Kabanata 32

248 19 1
                                    

Kabanata 32

Ready

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Hindi maaaring magkamali ang mga mata ko.

"S-seungyeon..." Pinakita niya ang maganda niyang ngiti. Natigagal ako.

"Hello, tteokbokki girl."

"H-hi!" Hindi makapaniwalang sagot ko.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kaya ilang segundo pa akong natulala bago niya ako nakausap ng maayos. Nagpakilala ako. I said I'm a fan of him and his group. Kinapalan ko na rin ang mukha ko para makipagselfie sa kanya. It's a dream come true! Seungyeon of the Kpop group UNIQ!

"You're not an exchange student? Then are you a tourist?" Tanong niya habang naglalakad-lakad kami sa parke. Niyaya niya akong makipagkuwentuhan sa kanya. Hindi naman daw siya busy. Rest day daw nila ngayon.

"No. I'm a student here." Ngiting-ngiti ako. Smile is plastered on my face since he asked me to walk with him. Sobrang swerte ko.

"What school?" Inayos niya ang kanyang cap nang hindi matanggal ang tingin ng isang babae sa kanya. Baka mabuko siya na siya si Seungyeon at naggagala kasama ang isang 'di kilalang babae.

"Seoul Art University." Sabay kaming tumigil sa bench sa gitna ng park. Mula dito ay kita ang maliit na slide at marry go round na pinakigkakaguluhan ng mga bata.

Tumango-tango ito.

"Can I ask you questions?" Nakangiti ko siyang hinarap. I'm really curious.

"Questions... hmm... so it's not just one?" Naningkit ang mga mata nito ng tumingin sa akin. Kung wala siguro ang mask na kanyang suot, makikita ko sana ang maganda nitong ngiti.

"Yeah. Don't worry. It's not a hard question. I just want to know how did you know that I'm a Filipino? And can you understand our language?" Kyuryosa kong tanong.

Tumingin siya sa itaas. Malapit nang lumubog ang araw.

"Yes, I can understand your language. At nagtatagalog ka kaya Filipino ka." Namangha ako ng marinig ko sa sarili kong tenga na nagsalita siya ng filipino! I thought hindi totoo ang sinasabi sa internet na kaya niya. This is unbelievable!

"Omo! You can speak Filipino! San mo natutuhan iyan?" Dahan-dahan kong binigkas ang pagfi-filipino ko dahil baka mahirapan siyang intindihin. Dahan-dahan at matigas ang pagkakasabi niya doon kanina.

"It's a long story. I'll tell you next time." Bigla akong nalungkot. Nakita kong tiningnan niya ang suot niyang relo.

"You're leaving? Nagmamadali ka?"

"Not really. But my manager wants me to buy her dinner. It's ten minutes walk from here. I'm sorry." Bigo niya akong tiningnan.

"Aww. Okay. But you're saying we can meet each other again?" Puno ng pag-asang tanong ko. I still want to talk to him. Marami pa akong tanong. At siya lang ang nakausap ko ng matino sa halos tatlong buwan kong pananatili dito. I miss communicating using my own language. Ngayon lang ako nakatagpo at hindi pa nagtagal.

"Ofcourse! Can I get your number please?" Muling sumilay ang ngiti ko. Inabot niya sa akin ang kanyang phone. Latest model ng kilalang phone dito sa Korea.

"Sure! Omo, kinikilig ako." Bulong ko sa huling dalawang salita. He can understand Filipino. Mabuti na itong mahina para may posibilidad na hindi niya marinig. Nakakahiya rin kasi. Pero hindi ko mapigilan na hindi maibulalas iyon.

"I enjoyed talking to you, Clara. It's so nice talking to you." Kinilig ako lalo ng banggitin niya ang pangalan ko. Shemay!

"Ako rin nag-enjoy. Sana magkita pa ulit tayo." Ngiting-ngiting sabi ko.

Chased (In Luv Series #1)Where stories live. Discover now