Kabanata 15

392 26 15
                                    

Kabanata 15

Anything

Hindi ako nakagawa ng dahilan para hindi makasabay si Troy. Pagkalabas ko pa lang ng classroom ay nakaabang na siya. Wala naman akong maidahilan. Iniwan na ako nina Lhieanne.

Pumasok ako sa kotse niya. Mayroon siyang driver ngayon kaya pareho kaming nasa backseat. Wala ni isang nagsasalita. Tanging ang stereo lang ang pinagmumulan ng ingay. Binaling ko na lang ang paningin ko sa bintana.

Mabilis kaming nakarating sa tapat ng bahay. Agad akong bumama at nakitang bumama rin siya. Lumapit siya sa akin. He's hands on his pocket.

"Thanks for the ride..." Hindi ko alam kung ngingiti ako o ano. Ang kinalabasan ay isang pilit na ngiti. Nagpeke na lang ako ng ubo.

"You're welcome." He smiled.

"Ahm... sige mauuna ako." Tinuro ko ang gate. Gusto ko na talagang umalis siya. Hindi ko na alam kung paano ko siya makikitunguhan. Naubos na ata ang kaalaman ko.

Nakangiti siyang tumango. Nagsimula na akong maglakad nang muli niyang tawagin ang pangalan ko. Lumingon ako. Nakahawak na sa gate.

"Tatanungin ko sana kung pwede ka this weekend. Let's watch a movie." Ngiting-ngiti siya. Bakas din ang pag-asa sa kanyang mga mata. Napaiwas ako ng tingin. How will I say no?

"Ahm..."

"No need to answer. I'll text you when and where. Good bye." He waived his hands. Hindi ko na napansin ang kanyang ekspresyon dahil agad siyang pumasok sa loob ng kotse nang hindi na ako tinapunan ng huling tingin.

Napabuntong hininga na lang ako. Mapapasubo na naman ako sa weekend. Kung sana meron kaming lakad na pamilya para may maganda akong irason sa kanya.

Binagsak ko ang aking katawan sa kama matapos magbihis. I feel so tired. Ang hirap palang lumusot sa mga ganitong klaseng problema.

Noon kapag mayroon akong manliligaw na mapilit kahit ayaw ko, madali ko silang narereject at pinamumukha sa kanila na ayaw ko. Na walang pag-asa.

Pero ngayon ay nahihirapan ako. Hindi na ibang tao si Troy para sa akin. Yes it's my fault. Ako kasi ang magpakita ng motibo sa kanya noon. That's why he's so persistent to do this. Akala niya kasi'y makukuha niya ako.

May possibility kung noon. Crush ko rin naman si Troy. Pero hanggang doon na lang talaga iyon ngayon. Ngayon ay inlove ako sa isang taong imposible nang maging akin.

Napabuntong hininga na lang ako.

Hindi na dapat ako ganito. Sabi ko unti-unti ko nang tatanggapin. Kaibigan ko silang pareho. Nasa iisang circle of friends pa kami.

Nagtaklob ako ng kumot nang marinig ang katok mula sa aking pinto. Nagpanggap akong natutulog. Ayokong may kumausap sa akin ngayon.

Ilang katok pa ang narinig ko hanggang sa nawala na.

Nang maghapunan na ay tsaka lamang ako bumaba. Naabutan kong kumpleto ang pamilya ko sa dining table habang kumakain. Napangiti ako. This happens once in a blue moon.

"Kumain ka na, bunso." Inayos ni kuya ang bangko sa tabi niya. Doon ako dumiretso. Nakita kong nakatingin sa akin si kuya Patrick. I just ignored him. Binati ko sina daddy na minsan lang nandito.

"How was your school, Clara? You need to graduate valedictorian or salutatorian. Tularan mo ang dalawang kuya mo." Sinabi niya iyon habang naghihiwa ng karne. He's not looking at me. Sinamantala ko iyon para umirap sa kawalan.

"Imposible na iyan, dad. I almost drop my math last period." Naagaw ko ang atensyon niya. Si mommy naman ay nagpatuloy lang sa pagkain. Alam ni mommy kung ano lang ang kaya ko. I'm not like my brothers. They both excel in math while I'm the opposite.

Chased (In Luv Series #1)Where stories live. Discover now