Bigla akong napapikit. May naramdaman ako mula sa mga daliri kong nakadikit sa katawan niya na mainit at parang mahapdi. Then I opened my eyes, saw her eyes opened and staring back at me.
Napatili ako't napaupo. Unti-unti siyang umupo habang titig na titig sa 'kin. Pero ang mas nakakagulat, ang mga dugong nagkalat sa lupa ay unti-unting gumagalaw, parang bumabalik sa katawan niya, hanggang sa tuluyan na ngang nawala ang mga dugo sa sahig at ang walang buhay na katawan kanina ay bumalik sa pagiging buhay.
"What the hell?"
Anong nangyari? Bakit nabuhay siya?
I watch her touching her own body. Tinapat pa niya ang palad niya sa kaniyang dibdib. Bigla din niyang sinampal ang sarili niya hanggang sa napahagulgol na lamang siya.
"A... Anong nangyari? Oh God, you saved my life!"
Hindi ako nakagalaw nang bigla niya akong yakapin at humagulgol sa balikat ko.
* * *
Her name's Andi Carlos, nursing student and been in League University for three years now. Kinuwento niya sa 'kin ang nangyari habang naglalakad kami papunta sa sakayan niya. She went to the vacant lot to peace her mind out. Nag-away kasi raw sila ng boyfriend niya. Until she heard sounds coming from the other side of the wall, footsteps echoing that gave her creeps.
She couldn't picture out the person who did it to her. Ang naalala niya lang ay bigla siyang sinunggaban at tinulak sa pinagpatong-patong na mga kahoy na ngayon ay nagkalat na sa paligid.
"Thank you talaga, Lucy. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero naramdaman ko na kanina na..." lumunok si Andi at tumingala, forcing herself not to be emotional again. Pero hindi niya napigilan, muli na naman siyang umiyak. "... na mawawala na ako... I just can't stop thanking you. It's a miracle that I came back to life. You're really something, Lucy."
Nagpaalam na si Andi sa 'kin at pumara ng tricycle. Masyado siyang naging emotional simula nang magising siya. Kahit ako, hindi makapaniwala sa nangyari kanina. She kept on asking what happened but I couldn't answer her.
Nagsimula akong maglakad pabalik sa daan para umuwi. Hinatid ko lamang si Andi para masigurong ligtas siya't hindi na siya muling atakihin ng gumawa no'n sa kaniya. She refused at first, but I insisted.
Habang naglalakad, I kept on thinking about what happened. Ngayong linggo, puno ng misteryo ang nangyayari sa 'kin. Una, yung lalaking bampira na miyembro ng Locious, tapos ngayon na bigla na lamang nabuhay ang patay na katawan ni Andi.
Mysterious and strange.
"Lucy!"
Nawala ako sa focus ng pag-iisip nang may tumawag mula sa likod ko. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses.
"Oh diba, tama ako? Si Lucy nga!"
Nagtatakbo papalapit sa 'kin si Christian at umakbay sa 'kin. Abot tenga ang ngiti niya't bigla na lamang ginulo ang buhok ko.
"Close ba kayo, Christian?" natatawang tanong ni Mario habang nakatayo sa tabi ni Tyler.
Umangat ang tingin ko kay Tyler na malamig ang titig sa 'kin. Umiwas ako ng tingin at tinanggal ang kamay ni Christian na nakapulupot sa balikat ko. Hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa niya sa 'kin kanina sa canteen.
"Bakit nga pala kayo nandito?"
Ramdam ko pa rin ang titig sa 'kin ni Tyler na para bang may nagawa akong masama. Hindi ko siya pinansin at humarap na lamang kay Mario dahil sa tingin ko'y siya lang ang matinong makausap ko ngayon.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Vampire (New Version)
Vampire✓ | Lucy thought she'd live all her life surrounded with humans that's supposedly to be their food. She disguised herself many times, lived her life with many names, and at last, she disguised herself as a nerd under the name of Lucy Genevive Marian...
