng tsismiss.

Akala ko 'yun na, lalagpasan na ako, pero bigla nalang niyang hinila ang braso ko at kinaladkad ako. Walang ibang magawa ang nakasunod sa 'kin na sina Jesse at Reign kundi ang sundan lamang ako ng tingin.

What the shit is wrong with this guy? 

Defying Geek
graciangwttpd

[Suzette Fritzie "Suzy" Valley on the multimedia box.]

That Nerd Is A Vampire (New Version)Where stories live. Discover now