"Anong password nito?"

"Birthday mo"

Hindi na siya sumagot. She scanned my phone as if she'll see something in it.

"Love, date tayo" I sniff her hair habang busy pa rin siya sa phone ko

"Bukas nalang" Binagsak ko ang sarili ko sa kama at nagpadyak ng paa na parang bata "Tumigil ka Beatriz, napag-usapan na natin to ha"

"Bakit kasi hindi ako pwede sumama?!" Umupo ulit ako para yakapin siya. Tss di man lang ako pinapansin, sobrang busy sa phone ko. "Sige na love please. Behave lang ako promise"

"Hindi nga pwede"

"Bakit nga?"

"Kasi, girls only"

Napahiwalay naman ako sa yakap ko sa kanya. Pupunta kasi sila kila Kim mamaya, tapos hindi ako kasama.

"What?! So, ano pala ko? Lalaki?!"

Humiga nalang ulit ako habang nakatakip yung braso ko sa mata ko. Bahala sila, edi wag ako isama. Tss

"Kasi nga beh, magandang gwapo ka. Kami, maganda lang" She chuckled tapos naramdaman kong tumabi siya sakin.

Nakakainis! Kagabi ko pa pinipilit na isama nila ko pero ayaw talaga nila, ewan ko sa mga yan! Buti sana kung dito lang sa dorm, kaso hindi! Pwede naman sa bahay nalang eh, kahit ipaghanda ko pa sila ng maraming pagkain!

Wait? Oo nga no! Alam ko na!

"Wag ka na magtampo. Next time tayong dalawa lang" Niyakap ako ni Jho kaya humarap ako sa kanya

"Are you done with my phone?"

"Ha? Oo, ito oh" Kinuha ko yung phone ko. I kiss her cheeks and stood up.

"Restroom lang ako" Hindi ko na inantay ang sagot niya at pumasok na agad sa CR. "I know you can't say no to food, donya"

I dialled ate Ella's number and after 4 rings she pick it up

"The donya is busy, please try your call later"

Kahit kailan talaga tong Ella na to. Puro kalokohan!

"Ate Ells! What's your favorite food?"

"Huh? Kahit ano kinakain ko, wala kong favoritism. Mga babies ko sila, kaya dapat pantay-pantay lang" Napapikit nalang ako sa mga sinasabi ni ate Ella. Bakit siya ganyan? "Teka nga, bakit ba? Papakainin mo ba ko De Leon?"

"Yes ate Ells! I'll treat you anywhere you want" Paikot-ikot ako sa banyo habang kausap ko si ate Ells. Siya nalang ang pag-asa ko, sana naman kumagat siya.

"Kahit saan?!"

"Yup! Anywhere and anything you want. But in one condition" I smiled and stop infront of the mirror. "Isama niyo ko kila Kim mamayang gabi"

Nakangiti ako habang inaantay ang sagot niya. Yes! Sigurado hindi siya tatanggi! Ate Ella? Tumanggi sa pagkain? Kalokoha--

"Thanks, but no thanks Bey. Hindi ka pwede sumama, girls night out yun. Bawal isama mga jowa. Bye"

WHAT?! SERIOUSLY?!

"B-but.. Ate, wait! Hello?! Hello ate Ells?! UGH! Bwisit!"

Nagpapadyak ako sa inis. Bakit ganon?! Pagkain yun eh,hindi yun pwede tanggihan ni ate Ella! Pagkain yun!

Lumabas nalang ako ng banyo at binagsak ang sarili ko sa kama.

Wala na eh, wala na yung natitira kong pag-asa.. Hindi na talaga ko makakasama..

Complicated HappinessМесто, где живут истории. Откройте их для себя