Kabanata 31

274 19 0
                                    

Kabanata 31

Tteokbokki

"Congratulations, Clara. Welcome to Seoul Art University." Nakangiti akong binati ni Ms. Shin matapos niyang lumabas sa opisina ng presidente. Binalik ko sa kanya ang ngiti. Pero may kung anong bagay ang bumabagabag sa akin.

"Thank you, Ms. Shin." Muli niya akong nginitian bago muling tumalikod pabalik sa kwarto ng presidente. Napabuntong hininga ako. I choosed this. Kailangan kong panindigan.

Umuwi ako sa hotel na tinutuluyan namin nina kuya. Dala ang magandang balita ay nakangiti akong pumasok doon. Nadatnan ko sila na mukhang may seryosong pinag-uusapan.

"Good evening, kuya!" Ngiting-ngiti ako. Hindi pinansin ang nadatnan ko. Inabot ko sa kanya ang mga papel na nagkukumpirma na pasok na ako sa pangarap naming eskwelahan noon.

"What is this?" Kunot noong tanong niya.

"I passed the qualifications and exams at Seoul Art University. Doon na ako mag-aaral." Gulat na gulat niya akong tiningnan. Nagtaka pa ako sa naging reaksyon niya. Muling kumunot ang noo niya at napakamot sa kanyang batok. Nagkatinginan sila ni ate Chi.

"Sigurado ka na ba talaga dito, bunsoy?" Mabilis akong tumango.

"Oo naman. Once in a lifetime opportunity ito, kuya. Mabuti nga at nakilala agad ako ni Miss Shin at mabilis na tinanggap ang application ko." Pumunta ako sa kusina at dumiretso sa harapan ng refrigerator. Kumuha ako ng malamig na inumin.

"Kailan ka nagpasa?" Bakas ang iritasyon sa boses ni kuya. Sinundan niya pala ako. Nilingon ko siya ng nakakunot ang noo matapos ibaba ang basong pinag-inuman ko.

"Bakit parang hindi ka masaya para sa akin, kuya? What's with your expression? Akala ko ba gusto mo akong mag-aral dito?" Hindi ko napigilang ilabas pabalik ang iritasyon ko. Napagod ako sa mga naging lakad ko nitong nakaraang mga araw kaya wala akong panahon na pahabain pa itong pag-uusap namin ni kuya.

"Matutulog na po ako." Tinalikuran ko na siya matapos no'n. Mabilis kong tinungo ang aking kwarto at nilock ang pinto.

Walang makapipigil sa naging desisyon ko.

Nawala ang nag-aagaw kong tulog nang marinig ang pagtunog ng aking cellphone. Nakakunot kong tiningnan ang pamilyar na dulo ng numero. I changed my number. Binura ko na rin ang contacts ko sa lahat ng taong iniwan ko. Pero hindi ko malilimutan ang pamilyar na numerong ito.

I cancelled his call. Binalik ko sa ilalim ng aking unan ang cellphone at pilit na nagpaantok.

Did kuya gave my number to him? Umiling ako. Wala na dapat akong pakialam.

Inayos ko ang aking pagkakahiga matapos kong magpaikot-ikot sa kama upang mahanap ang aking antok. How can I sleep if memories of yesterday and his tears keeps on playing on my head? Tumihaya ako at tinitigan ang kisame.

This is the right thing to do. Ito ang pinili kong solusyon sa lahat ng nangyari. Pero bakit tila naduduwag ako? Bakit parang sumusuko na agad ako sa naging desisyon ko.

"Finished that activity and I'll guide you to your new room." Tumango lang ako kay Ms. Hwang matapos niyang sabihin iyon. Ms. Hwang is my teacher in modelling. Medyo mahirap ang pakikipag-usap sa kanila lalo na't magkakaiba ang mga mother tounge namin. We both know how to communicate in English language but it's not that easy. Hindi lahat ng guro ay kayang makipag-usap sa foreign student na gaya ko.

Matapos ang activity na pinagawa sa akin ni Ms. Hwang ay sumama na ako sa kanya patungo sa bagong kwarto ko.

Since I'm a foreign student, they offered a room for me kasama ang iba pang trainee nila. Ang iba ay foreigner din pero mas madami ang Koreans. This school is build to train aspiring idols and models. May kanya-kanyang building para sa bawat talent na mayroon ka. Mayroong pang-singer, dancer, model or idol-- which is dapat tinataglay mo ang lahat ng talenteng iyon.

Chased (In Luv Series #1)Where stories live. Discover now