Kabanata 20

376 23 1
                                    

Kabanata 20

I love you

Naging seryoso si Niccolo sa kagustuhan niyang manligaw. Ilang beses kong pinilit na hindi pa ako handa. Naging totoo rin ako sa kanya na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Kapatid. Bestfriend. Pero pursigido siya. He even asked my brothers about this. Inasar lang nila ako dahil doon.

Nang magchristmas break ay kanya-kanya kami ng lakad. My parents decided to visit my father's relatives abroad. Kaya doon kami nag-stay for two weeks. Sina Lhieanne naman ay nagbakasyon din. Sina Niccolo ay umuwi sa kanilang probinsya. Adrian is with his childhood bestfriend. Si Rhein at Jazz ay parehong nasa kani-kanilang bahay lang.

Wala kaming naging bonding ng mga panahon na iyon. I missed them so much. Bukas pa ang uwi namin sa Manila at uwing-uwi na ako. Not that I'm not enjoying my stay here. Nagustuhan ko nga ang snow. Pero mas gusto kong makasama ang mga kaibigan ko sa Pilipinas.

Nawala ang pag-iisip ko sa aking mga kaibigan nang marinig ko na tumunog aking phone. Agad kong nakita ang pangalan ni Niccolo na tumatawag!

"Hello?" Napatingin sa akin si mommy na nasa aking harap lamang. Nasa terrace kami habang iniinom ang hot chocolate na hinatid ni daddy kanina.

"Who's that?" Usisa ni mommy. I mouthed Niccolo's name. Ngumisi lang si mommy at nakakalokong tiningnan ako. Umikot ang mata ko sa kawalan.

"I miss you so much..." Napakunot ang noo ko nang iyon ang binungad niya. And he sounds drunk? Or just sleepy? I don't know.

Lumabas ako sa terrace at iniwan si mommy doon. Dumiretso ako sa kwarto habang nasa tenga ko pa rin ang phone.

"Are you drunk?" Tanong ko pagkapasok ko sa kwarto. Hindi inintindi ang kanyang sinabi.

"Hindi mo ba ako namiss?" Umirap ako. Ang kulit. Iniiwas ko nga ang usapan tungkol dito.

"Answer me first. Are you drunk?"

"Hindi. Napainom lang ng konti." Nakarinig ako ng pagbagsak sa kanyang background. Hindi ko alam kung siya iyon o ibang bagay. Konti lang pala anh nainom niya.

"Bakit ka uminom?" Pinanatili ko ang natural kong tono. Ayokong lagyan niya ng kulay ang sinabi ko.

"Nagyaya si Adrian. Broken hearted. Hindi raw siya pinapansin ni Jazz." Narinig ko ang tawa niya. Siraulo. Pagtawanan ba raw ang kaibigan niya.

Bago ako umalis ng Pilipinas ay nabanggit na ni Jazz ang tungkol dito. Kung nasasaktan si Adrian ngayon, mas nasasaktan si Jazz. Si Jazz ang nauna sa totoo lang. Naramdaman niya ang insecurity and jealous noong nag-outing kami sa batangas last september to celebrate Adrian's birthday. Sinama ni Adrian ang childhood bestfriend niyang si Elise. And since noon na lang ulit sila nagkita, sila ang magkasama buong araw at naitsapwera si Jazz. I feel bad for my bestfriend actually. Si Adrian ri ang may kasalanan. Hindi ko masisisi si Jazz kung bakit nagbago ang pakikitungo niya kay Adrian. Adrian is Jazz' crush since first year. Alam kong nasasaktan siya ngayon.

"Sabihin mo kay Adrian, ang manhid niya rin kasi. Parehas lang naman sila ni Jazz e! Batukan mo nga pagnagkita kayo." Bigla akong nainis. Ayoko talagang nasasaktan ang mga kaibigan ko.

"Chill, Claire. Uuwi ka naman na diba? Sasamahan na lang kita pagbinugbog si Adrian."

"Tse! Matulog ka na. Lasing ka pa naman." Hinubad ko ang coat na suot ko at humarap sa salamin. Isa-isa kong tinanggal ang suot kong mga damit. Sobrang lamig sa labas.

"Ikaw rin, Claire. Gusto ko sabay tayong matutulog." Nahimigan ko ang pagkaantok niya nang sabihin niya iyon. He's probably sleepy. Pero dahil sa gusto niyang mangyari ay nagpipigil siya.

Chased (In Luv Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora