Kabanata 28

298 22 0
                                    

Kabanata 28

Nagtatampo

"Clara, may nakausap akong Korean manager kanina." Turan ni kuya nang makaupo ako sa tabi niya.

Katatapos lang naming kumain at nag-aya si kuya na magmovie marathon na lang kaysa sa lumabas para magbar. Tatatlo lamang kaming nasa sala at nanonood. Si ate Chi ay dumiretso sa aming kwarto at mukhang may tampuhan sila ni kuya Patrick. Kanina pa sila hindi nagkikibuan. Nag-aalala na ako.

"Anong meron?" Nagkunot ako ng noo. Kung sakaling Korean Idol ang nakita niya ay baka sinakal ko na siya ngayon. Magwawala ako dahil hindi niya sinabi sa akin. Hindi niya ako pinakilala.

"Meron daw siyang slot para sa gustong mag-aral sa Seoul Art University." Nanlaki ang mata ko.

"Talaga? Anong sinabi mo? Gusto ko don, kuya! Pangarap nating mag-aral doon diba?"

"Hush. 'Wag kang masyadong maingay. Tulog na ata si Niccolo." Tinuro niya ang nakasandal na si Niccolo. Pikit na ang mata nito at bagsak na ang katawan.

"Sorry. Pero, kuya. Seryoso 'yan?"

"Yes. Kinuwento kong gusto mong mag-aral doon. Kinuha niya ang calling card ko at binigay niya rin ang kanya. We can contact her right now." Nagngising-aso siya.

"Wait! Anong course ang slot na iyon?"

"Anything. Pero modelling ang pinakahawak niya. Mas maganda kung doon ka na lang sa kanya. Mapagkakatiwalaan si Ms. Shin. I checked her background and--"

"E, 'di mas maganda! I need to enroll there! Gusto ko doon, kuya! Please!" Niyugyog ko siya habang natatawa.

"Are you sure?" Pinaningkitan niya ako.

"Sure na sure! Pagkakataon ko na makita ang idols natin, kuya." Niyakap ko ang braso niya.

"How about your friends? Your boyfriend? Akala ko ba gusto mong kasama ang bestfriends mo sa college? You'll leave them?" Natahimik akong bigla.

"Handa ka bang iwan ang mga kaibigan mo? Kaming pamilya mo?" Tinitigan niya ako.

"Bago ka magdesisyon, kailangan mo munang isipin ang mga bagay na maaaring maapektuhan. Kung handa mo bang isugal ang isang bagay para makuha ang isa. Decission making is choosing what you need than what you want. Anong mas matimbang sa dalawa. Kung tama ba iyon o mali. Kailangan mong mamili..." Napaiwas ako ng tingin sa seryosong mata ni kuya. Para niya akong pilit na pinapipili.

Napatingin ako sa direksyon ni Niccolo na mukhang himbing na sa tulog. Ang lalim ng paghinga niya. Ang payapa niyang tingnan kapag tulog. Sana tulog na lang siya palagi.

Handa nga ba akong iwan ang mga kaibigan ko? Ang pamilya ko? Si Niccolo?

Napailing ako.

Once in a lifetime opportunity ang ganito at mukhang sasayangin ko. I once said I value friendship that much. Ano pa kaya ang pamilya? Hindi ko sila ipagpapalit. Kahit mabigat sa loob.

Pagkakataon ko nang makasama ang mga idolo ko. Sa paborito ko pang bansa. Pagkakataon nang mapanood ko ng live ang bawat tv guestings nila at palaging makadalo sa fan meetings at concerts na minsan ko lang magawa kapag nabibisita sila rito sa bansa. Pwede na rin akong makapagpirma ng lahat ng merch ko. Pwede ko na silang makita araw-araw.

Pero kailangang piliin ang kailangan higit sa kagustuhan. At mas kailangan ko ang mga kaibigan at pamilya ko rito.

Nakapagtest naman na ako sa iba pang eskwelahan at naghihintay na lang ang confirmation na nakapasa ako.

Chased (In Luv Series #1)Where stories live. Discover now