I took a deep breathe and close my eyes. Alam mo yung nag-alala ka sa kanya kasi kala mo seryoso siya pero puro kalokohan pa rin pala?

Humarap ako sa kanya at binatukan siya ng malakas.

"Aray ko naman! Masakit pa nga katawan ko dahil sa training eh!"

"Masakit din katawan ko, pero pati ulo ko sumasakit dahil sa'yo!"

"Bakit ba? Totoo naman ah! Bakit nung ako pumipilit sa'yo ayaw mo! Ganon ba kawalang kwenta mga advice ko?"

Natawa ako bago siya akbayan

"At sino may sabing walang kwenta yung mga advice mo?" I pause and look at her "Yung plano mo sa lumang warehouse? That was the best idea I've ever heard!"

Tinanggal niya naman yung pagkaka-akbay ko sa kanya at tinaasan ako ng kilay

"Talaga?"

"Oo naman! Hindi ko lang ginawa kasi diba yung plano mo walang ilaw? Eh baka hindi ko makita si Jho, masira pa yung plano natin" sabi ko at tumawa naman siya

Tumawa din ako pero agad na nahinto ng may nagsalita.

"At anong plano yun?"

umupo si Jho sa gitna namin ni Jia at humarap sakin. Napa-atras ako, nakakatakot yung tingin niya.

"Selosa naman this girl" Sabi ni Jia sabay tayo "Loyal ako kay honeypie baby Miguel ko Jho"

"Hahahahahahaha kadiri talaga!"

"Wag mo ngang tawanan yung endearment namin" Sabi ni Jia pero tumatawa din naman siya.

"Ah ganon? OP ako? Kayo lang masaya?"

sus. selosa talaga ng Jhoana ko.

Hinila ko siya palapit at niyakap. Hindi naman siya nagreklamo.

"Selosa. Sa'yo lang ako diba?" Bulong ko

"Sabi ko nga e-exit na ko eh. Bye guys, landian lang kayo diyan" Di ko na pinansin si Jia, lumabas siya ng kwarto namin. Naramdaman ko naman na niyakap ako pabalik ni Jho.

"Wag ka na magselos baby"

"Ano ako sanggol?" sagot niya kaya natawa ako

"Edi mas gusto mo yung love?"

"Wala akong sinabi"

"Eh ano palang gusto mo?" Tanong ko at bumitaw naman siya sa yakap tapos tinignan ako

"Ikaw. Ikaw lang naman gusto ko"

Napakagat ako sa labi para mapigilan yung ngiti ko. Oh edi ako na kinikilig.

"I know"

"Wow. Yabang"

"hahaha so ano nga?"

"Ano? Kailangan ba may endearment pa?"

"Gusto ko eh" I said and pout

"Sus. Alam mo beh, kahit anong itawag mo sakin keri lang. Kahit tawagin mo pa kong nognog, pandak, at laki sa hirap. Di naman tulad ng iba, mahal mo naman ako diba?"

What? Hahaha ang baliw talaga ng babaeng to.
Niyakap ko siya habang tumatawa.

"Nognog ka oo- aray!" Pasaway to, kinagat yung balikat ko. Di pa nga ako tapos eh "Teka kasi. Hindi ka naman pandak at lalong hindi ka mahirap dahil mayaman ka sa pagmamahal ko"

"Hahaha talaga ba?"

"Yep. At oo, di tulad ng iba mahal na mahal talaga kita" humigpit yung yakap niya at napangiti nalang ako.

Complicated HappinessWhere stories live. Discover now