Kabanata 6

517 34 6
                                    

Kabanata 6

Jealous

I never thought that this feeling would last... this near.

Sobrang saya ko pa bago matulog nang gabing iyon 'cause I know that Rhein likes me too. Sapat naman na sa akin 'yon. Hindi na  nga ako humiling ng higit pa do'n. Tama na sa akin na alam kong gusto niya ako. Pero ang mali ko, umasa agad ako. Hindi ko man lang naisip na hanggang do'n lang iyon. That he likes me but he'll never treat me more than what I'm expecting.

That night, I heard him talking to Jazz. Paulit-ulit pa ngang ume-echo sa isip ko ang sinabi niya, that Jazz is his girlfriend. Halos mapamura ako no'n kahit hindi ko naman gawain. Hindi ko lang talaga inasahan na magiging sila. They're always fighting for petty things, for God's sake! Napakaimposible no'n pero hindi naman ako nananaginip nang mga oras na iyon kaya totoo.

I cried the whole night.

I never imagined that I will cry for someone! Crying for your broken heart is not my thing. I never expect this coming. Ang sakit pala talaga... bakit ngayon ko lang nalaman?

Katabi ko dapat si Jazz sa kama pero pinili kong humiwalay sa kanya. I don't want to be angry at her, alright! But I can't! Siya ang huling taong inaasahan kong magkakaroon ng something kay Rhein dahil tinuturing nilang mortal na magkaaway ang isa't isa. Imposible iyong mangyari... Pero nangyari na.

Hindi ako nagtanong sa kanila tungkol doon. Hindi ako nag-atubiling kausapin sila para lang kumpirmahin ang narinig ko. Hinayaan ko lang ang nalaman ko. Hinayaan ko rin ang sarili ko na magalit sa kanila at hindi sila pansinin. Nilayo ko ang sarili ko sa kanila. I just hate them.

I feel betrayed... by my closest friends.

Ang isip bata ko at pinapalaki ko pa pero ito talaga ang nararamdaman ko. I just want to be true to myself. Ayokong lokohin ang sarili ko. Hindi ko kayang magpanggap sa harap nila na ayos lang ako kahit na hindi.

"What's wrong Clara?" Hinarap ko ang tumawag sa akin sa kalagitnaan ng paghikbi ko. Nakita ko si Niccolo na naka-upo sa gilid ko. He look worried. Pinunasan ko ang luha sa mata ko.

I'm being childish. Nakakainis.

"Nicnic.." Tawag ko sa kanya. Seeing him makes me want to cry more. When we we're kids, siya ang palaging takbuhan ko tuwing inaaway ako ng mga kuya ko. I'll cry all my frustrations and hatred until I feel okay. Siya ang comforter ko.

Hinila ko ng bahagya ang kamay niya. Hindi ko na inisip na hindi na kami gano'n kaclose tulad ng dati. All I care is I need him. I need my bestfriend right now.

"Bakit?" Pumungay ang kanyang mga mata. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at lalong napaiyak.

"Nasasaktan ako sa ginagawa ng mga kaibigan natin. Hindi ko sila maintindihan." I don't find the right words to express my feelings kaya iyon na lang ang sinabi ko. Nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ang nalaman ko.

I think they don't know anything. It must be Jazz and Rhein's secret. Kung hindi ay bakit nalaman ko lang kagabi? At hindi nila tuwirang sinabi iyon, I just heard them.

Bakas ang kalituhan sa kanyang mukha kaya huminga ako ng malalim. Para gumaan ang loob ko, kailangan kong sabihin ang lahat sa kanya. Alam ko namang kaya niya itong solusyunan para sa akin. Katulad ng dati...

"Sinabi na sa akin ni Rhein kagabi na may gusto din siya sa akin. Hindi niya tuwirang sinabi dahil knowing Rhein, he doesn't express his true feelings. Pero kagabi din, nung bumaba ako para uminom ng tubig, I saw Jazz and Rhein talking about their relationship. Nasaktan ako." Napahikbi na naman ako. Ayoko nang umiyak! I feel stupid.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon