Kabanata 33

258 21 0
                                    

Kabanata 33

UNIQ

Tuwang-tuwa ako habang pinanonood si Seungyeon na halos hindi na makatayo sa bench na pinag-upuan niya matapos naming bumaba sa roller coaster ride. Nahihilo raw siya at mukhang nasusuka. Imbis na maawa sa kalagayan niya ay hindi ko mapigilang hindi matawa. Hindi maipinta ang kanyang mukha!

"You look so epic! Dapat nakita mo ang mukha mo kanina." Hinimas ko ang kanyang likod habang tumatawa. I can't help it, okay.

"Stop it, Claire. It's not funny." Tiningnan niya ako ng masama.

"Sorry. What do you want? Water or energy drink? You already look exhausted." Nakangising tanong ko.

"Ice cream. I want an ice cream, please." Hinagod niya ang kanyang dibdib pababa sa kanyang tiyan. Napailing na lang ako.

"Okay. I'll buy for the two of us!" Humalakhak muna ako bago tuluyan siyang nilisan. Malinaw na malinaw pa ang mga ekspresyon niya sa akin kanina.

Nang makabili ng dalawang ice cream stick sa isang stall ay dumiretso na ako sa pinag-iwanan ko sa kanya. Nakita kong may kausap siya sa kanyang telepono.

"Yah! I'll be back. I know my sched, manager. Don't worry." Magkasalubong ang kanyang kilay nang nakalapit ako.

"Here is your vanilla ice cream, oppa. Enjoy!" Ngiting-ngiti kong inabot sa kanya ang stick.

"Gomawo." He slightly smiled.

"Your manager?" I asked while eating my ice cream. Iba talaga ang sarap ng ice cream ng Korea kaysa sa Pilipinas. Naging paborito ko na rin ito tulad ng pagkahumaling nitong lalaking katabi ko. He loves vanilla and so I. Madalas niya akong dalhan ng vanilla ice cream sa dorm kahit na alam niyang bawal.

"Yeah. She wants me to go to her office. Sinabi ko na lang na nagpapahinga ako." Nagtaas ako ng kilay. Enjoy na enjoy niya ang pagkain sa kanyang ice cream.

"Pahinga pala ang tawag mo rito? Halos mamatay ka na nga sa ere kanina." Natawa na naman ako ng maalala ko iyon.

"Yah! Talk slowly. I don't understand what you've said." He frowned.

"Sorry." Binelatan ko siya. Tumayo ako matapos kong maubos ang ice cream.

"Let's go, oppa. Finish your ice cream so we can ride the carousel before dawn. We still have three hours." Sabi ko habang nakatingin sa relo sa aking palapulsuhan.

"Okay, dongsaeng." He patted my head. Umikot ang mata ko dahil doon.

"Hana, dul, set. Kimchi!" Sabi ko bago tuluyang narinig ang flash ng camera na nakaharap sa aming dalawa. Magkatabi kaming nakasakay sa isang ride na mula itaas ay ibaba ka ng mabilis. Pareho naming unang beses ito kaya kahit ako ay kinakabahan. Kaya naglabas ako ng camera para makuhaan namin ang itsura namin habang nandito pa sa ibaba. Pinupuno pa ang lahat ng seats.

"Aren't you scared?" Tanong niya sa akin. Ngiting-ngiti akong humarap sa kanya matapos tingnan ang picture naming magkasama.

"Ofcourse, I am. But I need to face my fear. We need to face our fear, oppa. We can do this! Aja!" Pagpapalakas ko ng loob niya. Iiling-iling niya akong tiningnan pagkatapos ay ngumiti rin. Kinuha niya ang isa kong kamay na malapit sa kanya at hinawakan niya ito ng mabuti. Maya-maya lang ay nagsimula na kaming pumaitaas. Hinigpitan ko na rin ang kapit sa kanya.

"Waaaaahhh!!" Malakas ang naging sigaw ko nang bumulusok pababa ang sinasakyan namin. Natulala ako pagkahinto. Parang naiwan ang puso ko sa itaas. Una kong tiningnan si Seungyeon sa aking tabi at malawak itong nakatingin sa akin. Nagtaas ako ng kilay.

Chased (In Luv Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat