✓ | Lucy thought she'd live all her life surrounded with humans that's supposedly to be their food. She disguised herself many times, lived her life with many names, and at last, she disguised herself as a nerd under the name of Lucy Genevive Marian...
"No you can't, Lucy. Tingnan mo nga ang sarili mo, nanginginig ka na. Hindi mo kaya 'yan. Dadalhin natin sila sa ospital," ani Reign.
Hinayaan ko si Tyler na buhatin si Ma Luisa at pinasok sa sasakyan niya. Sunod nilang pinagtulungang ipasok sa sasakyan si Papa. Papasok na rin sana ako sa passenger's seat nang pigilan ako ni Jesse.
"Lucy, dito ka lang. Si Tyler at Reign muna ang bahala sa kanila. Susunod tayo do'n, okay? Ty, tawagan niyo kami kapag ayos na."
Kahit na gusto kong silang samahan, tumango na lamang ako at nagpahila kay Jesse papunta sa kusina para ikuha ako ng tubig. Hindi ko makalma ang sarili ko. Pa'no kung wala na silang buhay? No, huwag kang magisip ng negatibo, Lucy.
I waited for their call. Three hours, five hours, hanggang sa hindi ko natiis at akmang susunod na sa ospital nang mag-ring ang cellphone ni Jesse.
"They're okay, Lucy. Wala kanang dapat ipag-alala. They took them to the nearest healer."
Nakahinga ako nang maluwag.
"S—Salamat. Maraming salamat."
Dumating sa kusina sina Mario at Christian matapos maglibot ng bahay.
"Walang nawalang gamit, Lucy. Mukhang sila lang talaga ang pakay ng mga intruder."
Hindi. Hindi sila Mama at Papa ang pakay nila kundi ako.
"Nasa'n ang tagapagmana?"
"Nasa'n si Lucy?!"
* * *
Dinala nila ako sa healer na sinasabi nila. It's only a mile away. Tapos papasok pa ng gubat.
Pagdating namin sa isang maliit na kubo, nadatnan namin si Tyler at Reign na mahinang naguusap.
"Nasa'n sila Ma at Papa?" tanong ko agad nang makalapit ako sa kanilang dalawa.
Tumayo si Tyler at pumasok sa loob ng kubo. Reign just looked away. Kumakabog nang malakas ang dibdib ko dahil hindi man lang nila ako kayang tingnan sa mga mata ko.
May nangyari ba? May masama bang balita? No, I can't lose them both.
"Reign—"
"Umalis silang dalawa matapos magamutan, Lucy."
Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko masamang balita na.
Pero bakit naman sila aalis kung kailangan pa nilang makapagpahinga nang maayos. Are they avoiding me?
Lumabas ulit si Tyler at dumiretso sa sasakyan.
"Tara na, Lucy. Maayos na ang kalagayan nila. Wala ka nang dapat ipag-alala pa."
Umiling ako. Oo, wala na. Pero parang may hindi magandang nangyayari. Ma Luisa and Papa Aldrin seems to be avoiding me.
"Hindi na ako sasabay sa inyo. Maraming salamat nga pala sa tulong," I said before disappeared into the trees.
* * *
Wala akong planong umuwi sa apartment. Hinayaan ko lang ang mga paa ko na dalhin ako sa kung saan.
Nakarating ako sa main road. It's only one block before my apartment pero lumiko ako sa kabilang daan. I kept on walking through the dark road, and walk, hanggang sa natigil ako sa paglalakad nang may babaeng lumiko sa madilim na daan. Nobody usual walks alone in this dark road. Hindi ko nalang sana siya papansinin nang huminto siya sa gilid ko at hinawakan ako sa pulsuhan.
Hindi na ako nakapalag pa nang hilahin niya ako and pinned my back on the walls. Nakatutok sa leeg ko ang isang matulis na bagay habang naka-secure naman ang tuhod at kamay niya sa mga kamay ko para hindi ako makatakas.
"It's you..." bulong niya habang inaamoy ang leeg ko. My body gave a sudden quiver. "The treasure is inside you..."
She looked at me and saw her velvety red eyes. Malalim ang kaniyang paghinga habang patuloy akong inaamoy.
"The treasure I've been looking for is there. I saw what you did to the dead cat..."
Namanhid ang tuhod ko nang matitigan ko ang nasa noo niya. It's a crescent moon shaped and was shining brightly from the moon above.
"You are the treasure that everyone's been looking for."
Ngumisi siya sa 'kin. Sinugatan niya ang leeg ko at gamit ang kaniyang hintuturo, she wipe it off and put it inside her mouth and tasted it like it was some kind of delicious dessert.
"Your blood is extraordinary, too."
Nang lumuwang ang pagkakahawak niya sa 'kin at wala na ang matulis na bagay na nakatutok sa 'king leeg, nakapagsalita narin ako.
"Miss Suzzane?"
Ngumisi lamang si Miss Suzzane at hinawakan ang baba ko. I saw her fangs under her teeth, her velvet eyes are staring intently at me.
"That's right, Lucy, it's me."
"Pero—bakit—no..."
"Yes, Lucy. Yes..."
With that, she slowly became small and turned into a black cat that I saw one night at the rooftop of the building—Siya yung tumulak sa puting pusa na binuhay ko ulit.
Napasinghap ako. Hindi ako makapaniwala na si Miss Suzzane, ang aming professor, ay isang bampira.
Para akong hindi makahinga. Mas lalong dumagdag sa misteryo ng buhay ko si Miss Suzzane.
What treasure is inside me? Why is my blood extraordinary?
"Nandito ka lang pala."
Napaigtad ako nang may magsalita. I looked up and saw a shape of a man.
"Pinasusundan ka ni Reign. Baka raw may mangyaring masama sa 'yo. At tama nga siya, may nangyari nga. You already met her."
Napayakap ako sa tuhod ko. Gulong gulo na ang utak ko. Ayoko ng ganito. I just wanted to have a simple life. Pero parang mas lalong lumala ang challenge sa buhay ko.
Lumapit sa 'kin si Tyler at umupo sa tabi ko. Inangat niya ang ulo ko gamit ang hintuturo niya at bigla niya akong hinalikan sa noo at marahang tinapik ang ulo ko.
"No one's going to hurt you anymore, Genevieve."
Hinayaan niya lang ako na isandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Now I feel safe with him.
Defying Geek graciangwttpd
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.