Nilunok ko nang wala sa oras ang nginunguya ko't naibaba ang kutsara ko.
Dinabog ni Reign ang kamay niya sa lamesa at tumayo. She looked at Suzy, ni-head to foot at ngumisi.
"Anong kalokohan na naman ba 'to, Suzy?"
"Why? Can't you guys share your tables with us?" tanong ni Marianne na sinimulan nang kainin ang kaniyang sisig.
Tumayo din si Jesse, nagsagawa ng ingay ang upuan niyang sumayad sa sahig.
"Kung ayaw niyong mapatawag ulit sa office o makagawa ng eskandalo, umalis nalang kayo."
Sinumulan kong iligpit ang pinagkainin ko at tumayo.
"Reign, Jesse, umalis nalang tayo dito."
Pero hindi sila nakinig. Sa halip ay biglang kinuha ni Suzy ang softdrink in can at binuksan ito sa harapan namin tapos binuhos ang laman kay Reign.
Napaatras kaming lahat dahil do'n maliban kay Reign at Suzy.
"That's what you get for trying to cross the line, loser."
Nanatiling natulala si Reign sa binuhos sa kaniya. Basang basa ang kaniyang uniporme. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya at dahan-dahang nilingon si Suzy.
"What the hell?" Reign muttered, looking angrily at Suzy who just smirked at her.
Can I borrow Jesse's signature line?
Oh my Jesse. Isang gulo na naman 'to.
Sinubukan kung hilahin si Reign mula sa kinatatayuan niya pero ang tigas ng ulo, hindi umaalis. Nanatiling nagkatitigan ang dalawa habang ang nakakuyom na kamao ni Reign ay nanginginig sa galit.
Everyone's watching us. Some are pointing their cameras to us, filming us.
"Ganiyan ka ba ka-weak, ha, Suzy? Pouring some cheap drinks para lang makapaghiganti? You're nothing but a psychopath queen-wannabe."
Namilog ang mata ni Angelique at akmang aatakihin si Reign nang pigilan siya ni Suzy.
Ngumisi lamang si Suzy. She's loving all the attentions she got. Hindi man lang siya naapektuhan sa sinabi ni Reign.
"Wow. Look who's brave enough to stand against me. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mong gawin, loser."
All of us gasped. The sudden attack of Suzy shocked us all. Bigla na lamang niyang hinablot ang buhok ni Reign. Lumaban naman si Reign at kapwa sila natumba sa lamesa na nasira nila, they're both rolling on the floor.
Nagpanic kaming lahat. Sa isang iglap, 'tila nagtulungan kami ni Angelique, Marianne at Jesse na paghiwalayin ang dalawang 'tila isang pusang nagaaway na hindi maawat. Umalingawngaw pa ang pagsampal ni Reign kay Suzy nang pinaibabawan niya si Suzy sa tiyan.
"Reign! Tama na!" tili ni Jesse habang pilit na hawakan si Reign. "Hoy kayong dalawa, awatin niyo si Suzy!"
"Suzy tama na 'yan! Oh God, Suzy!" tili naman ni Marianne.
Finally, ang mga audience namin ay 'tila nagising ang diwa at tinulungan kaming awatin ang dalawa. Sa tulong ng apat na lalake ay napaghiwalay namin ang dalawa. Ang dalawang lalaki ay hawak si Reign at ang dalawa pang lalake ay hawak naman si Suzy.
Parang ganito ang scenario na nangyari sa 'min ni Suzy doon sa mall. Ang pagkaibahan lang, si Suzy at Reign ay nasa public habang kami ni Suzy noon nasa loob lang ng banyo.
"Psycho!" Reign hissed.
"Loser!" Suzy hissed back, trying to get her arms from the two boys. "Bitiwan niyo nga ako! Bwisit!"
When everyone's chattering while watching us, biglang umalingawngaw ang malakas na pagsarado ng pintuan ng canteen.
All of our eyes laid on the woman wearing a white blouse a black jeans. Ang buhok naman niya ay hanggang leeg. Ang sama ng titig niya sa 'min.
"Anong kaguluhan 'to? Kayong mga sangkot sa gulong 'to, sa opisina ko, ngayon din!"
Oh no. Is this Ma'am Yana part two?
* * *
All six of us are sitting on a monobloc chair while Miss Suzzane, ang gurong pumasok kanina sa canteen, ay nagsusulat sa isang papel. Parang déjà vu ang nangyari. Ang pagkaibahan, hindi si Ma'am Yana ang nagdala sa 'min sa opisina niya.
"I can't believe that in my first day, I will be giving punishment to the three of you."
Gulong-gulo ang buhok ni Suzy at Reign na magkatapat sa upuan. Si Marianne naman at si Jesse tapos ako at si Angelique.
"Excuse me, Ma'am? Pero bakit tatlo lang?" tanong ni Jesse habang nakataas pa ang kamay sa.
Ngumiti sa kaniya si Miss Suzzane. Lumabas ang dimple niya sa kaliwang pisngi.
"The other three, not you. There are cameras installed in every corner of this university and I have seen the footage that sent to me just now. Base sa napanood ko," lumingon si Miss Suzzane kay Suzy na nakataas ang kilay. "You are the first attacker and I must say, you three are the main reason why this all happened. Kung hindi ka lang lumapit sa kanila at naghanap ng away, hindi mangyayari ang gulong 'to."
Nanlaki ang mata ni Suzy. "But, Ma'am! She slapped me!" tinuro niya si Reign.
Umiling si Miss Suzzane at nagpatuloy sa pagsulat. "But you're the first one to attack. I may haven't heard your conversation but I can figure out why you attacked first. Dahil ba sa sinabi ng kabilang kampo? I can't believe it. Talo ka na kapag naaapektuhan ka ng salitang binitawan sa 'yo ng kalaban mo."
Huminto si Miss sa pagsusulat at muling tiningnan si Suzy na namumula na.
"I can't be punished! Sila ang dapat bigyan ng parusa kasi—!"
"This is already final. Kung ayaw mo ng punishment, then might as well talk to dean and ask for your kick out. How about that?"
Umirap si Suzy at nanahimik na lamang. Tinitigan niya ako nang masama at inirapan.
"The three of you can go now," sabi ni Miss Suzzane sa 'min.
Tumayo kaming tatlo at nagpaalam kay Miss Suzzane. Hindi na namin tiningnan pa sina Suzy at lumabas ng opisina. Habang pababa ng hagdan ay inaayos naman ni Jesse ang magulong buhok ni Reign gamit ang suklay.
"Ano ba kasi ang pumasok sa kokote mo at sinagot-sagot mo pa 'yang Suzy na 'yan? Alam mo namang nasa paa ang utak no'n."
"Jesse, hindi ko pwedeng hayaan siya na patuloy na binubully si Lucy. Look at her, masyadong mahaba ang sungay kaya kailangan nang putulin."
Tumabi ako kay Jesse at tinulungan siya. Masyadong matigas ang buhok niya at hindi kaya ng suklay ni Jesse. Nabali pa ang handle nito.
"Reign, Jesse, hindi niyo naman kailangang ipagtanggol ako. Kaya ko ang sarili ko. Suzy is just Suzy, sanay na ako sa kaniya."
Huminto si Reign. Bigla siyang humarap sa 'min kaya napaatras kaming dalawa ni Jesse.
"Kaya mo ang sarili mo? All I want for you is to fight back, Lucy. Fight for your rights. Hindi ka pwedeng maliitin palagi."
"Ayoko rin namang may madamay nang dahil sa 'kin," sagot ko sa mahinang boses.
Reign pressed her lips into a thin line. I know, nainis siya sa sinabi ko.
"Hindi kami yung kaibigan mo noon na takot na madamay. Willing kaming madamay para lang protektahan ka, Lucy. That's what true friends are. Hindi takot sa maaaring mangyari basta't maprotektahan lang ang isa't isa."
Defying Geek
graciangwttpd
YOU ARE READING
That Nerd Is A Vampire (New Version)
Vampire✓ | Lucy thought she'd live all her life surrounded with humans that's supposedly to be their food. She disguised herself many times, lived her life with many names, and at last, she disguised herself as a nerd under the name of Lucy Genevive Marian...
