Magkahawak-kamay silang lumabas ng kweba at si Christian naman ay muling lumapit sa 'kin para kulitin ako.

"Ano nga Lucy—"

Christian's face disappeared into series of bubbles and lights until everything became a blurry scene.

Nasa loob ako ng pamilyar na dungeon. May dalawang babaeng nakaluhod sa harap ng isang cell, umiiyak habang nilalatigo.

Isang malakas na palahaw ang kumawala sa bibig nila. Andaming dugong tumakas mula sa kanilang mga sugat at alam kong pinipigilan lang ng lalaking 'yon ang sarili niya.

Then the scene switched. Nasa kapatagang bahagi ako, pinapanood ang mga bampirang naglalaban. Marami ang napaslang, marami ang sugatan. It was painful to see.

Nandoon din sina Reign and Jesse. They're both bathed in blood. And Ma'am Esmeralda—si Mama... 

"No! Mama!" 

She's facing in front of me, bathed in her own fresh blood. When she smiled at me, more blood came out from her mouth. Bumagsak siya sa lupa at nasa likod nakatayo so Luke, his hands' full of blood.

Humihingal akong tumingala. There I saw, the red moon.

I felt like I was kicked back to my body and felt myself breathing again. Natumba pala ako sa inuupuan ko at kasalukuyan akong pinaypayan ni Christian at si Tyler naman ay nakahawak sa ulo kong muntik na sigurong mabagok.

"Lucy, anong nangyari?"

Dali-dali kong tinukod ang siko ko para tumayo pero pinigilan ako ni Tyler.

Nanginginig ang labi kong sumagot, "Kailangan nating iligtas si Marianne at Angelique. Tapos ang r—red moon..."

"Val, tawagin mo sila Hanna."

Tinulungan akong makaupo ni Tyler at mabilis na kumilos si Christian para tawagin ang dalawang nasa labas. Tinanggap ko ang basong may lamang tubig na mula sa kamay ni Tyler at pinanood ang mabilis niyang kilos sa pag-ligpit ng mga gamit na nandito sa loob.

"What did you saw?" tanong niya matapos iligpit ang mga blueprint at mapa ng buong Lamia.

"Suzy kidnapped two Marianne and Angelique. And they've been tortured," hinihingal kong binaba ang baso. "Tapos sa tingin ko may paparating na digmaan."

"Ano sa palagay mo ang nakita mo?" sunod na tanong niya.

Yumuko ako't nanghihinang umiling. 'Yon ang problema sa 'kin. I don't know what I saw. I don't know if it's already happening or it will going to happen in the next few days.

Bumukas ang pinto at pumasok ang tatlo. Naguusap sila tungkol sa gagawin hanggang sa dumating si Ma Luisa, Papa Aldrian, Adrian at ang babaeng makakapagpalit ng anyo, si Vivian.

"Maybe we should just wait for Master Sekhmet and Master Esme," suhestiyon ni Vivian.

Tumango-tango si Ma Luisa.

Papa Aldrin disappeared from my sight. Gumagalaw pa nang konti ang pinto nang muli itong bumukas at pumasok si Sekhmet at Mama.

Everyone went silence. Tumayo narin ako at lumapit para makiusiyuso.

Sinabi ni Tyler ang lahat ng nakita ko—he saw everything, too.  He can see the future, but I don't know if he saw it all.

Tumango-tango si Sekhmet at parang hindi man lang nagulat sa kinuwento ni Mario. Si Mama ay mabilis na napatingin sa 'kin nang banggitin ni Tyler ang pangalan ko.

"Bring Lucy to Daeva," tanging sinabi ni Sekhmet kaya nagulat si Jesse.

"But Daeva is—"

"Esme will tell you everything, Hanna. Daeva was never been your enemy nor the one who killed your parents."

Lumapit na ako nang tuluyan sa kanila at pumagitna kay Ma Luisa at Vivian.

"Kailangan kong iligtas ang dalawang inosenteng tao," matapang na sinabi ko sa kanila—lalo na kay Mama at Sekhmet. "Kung kukunin nila ako, haharapin ko sila at tatalunin. I'm tired of hiding while everyone's risking their life."

Napatingin silang lahat sa 'kin. Sekhmet's eyes turned into red—no, a ruby with the shade of purple around it. Like mine. Like my eyes.

Bumalik sa normal na green at blue ang mata niya at bahagyang ngumiti.

"Take everyone to Daeva. No one's going to hide ever again."

Sumang-ayon ang lahat at isa-isang umalis. Hinawakan ako ni Tyler sa braso at akmang susunod sa kanila nang pigilan kami ni Sekhmet. Mama never looked at me in the eye, and I don't know why.

"Maiiwan muna si Lucy. Tyler, mauna ka na."

Ngayon ay kaming tatlo nalang ni Sekhmet at Mama ang naiwan, together with the long table and four chairs.

Pinsil ni Sekhmet ang braso ko habang titig na titig sa 'kin. She's longing for something and I don't know what it was.

"Kung ako lang siguro ang nagpalaki sa 'yo..."

"Sekhmet, ako na ang maghahatid kay Luvina do'n." Hinila ni Mama ang braso ko pero hinawakan ulit ako ni Sekhmet.

Muli siyang ngumiti sa 'kin at inalis ang hibla ng buhok kong tumatakip sa mukha ko.

"Esmeralda, please, let me have a word with Luvina."

Tumango lamang si Mama at lumabas. I wanted to call her but she disappeared quickly.

Muli akong humarap kay Sekhmet. Hindi natatanggal ang ngiti sa labi niya at hindi ko alam kung bakit.

"Luvina. Such a wonderful name, isn't it? I gave you that name, I gave you that power."

Kumunot ang noo ko. She gave me this name? Wait, what—

I felt her thumbs on my forehead and I saw a flash of images. 

"Here's your child, Esmeralda. She will be as powerful as I was."

Sekhmet and Mama was standing on the same room, in the cave. May pinasa si Sekhmet na sanggol na nakabalot sa puting tela kay Mama.

"Muli siyang nabuhay sa pamamagitan ng pagbigay ko sa kaniya ng ruby. I want you to call her Luvina."

Bumalik ako sa sarili kong katawan pero nanghihina ang tuhod ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero napansin ko na lamang na nakahiga na pala ako sa sementadong sahig habang may lumulutang sa paligid ko na mga liwanag.

Yumuko si Sekhmet at ngumisi sa 'kin.

"Sleep tight, Luvina, and you'll wake up braver and stronger."

Defying Geek
graciangwttpd

That Nerd Is A Vampire (New Version)Where stories live. Discover now