Kabanata 18

312 21 0
                                    

Kabanata 18

Niligpit

I stayed inside the room for almost an hour. Maya't maya ang naging katok ko sa pinto just incase na may dadaan ay may makarinig sa akin.

Hindi ako umiyak dahil wala namang dahilan. Sigurado naman akong kapag napansin nilang maging sa computer class ay wala ako ay maghahanap ang mga iyon. Sigurado ako.

Sa ngayon ay maghihintay muna ako. Wala akong magawa. Iniwan ko ang cellphone ko sa bag kanina. At nasa library iyon. Sana lang ay makita nila iyon.

May narinig akong malalakas na katok mula sa pintong pinagsasandalan ko. I can't here anything. Kaya binalik ko ang katok para malaman nilang may tao.

Kinabahan ako nang biglang nawala ang pagkatok. Hindi ba nila narinig ang pag-iingay ko? Hindi ba nila napansin na may tao rito sa loob?

Maya-maya lang ay may narinig na akong nagbubukas ng pinto. Tumayo ako at pinagpatuloy ang pagkatok. Bumungad sa akin si Niccolo at sa likod ay isang matanda at sina Jazz. Thank God!

"Claire!" Mabilis akong niyakap ni Niccolo. Awtomatikong napayakap din ako sa kanya. Kinabahan ako. Akala ko'y wala nang makatutulong sa akin.

"Niccs..." Napahikbi ako.

"Clara! Ano bang nangyari? Bakit ka nakulong diyan?" Lumapit sa akin si Jazz at hinawakan ako. Hindi pa rin ako pinakakawalan ni Niccolo.

"Ayos ka lang ba?" Tumulo na rin ang luha niya. Marahan akong tumango.

"Fuck! Si Troy ang may gawa nito?" Pilit akong pinaharap ni Niccolo sa kanya. Pinunasan niya ang luha ko.

Nanginginig akong tumango.

"Bullshit!" Sinuntok niya ang pader kasabay nang paghiwalay niya ng yakap sa akin. Si Jazz naman ngayon ang yumakap.

"Where is she?" Narinig ko ang boses ni Lhieanne mula sa likod. Doon ko nakitang kasama niya sina Rhein at Adrian.

"Oh my god!" Agad na dumalo sa akin si Lhieanne. Sunod-sunod ang naging tanong niya pero iling at tango lang ang maisagot ko.

Kinausap din nila si Niccolo. May teachers na rin pala itanong ang nangyayari.

"Ayos ka na?" Dinala ako sa clinic at pinagpahinga. Si Lhieanne at Jazz ang sumama sa akin. Ang tatlo naman ay nakipag-usap sa mga teacher.

"Salamat..." Nilapag ko ang basong pinag-inuman ko. Kalmado na ako 'di tulad kanina.

"Mabuti na lang at pinakialaman ni Niccolo ang cellphone mo. Kanina ka pa namin hinahanap." Hinawakan ni Jazz ang kamay ko.

"Hindi ka namin agad nahanap dahil nga may klase. Akala namin ay nagcutting ka kahit hindi mo gawain. Bigla ka kasing nawala nung library period. 'Tsaka lang kami naghanap nang dinismiss kami ni Ma'am." Paliwanag ni Lhieanne. Tumango ako.

Pinauwi na kami matapos maireport ang nangyari. Magkakasama kaming nagpunta sa bahay. Nakarating na kina mommy ang nangyari. Alalang-alala siya. Si kuya naman ay galit na galit nang tinanong kung sino ang may gawa noon.

Kinabukasan ay nagpunta sila sa school para magreport. Saktong nasa bahay si daddy kinabukasan kaya sumama siya.

Pinaliwanag nila sa akin kung paano nangyari iyon. I honestly tell them the whole story. Sinabi kong gusto niya akong makausap. Pinakita ko pa ang conversation naming dalawa. Sinabi kong gusto ko siyang patigilin sa panliligaw pero ayaw niyang pumayag hanggang sa nangyaring kinandado niya ako sa loob ng dressing room. Sinabi ko rin ang pagiging marahas nito sa akin. That he kissed me. Nagpuyos sa galit si daddy at kuya.

Chased (In Luv Series #1)Where stories live. Discover now