Kabanata 30

305 22 0
                                    

Kabanata 30

Sana

Parang mga patalim na paulit-ulit na sumaksak sa puso ko ang mga salitang sinabi ni Rhein.

Jazz will never be back? Iniwan niya na kami?

Ayaw kong paniwalaan. Imposible. She can't do that. Mahal na mahal niya kaming mga kaibigan niya. We promised that we will forever be friends and will stay on each other's sides always. We promised. At hindi dapat mabali iyon.

Hindi ako nakakibo doon. Pinanood ko kung paanong puno ng galit ang mga mata ni Rhein. Kung paanong kainin nito ang pagmamahal niya para kay Jazz. Halo-halong emosyon. Pangungulila, lungkot, pagmamahal at galit.

Ayoko man, pero gano'n na rin ang nararamdaman ko. Totoo ba? Hindi...

Nakita kong umiiyak na rin si Lhieanne. Tinakpan niya ang kanyang mukha habang paulit-ulit na binubulong ang salitang sorry. Napailing ako. No. Hindi ito totoo.

"Hindi 'yan magagawa ni Jazz. Anong basehan mo? Ano bang nangyari sa inyo? Imposible, Rhein e. Sobrang imposible..." Sunod-sunod na pumatak ang luha sa mga mata ko. Hinagod lamang ni Niccolo ang aking likod. Ayokong umiyak. Hindi totoo ang lahat ng ito!

"Nakipahiwalay siya sa akin. Magdadalawang buwan na. Eksaktong araw ng monthsary namin, nakipaghiwalay siya." Napatakip ako sa bibig ko. Shit.

"Nagtanong ako kung anong problema. Wala siyang maayos na sagot. Sinabi niyang may kanya-kanya kaming problema. Kailangan daw ako ni daddy. May kumpanya pa akong inaasikaso. Nakagugulo lang raw siya sa akin. Ofcourse I didn't accept her reasons. Pero nakipahiwalay siya. Hindi niya na ako kinausap matapos no'n."

Lalong sumakit ang puso ko. Bakit? Bakit nangyayari ito? At dalawang buwan na! Bakit hindi ko man lang alam? Pareho ko silang matalik na kaibigan! Bakit hindi ko man lang nalaman?

Ang unfair, Jazz! Bakit mo ako tinuturing na ganito?

Ilang araw kong pinag-isipan ang lahat ng nangyari bago mawala si Jazz hanggang ngayon. Bakit kailangang humantong sa ganito? Kung totoong hindi na siya babalik, bakit hindi man lang siya nagpaalam?

"Isoot mo na 'yang gown mo, bunso. Malapit na tayong pumuntang simbahan." Tumango ako sa sinabi ni kuya Mike. Kinuha ko ang pink gown na nakasabit sa rack at dumiretso sa cr.

Nang maisuot ko ang gown ay tiningnan ko ang aking repleksyon sa harap ng salamin.

Ngayon ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay nina ate Chi at kuya Patrick. Ngayon na sila magiging isa sa harap ng Diyos. Ngayon na ang pinakahihintay nilang araw. I should be happy. But I can't.

Nasa assigned seat na ako habang pinapanood si ate Chi na tinatahak ang pulang carpet patungo kay kuya. Ngiting-ngiti siya. Natatakpan ng puting belo ang kanyang mukha ngunit bakas ang kasiyahan sa kaniya. Gano'n din si kuya na abot tenga ang ngiti. Napangiti na lang ako.

Sabay-sabay sana kaming lalakad nina Jazz kung sakaling nandito siya. Masaya sana kaming tatlo nina Lhieanne. Masaya sana naming pinapanood ang dalawa na sabihin ang mga I do nila. Sabay-sabay sana naming papangarapin na balang araw ay kami naman ang maglalakad patungong altar habang masayang naghihintay ang taong nakatakda para sa amin. Pero katulad ng sinabi ko, sana na lang iyon. Bagay na sana'y nangyari kung sakaling nandito siya ngayon.

Nag-iwas ako ng tingin kay Lhieanne nang magsalubong ang aming mga tingin. Nagtatampo rin ako sa kanya.

Alam niya na palang hindi na babalik si Jazz pero hindi niya sinabi sa amin. Alam niya. Natural dahil pinsan siya. Bakit nga ba agad akong naniwala na wala siyang alam? Dapat ay nagtaka ako. Ang tanga mo, Clara. Ang dali mo kasing mauto. Ang galing mong ibigay ang tiwala mo. At anong napala mo ngayon? Nasasaktan ka dahil pakiramdam mo, pinagkaisahan ka ng mga kaibigan mo. Ng mga matatalik mong kaibigan.

Chased (In Luv Series #1)Where stories live. Discover now