Huminto si Tyler at tumungo. Sinisilip niya ang nasa ibaba pero hindi ko kayang sumilip do'n kaya nanatili ang distansya ko sa kaniya.
"This is where Master fell," sinabi ni Tyler habang nakatungo parin.
Everything looks so familiar—except there are more trees in here. Yung nasa panaginip ko.
This is exactly where I saw Riana chasing after my mother, holding a knife and pushed my mom to the cliff.
Tila nag-init ang buong sistema ko. Iniimagine kong sa ganito kataas nahulog si Mama, bakit 'di ko kaya subukan 'yon kay Riana?
Parang nawala lahat ng takot ko. Tumabi ako kay Tyler at sumilip sa ibaba.
Nakakalula. Mas mataas pa 'to kesa sa tower at dahil hindi maulap ngayon, hindi gaano kakapal ang mga ulap na nasa paanan lang namin kaya kitang-kita ko mga puno at malalaking bato sa ibabaw.
"Tell me how she survived," nanghihina kong sabi kay Tyler habang nakatitig sa ibaba.
Ilang minutong nanahimik si Tyler. I know he's thinking whether he's going to tell me about how my mother died or not. But I'm thankful he answered.
"Sinagip siya ni Sekhmet. Nakita niya kung ano ang mangyayari kaya nag-abang siya sa ibaba."
"Paano niya nagawang buhayin si Mama?" I heard my voice cracked.
"By using her powers. She's powerful, she can manipulate everything. Tinigil niya ang oras para sagipin si Master. She's as powerful as you, Lucy."
Natigilan ako. Nilingon ko si Tyler habang mine-maintain ang balanse ko.
"Powerful?" That means magic really exists. Sekhmet may be a sorceress or a witch. It was just a legend before.
Umatras ako sa dulo ng bundok at nagsimulang maglakad pababa at sinundan ulit si Tyler.
Habang malayo pa ang lalakarin namin, nag-isip ako ng pwedeng i-open up sa kaniya para magkaroon kami ng ingay sa pagitan naming dalawa.
"Tungkol nga pala noon, bakit naging Mommy mo si Mama?"
Alam kong natigilan siya sa tanong ko pero nagpatuloy siya sa paglalakad.
"I did it so that you won't ask questions about her."
"Ah, so pinalabas mong Mommy mo siya para hindi ko siya makilala? Gano'n ba?"
Tumango-tango lamang siya and, swear, I saw him flash a smile at me. Or a smirk.
* * *
Nakabalik kami nang maayos sa kweba at binungad kami ni Jesse, Mario at Christian ng tanong kung saan kami galing at kung ano ang ginagawa namin. Hindi sumagot si Tyler kaya ako ang pinagkaguluhan nila.
"May ginawa ba kayong milagro?" tanong ni Christian kaya sinapak siya ni Jesse sa balikat at tinulak palayo mula sa 'kin.
"Huwag mo siyang pansinin Lucy! Pero totoo, saan kayo galing?"
Umupo ako sa silyang inupuan ko kanina at sinundan ng tingin si Tyler na humiga sa pinagdikit na silya.
"Sa bundok. Sa ibabaw," sagot ko habang nakaturo sa itaas.
"Ano nga ginawa niyo do'n? May proposal bang naganap?"
Muling sinapak ni Jesse si Christian at pininggot para kaladkarin palayo sa 'kin. Natawa na lamang ako dahil sa kanilang dalawa.
If Reign was here, for sure, hindi lang 'yon ang makukuha ni Christian. Mas malala pa sa ginawa ni Jesse.
Lumapit si Mario sa kanilang dalawa ni Jesse at Christian para ipaghiwalay. Niyakap pa niya sa likod si Jesse at may binulong kaya huminahon si Jesse at tumango-tango.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
That Nerd Is A Vampire (New Version)
Vampir✓ | Lucy thought she'd live all her life surrounded with humans that's supposedly to be their food. She disguised herself many times, lived her life with many names, and at last, she disguised herself as a nerd under the name of Lucy Genevive Marian...
