Kumunot ang noo ko. Who's this Master? Who's the other Master? Who are the Masters?
"Ilan ba ang Masters?" tanong ko, finally spoke what's in my mind.
"The two Masters—the husband and wife—are the ruler of the clan, young lady. Kada clan ng mga bampira ay dapat may namamahala, at ang mga nagmamahala ay dapat may tagapagmana."
Si Tyler naman ngayon ang nagsalita, "Sir Abcha's the one to look after you since you were a child, Luvina, to make sure you're safe from the eyes of those greed new people of Riana. She's been following you, keeping an eye of you."
"Ha?" is the only word that came out from my mouth.
May napapansin nga ako minsan noon. When I was at school, or even when I was at my apartment. Kahit pa noong iba ang anyo ko, iba ang pangalan ko. Someone's been following me.
"Si Sir Abcha ang tanging naging mga mata namin sa 'yo, Lucy, aside kay Luisa at Aldrin. Kami naman ang naging mga mata mo sa labas," sabi naman ni Mario—Greg—basta nakilala ko siya bilang Mario.
Mas lalo akong naguluhan.
"Luisa and Aldrin are Hunter and Huntress of Locious clan. Silang dalawa ang tumanggap sa pabor ni Master bilang mag-asawang walang anak, and Master left you to them. Riana—ang kasalukuyang Master ng Locious—killed your mother, Luvina."
"Ninety four years ago after the victory of Riana, her next step was to become the new wife of Malcolm Sandoval, your father, the Master and the only Master left for Locious clan—unfortunately, she succeeded with her plans and slowly getting what she wants."
Tumahimik si Reign, which means tapos na siyang magkwento. Pero alam kong hindi pa tapos ang kwento niya, alam kong may kulang. Hindi malaman. Hindi ko maintindihan.
"Sino naman ang Master na sinasabi niyo? My father, Malcolm Sandoval, o si Riana? Sino naman 'tong si Riana?"
"Si Riana ang tanging kaibigan noon ng Mama mo na nagtraydor, Luvina," sagot ni Christian—Val—okay, Christian. I'd rather use the names I knew them.
"Kung bampira kayo, that means isa rin sa inyo si Ma'am Esmeralda, 'di ba? Mommy ni Tyler?"
Nagkatinginan silang lahat. Walang reaksyon si Tyler, Sir Abcha remained silent.
"Ang totoo niyan—" naputol si Reign sa sasabihin niya nang umalingawngaw ang tunog ng pintuan na bumuka at sumarado.
Umalingawngaw rin ang tunog ng sapatos ng bagong dating hanggang sa umupo siya sa pinakadulo ng table, smiling widely at me.
"Ma Luisa."
"Sorry I'm late everyone. Napasarap ang kwentuhan ko kay Master."
Muling humarap sa 'kin si Ma Luisa habang hindi natatanggal ang ngiti sa labi niya.
"It was such an honor to take care of you for century, Luvina."
* * *
We hang out like the usual the following days. Nanood ng movie, magswimming sa infinity pool, nagjamming kasama sina Christian at Mario—Tyler's nowhere to be found after that night when Ma Luisa finally appeared.
Umahon ako at umupo sa tabi ni Reign. Pinanood ko si Jesse na pabalik-balik na lumangoy mula dulo papunta sa kabila. Sina Christian at Mario naman ay nagkukwentuhan sa may round table. Ang lakas pa ng tawa nila.
"Kailan babalik si Ma Luisa?"
Marami pa akong dapat itanong sa kaniya. Kagaya ng treasure na sinasabi ni Miss Suzzane at kung sino siya. Kung ano nga ba ako. Kung sino ang master nila. Kung sino nga ba talaga ang Locious. At kung kilala ba nila ang mga magulang ko.
YOU ARE READING
That Nerd Is A Vampire (New Version)
Vampire✓ | Lucy thought she'd live all her life surrounded with humans that's supposedly to be their food. She disguised herself many times, lived her life with many names, and at last, she disguised herself as a nerd under the name of Lucy Genevive Marian...
