"She needs to know." I heard Reign's voice.
"Pero Lucianna, makakadagdag lang 'yon ng problema." Jesse, trying to sound calm but half annoyed.
"Tama si Hanna. Hindi natin alam kung ano ang pinaplano ni Riana. It's better to keep Lucy safe and not knowing about it." Si Christian; nakakapanibago ang seryoso niyang boses.
"Sir Abcha already settled the message to Master," said Mario. Who's their Master? Si Tyler?
"Master might give us her signal, Lucianna. Kalma ka lang," sinabi naman ni Tyler. He's not their Master.
They kept quiet for a minute or two, then I found myself got up from the bed and opened the door. Just after I opened it, I saw the five of them gathered in front of the guest room where I stayed. Nang makita nila ako ay napaatras pa sila, Jesse and Reign looked away while Christian raised his arms to high-five me.
"Lucy! Ayos na ba pakiramdam mo?"
Hindi ko pinansin ang kamay ni Christian na nakaabang sa 'kin at isa-isa silang tinitigan sa mata; Reign and Jesse couldn't look straight into my eyes.
"Ano ang hindi ko dapat malaman? Sino si Master? Anong signal?"
Ngayon ay lahat na sila ang hindi makatingin sa 'kin nang maayos kahit na si Tyler na palaging may lakas loob tumitig kapag may tinatanong akong hindi masasagot sa iba.
Ibubuka ko na sana ang bibig ko para iulit ang tanong ko nang dumating ang naka-tuxedo na lalaking nasa mid 30s. Sir Abcha bowed his head and presented to us the envelope he's holding.
"Narito na ang mensahe ni Master." I watch him walk away down the stairs until his figure's not visible to my sight anymore.
"Master's signal, Ty."
Napatingin ako sa hawak niyang envelope na nakabukas na, isang kulay kayumangging papel ang nasa kamay niya at alam kong may mensaheng nakalagay do'n pero 'di ko na mabasa.
"Luvina, magusap tayong lahat sa dining hall," seryosong saad ni Tyler at naunang bumaba sa carpeted stairs. Luvina?
* * *
All of us sat at the long table of dining hall including Sir Abcha.
Sa kanang bahagi ng dining hall nakaupo ang mga lalaki kasama si Sir Abcha. Sa kabila naman ay kaming tatlo, Reign's sitting in the middle, still holding the envelope Sir Abcha gave her.
"Ang totoo niyan, Lucy," panimula ni Reign. "Ako si Lucianna Crinamorte, daughter of the former Keeper that died during the fight between the other clans, Lucio and Anna Crinamorte."
"Ako naman si Hanna Crinamorte, daughter of the Hunters, Hansel and Kiana Crinamorte, magpinsan kami ni Lucianna," pakilala naman ni Jesse.
"Jesse and Reign aren't your real names?" I asked, and they just shook their head as an answer.
Tumingin naman ako kay Mario nang magsalita siya, "Greg Vadoll, never been Mario Greg Jung. Son of the former right hand of the Master of Locious clan, Gregorio and Hilary Vadoll."
"Val Murik, ulilang lubos pero naging Hunter ng Locious clan nang masaksihan nila ang kakayahan ko," si Christian.
"Tyler Jacob Valentine," tanging sinabi ni Tyler.
Ngayon naman ay tumingin ako kay Sir Abcha na nakayuko at tahimik lamang kanina pa.
"Ako po, young lady, si Abcha Pompadour, ang tagapagsilbi ng pamilya ng Masters sa loob ng isang libong taon. Napatalsik ako nang malaman nilang nagtraydor ako, kaya nandito ako sa inyo upang maglingkod kasama si Master."
YOU ARE READING
That Nerd Is A Vampire (New Version)
Vampire✓ | Lucy thought she'd live all her life surrounded with humans that's supposedly to be their food. She disguised herself many times, lived her life with many names, and at last, she disguised herself as a nerd under the name of Lucy Genevive Marian...
