Napakalaki ng opisina na 'to. Sa harapan ay may napakalaking bintana na gawa sa salamin na natatakpan ng kurtina, may itim na table sa gilid at swivel chair at iilang mga kagamitan. Opisina lang 'to pero kasinlaki na ng buong apartment na tinitirhan ko.
Bumalik si Ma'am Esme na may dala-dalang tray at umupo sa kabilang couch na pang-single.
"Sorry, I only have these doughnuts and a fruit juice."
Nahihiya man at kahit busog pa, kinuha ko ang isang plato na may dalawang magkaibang flavor na doughnuts.
"Ayos lang po sa 'kin 'to, Ma'am Esme. Maraming salamat po."
Nakakabilib na isang presidente ng isang kompanya ang biglang nag-alok sa 'kin na pumasok dito. She was just walking on the sidewalk, not having a lot of bodyguards around her kagaya ng inaasahan ko sa mga katulad niya. Ma Luisa and Papa Aldrin was with their bodyguards sometimes kahit na kaya naman nilang protektahan ang sarili nila.
Napakabait ni Ma'am Esmeralda. Napaka-humble. The way she talks, the way she moves and even the way she look at me, napaka-smooth lahat. Nakakagaan sa pakiramdam ang presensiya niya.
"I also have a wine if you want. Do you drink wine?"
Ah. Wine. Luvicious is a brand of a wine Ma Luisa usually drinks. Kaya pala pamilyar. Hindi ko aakalain na makakaharap ko ang may-ari ng wine na paborito ni Ma.
"Um, hindi po. Ayos na po 'to. Maraming salamat po."
She just smiled.
"Tell me about yourself, Lucy. Ang swerte naman ng mga magulang mo na may malambot na pusong tumulong sa 'kin. I hope you'll stay that way when we meet again soon."
All of a sudden, I felt comfortable with her. Binaba ko ang plato ng doughnut at nagsimulang ikwento sa kaniya ang buhay ko.
I told her about my school, my current life as Lucy. Parang bigla-bigla nalang lumabas sa bibig ko without even minding that this woman I just met is still a stranger to me. Walang preno akong nagsasalita hanggang sa namalayan ko na gabing-gabi na pala.
"I can give you a ride to your home, Lucy."
Agad akong napatayo't kinuha ang bag ko para isukbit sa balikat ko. "Naku huwag na po. Nakakahiya na, Ma'am Esme."
Muli sana siyang magsasalita nang may biglang pumasok. Dahil nasa likod ko ang pintuan, hindi ko kaagad nakita kung sino ang pumasok.
"Oh, Tyler. Naparito ka?"
Tumindig ang balahibo ko't dali-daling umikot. Nakita ko doon si Tyler na natigilan din at napatitig sa 'kin, pansin ko ang pagkataranta niya.
"Bakit ka nandito?" tanong niya, nakakunot ang noo at lumapit sa 'min.
"Magkakilala kayong dalawa?"
Tumango ako kay Ma'am Esme at muling binaling ang tingin kay Tyler na humalik sa pisngi niya.
"Ma, why is she here?"
Tila tumigil ang paghinga ko. Nabingi, feeling ko mawawalan ako ng malay nang kausapin ni Tyler si Ma'am Esme.
She's Tyler's mother? Bakit hindi ko man lang alam 'yon? Wala akong makitang resemblance nila. Or maybe he got his features from his father.
"She helped me earlier, Ty. Ngayon, ihatid mo siya sa kanila at umuwi ka na."
* * *
Kapwa kami tahimik habang nasa biyahe. I told Tyler to just drop me off at school para maglakad nalang ako pauwi, pero hindi siya nakinig at nagpatuloy sa pagdrive para ihatid talaga ako sa apartment.
Hindi parin ako makapaniwala na mama niya si Ma'am Esme. Mayaman pala 'tong si Tyler. I mean, of course, marami ang mayayaman sa League University. Pero hindi ko aakalain na may malaking kumpanya pala ang pamilya nila.
"Why didn't you showed up?"
Napaigtad ako sa biglang tanong niya. Oo nga pala, hindi ako sumulpot sa practice.
"You make me looked like a fool there."
Imbes na mag-alala ako kung paano ko sasabihin na mag-quit na ako, tila kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.
I looked like a fool, too, for three days. Pero hindi ako nagalit katulad niya. Hindi yung tipong umuusok yung tenga't ilong at namumula ang mga mata. That's how I see him right now while driving the car.
Because I am a weak dependent cutie, I didn't argue. Hindi ko pinamukha sa kaniya na mas nagmukha akong baliw sa hindi pagsulpot niya ng tatlong araw sa practice.
Mas mabuti na rin 'yong naisip ko, eh. Ang tumigil at palitan na ang identity ko. I thought this lifetime would be about adventure, challenge. Pero hindi pala. Sagabal lang sa buhay.
"Ihinto mo ang sasakyan," utos ko sa kaniya. He didn't do it. "Sabi ko, ihinto mo ang sasakyan!"
Nagulat ko ata siya sa pagsigaw ko dahil biglang gumewang ang manibela at huminto. Padabog kong binuksan ang pintuan at nagmartsya palayo sa sasakyan niya.
Defying Geek
graciangwttpd
YOU ARE READING
That Nerd Is A Vampire (New Version)
Vampire✓ | Lucy thought she'd live all her life surrounded with humans that's supposedly to be their food. She disguised herself many times, lived her life with many names, and at last, she disguised herself as a nerd under the name of Lucy Genevive Marian...
