"Papunta kami ng arcade. Para malibang naman. Ikaw, ano naman ang ginagawa mo dito? Gabi na."
Napaawang saglit ang bibig ko.
"Wala, namasyal lang saglit. Bored kasi."
Muli kong naramdaman ang kamay ni Christian na pumulupot sa 'kin. "Kung gano'n, punta tayo sa arcade!"
* * *
Alas-nuwebe ang closing time ng mall. Nakarating kami dito bandang alas-otso at hindi na agad sila nag-sayang ng oras at bumili ng token para makapagsimulang maglaro.
I don't know how I ended up going with them. Hindi ko naman sila kilala, hindi ko sila ka-close kaya nakakapagtakang bigla nalang nila akong hinila dito. To be specific, Mario and Christian brought me here.
Binigyan ako ni Mario ng sampung token at tinulak papunta sa basketball section. Tig-isa kami ng machine dahil sabi ni Christian ay mag-compete kaming apat. Kung sino ang malaking puntos ang siyang manlilibre ng ice cream sa 7/11 sa tapat ng mall mamaya.
Crazy, right? Yung may malaking puntos pa talaga ang manlibre.
"At the count of three, sabay nating ihulog ang—ang daya mo Tyler!"
Muntik akong matawa sa mukha ni Christian nang naunang maglaro si Tyler sa 'min. Inihulog ko nalang din ang token ko at nagsimulang mag-shoot ng bola sa ring.
I really am not into sports kaya 'di ako masyadong nakaka-shoot. It took us fifteen minutes to play, Mario won.
Nakipagtalo pa siya kay Christian sa pagkapanalo niya. "Hindi nga kasi! Kung shinoot lang ni Tyler yung last ball niya, siya yung panalo. Siya dapat manalo!"
"Hindi na kasi counted yun, bro. Ikaw panalo. Score ng machine ang basehan natin, 'di ba?"
Napasabunot na lamang si Mario dahil sa sinabi ni Christian. He doesn't have a choice, he won the deal.
Tumayo ako mula sa bleacher at nagpaalam sa kanila na magbabanyo lang muna ako. Nang makarating ako sa banyo malapit lang sa arcade ay bigla akong natigil nang makita si Suzy na nakatayo sa dulo ng cubicle, nakatitig nang masama sa 'kin.
Dahan-dahan siyang lumapit.
"So..." Hinawakan niya ako sa balikat at inalis ang buhok kong nakapatong dito. I remained calm while watching her movement. "Enjoyed bonding with those three hot guys, Lucy?"
Hindi ako sumagot. Sinundan ko siya ng mata ko habang umiikot sa 'kin. Bigla na lamang niyang hinila ang buhok ko sa likod kaya bahagya akong napatingala. I can feel her breath behind my neck.
"Hindi ko aakalain na ang nerd ng League University ay kasing landi ng nanay niya. Tatlong lalaki, pinagsabay-sabay?"
Tila nagpanting ang tenga ko pero hindi parin gumagalaw.
"'Di mo kilala ang nanay ko, Suzy. Huwag mo siyang idamay dito," kalmang saad ko pero may pagkadiin ang bawat salita. Tumawa siya.
"Really? Huwag idamay? Do you really know her?"
Binawi ko sa kaniya ang buhok ko at hinarap siya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla na lamang kinuha ang liquid soap sa sink, tinanggal ang takip no'n at binuhos sa kaniya ang laman.
Napasinghap siya sa ginawa ko. She look shocked. Ngayon, hinding-hindi na siya makakahanap na magtatanggol sa kaniya dahil mag-isa nalang siya. Now, where's your minions, Suzy?
"Bitch!"
Sinugod niya ako habang nakataas ang kamay. Hinila niya ang buhok ko kaya inabot ko naman ang buhok niyang napakahaba at hinila rin ito.
We found ourselves pulling each other's hair. Pilit kong kumawala mula sa mga kamay ni Suzy pero mas lalo niya lang nilalakasan ang paghawak sa hibla ng buhok ko.
Biglang may dumating na mga guards. Halos matanggal ang anit ko dahil hindi nagpapaawat si Suzy kahit na pilit na kaming pinaghiwalay ng dalawang guard.
"Ang kapal ng mukha mo, Lucy!" sigaw niya sa 'kin nang mailayo na siya mula sa 'kin.
Gulong-gulo na ang buhok ko. Gano'n din si Suzy na pilit kumakawala sa hawak ng isang guard.
Dumating sina Tyler, Christian at Mario.
"Anong nangyari dito?" tanong ni Mario, kahit na obvious naman kung ano ang nangyari.
Bigla na lamang akong nagulat nang humagulgol si Suzy. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya. Dinuro-duro niya ako habang umiiyak.
Applause, what a good actress.
"She started it! Binuhusan niya ako ng liquid soap, Tyler!"
Defying Geek
graciangwttpd
ESTÁS LEYENDO
That Nerd Is A Vampire (New Version)
Vampiros✓ | Lucy thought she'd live all her life surrounded with humans that's supposedly to be their food. She disguised herself many times, lived her life with many names, and at last, she disguised herself as a nerd under the name of Lucy Genevive Marian...
