"Yes, Luvina," tanging sagot ni Ma Luisa at nilagay ang malaking papel na sa tingin ko'y isang blueprint base sa mga linya-linyang nakita ko. 

"Akala ko ba kasali ako sa pagpaplano niyo?" dismayado kong tanong at pinanood silang isa-isang umakyat.

Nagpaiwan si Luisa at Tyler sa basement kasama ko. Reign just tapped my shoulder and Jesse kissed my left cheek when they left.

"Luvina, we can't fully trust your abilities, I'm sorry. Alam kong ginagawa mo ang makakaya mo para makontrol nang tuluyan 'yon but for safety purposes, we need to hide it from you."

"Safety purposes? Para saan ba 'yan?"

Ngayon ay si Tyler naman ang sumagot na umupo sa ibabaw ng oak table, "For example, you lost your concentration and you accidentally opened your mind and let enemies read your thoughts. You just showed them our plan, that's it."

I scoffed. So, para saan naman ang pagtetraining ko ng halos isangbuwan? Ano 'yon, display lang? That's so unfair. 

"Luvina, I'm sorry. But later, you will encounter those men in cloak again and take you to Locious. Sa ngayon, hindi ka muna namin ililigtas at hayaan kang makapasok sa Locious. Do that for us, okay? I want you to roam around the house, watch Riana, and wait for us to get there. We'll be there with you."

Lumapit sa 'kin si Luisa at niyakap ako nang mahigpit. She kissed the top of my head and went upstairs.

* * *

Buong gabi ay hindi ako natulog. May aatake ulit dito para kunin ako? What's so special in me that they had to bring me to Locious? 

I kept on rolling on my bed, thinking what might be their plan is. Ano ba ang gagawin ko do'n, magiging spy? May kukunin akong diyamante? Kayamanan? May papatayin?

Dahil wala akong mahanap na pwesto, lumabas ako saglit ng bahay. I wore the leather jacket I borrowed from Ma Luisa's closet, my wallet, and left my phone in my room.

Naglibot-libot ako sa mga kalye. Since it's nearly dawn, so no one wanders around anymore. 

Habang palakad-lakad sa kalsada, may narinig akong humihingi ng tulong. Pamilyar ang boses niya. And I can feel his heartbeat—unti-unting nawawala ang beat nito. He's losing his life. He's losing hope.

Hinanap ko siya. I know he's somewhere near my place. Mas pinatalas ko pa ang senses ko hanggang sa nakita ko nga—si Jameson. One of my bestfriends during my first year in League University.

Muli kong naalala ang gabing 'yon. Yung gabing may umatake kay Andi. Jameson's bleeding. Hawak-hawak niya ang kaniyang tiyan kung saan maraming dugo ang rumagasa.

"T—Tulong!" sigaw ni Jameson nang makita ako. Dahil sa kakulangan sa lakas, natumba si Jameson sa kalsada kaya ako na ang kusang lumapit sa kaniya.

I tried my best to avoid his scent. It's tempting me to drink his blood but I managed to prevent from doing such thing to him.

Nawawala na ang kulay sa mukha niya. I don't know what'll I do. Ibang iba kay Andi ang kaso ni Jameson. What I did to Andi was unexpectedly strange. I don't heal people, I can't even bring them back to life. Pero no'ng gabing 'yon, kitang kita ng mga mata ko ang katotohanang wala nang buhay si Andi noon. But when my hand touched her skin, she came back to life.

Inangat ko ang kamay ko at binuka ito. Tinitigan ko ang palad ko. How did I do it? How did I bring Andi's life back? How can I help Jameson?

Mas lalong dumami ang lumabas na dugo mula sa sugat ni Jameson. Hinawakan ko sa gilid ng leeg ni James at pinakiramdaman ang pulso niya.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang maramdamang hindi na tumitibok ito.

Hindi na ako nagdadalawang isip pa at inilagay ang dalawa kong daliri sa gilid ng leeg ni James.

'Gaya ng naramdaman ko noong nabuhay ulit si Andi, I felt my fingers burned from Jameson's skin. Titig na titig ako sa mukha ni James na unti-unting nagkakaroon ng kulay. Bumaba ang tingin ko sa tiyan niya at yung sugat niyang may tahi ay unti-unting sumarado, ang mga dugong nagkalat ay muling bumalik sa kaniya.

Then Jameson opened his eyes, breathing heavily. Unti-unti siyang umupo sa kinahihigaan niya at nagtatakang tinitigan ako.

"Lucy..."

Napatayo ako. I did it again. What the fangs. How the hell did I do it?

Malakas na ulit si Jameson. Nagawa niyang makatayo at kapkapin ang sarili niyang katawan.

"Lucy, buhay ako! Maraming salamat! Salamat talaga!"

He hugged me tight. Hindi ako nakagalaw. Tinitigan ko lamang ang palad ko na nagtataka.

The treasure... Is it inside me? Is this why I am special?

Nang lumayo si Jameson, nagawa ko nang makapagsalita.

"Ano nga palang nangyari? Sinong gumawa sa 'yo niyan?"

"Hindi ko alam. Hindi ko kilala. Galing lang ako sa bahay nila Patricia nang may sumusunod sa 'kin. Nasa likod ko lang siya tapos... Tapos bigla nalang siyang nasa harap ko para saksakin ako ng kutsilyo."

A vampire. It's definitely a vampire.

"Jameson, umuwi ka na sa inyo. Magtaxi ka. Dumiretso ka sa bahay niyo. Delikado ang panahon ngayon—"

Biglang may pumulupot na braso sa 'kin at dinikit sa may ilong ko ang panyo na siyang dahilan sa pagkatulog ko.

Defying Geek
graciangwttpd

That Nerd Is A Vampire (New Version)Where stories live. Discover now