Kabanata 42

259 15 0
                                    

Sa mga nakabasa na nito, pakibasa po ulit. Binago ko e. Hehe Salamat at sorry na rin. ❤

Kabanata 42

Medicine

"Where you at?" Kumunot ang noo ko sa kanyang bungad pagkasagot ko ng tawag. Nilibot ko ang tingin sa paligid.

"Sa hepa lane. Huwag mong sabihing nandito ka rin?" Sinawsaw ko ang kwek kwek sa suka tsaka sinubo. I heard him laugh. Umikot ang mata ko.

"Pumunta ka dito para lang sa hepa lane? Seriously, Clara? Pumasok ka sa loob. Sabihin mong alumni ka."

"No need, Alcantara. Kilala na ako ng guard. I'll be there after fifteen minutes. Magpapakabusog lang ako." Agad ko nang pinatay ang tawag at hindi na hinintay ang tugon niya. Mabilis kong nilagay sa aking bulsa ang cellphone at kinain ang kwek kwek na binili ko.

Nasa labas ako ng Kroner University para makipagkita kay Rhein at para magawa na rin ang pakay ko. Inuna ko lang na magtungo rito para matikmang muli ang street foods na nakahilera sa street na ito papunta sa school. Bigla kong naalala noong highschool na tatakas ako kina Lhieanne para makatikim ako nito. They hate eating this kind of foods. Hindi sa sadyang maarte sila pero maingat sila sa maaaring sakit na makuha. At napatunayan kong wala namang naidulot na masama sa akin ang kwek kwek, kikiam, fishball at calamares. Masasarap lang ang mga ito.

Matapos kong maubos ang pagkain pati ang inumin na nabili ko rin doon ay pumasok na ako sa loob ng university. Nginitian ko lang si Manong Guard at pinapasok na ako. Siya na kasi ang guard dito sa University. Dati siyang guard sa Kroner Academy kaya kilala namin ang isa't isa. Friendly ako noon kaya nakukuha ko ang perks ngayon.

Just in time, nakarating ako sa freedom park na tinutukoy ni Rhein. Nakaupo siya sa isang bench habang nakatingin sa hawak niyang cellphone. Mukhang hindi niya pa ako nakikita.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at pumwesto sa kanyang likod. Palihim kong tiningnan ang nasa cellphone niya at nakitang picture ni Jazz iyon.

I knew it. He's still inlove with Jazz.

"Wala na palang sense ang pagpunta ko rito, Rhein. Obvious ka na masyado." Sabi ko mula sa kanyang likod. Nakapagtataka na hindi man lang niya minadaling itago ang kanyang cellphone.

"Yeah. Wala nang sense ang hindi pagpansin sa kanya..." Amin niya. Napangisi na lang ako.

Sa umpisa pa lang ng plano kong tulungan si Rhein na gantihan si Jazz, alam ko nang hindi kami magtatagumpay. I can see through his action that he never forgot how to love the girl who make her fall hard. Kahit na ilang beses siyang saktan ni Jazz ay alam kong mapapatawad niya ito. That is how Rhein loves. He's willing to forget. He's willing to sacrifice his ego just with the girl he loves.

Sinama niya ako sa celebration ng successful release ng kanilang MV. Nauna kaming nakarating sa bar na pagdarausan kaya nagkaroon pa ako ng pagkakataon para ipaalam sa kanya na hindi nila kailangang malaman na nandito ako. Hindi niya naman na ako kailangan para pagselosin si Jazz. Selos na selos na si Jazz sa kapatid niyang si Aeiesha. Nakatutuwa, alam ko. Pinagseselosan ni Jazz ang kapatid ni Rhein.

"I'll just observe. Don't worry..." Mapanuya ko siyang tiningnan. Kunot na noo lamang ang sinukli niya sa akin.

"Para saan? Is it part of your study? Are you a--"

"Stop, Rhein please? Basta mag-oobserve lang ako. Huwag kang mag-alala dahil hindi naman kita iistorbohin kung sakaling lapitan mo si Jazz. Sayong-sayo na siya. Magsama kayong dalawa." Mataray ngunit nakangisi kong sabi. Inilingan niya lang ako. Maya-maya'y may tumawag sa kanya na tingin ko'y katrabaho niya sa MV kaya nagpaalam na rin siya.

Chased (In Luv Series #1)Where stories live. Discover now