Kabanata 14

355 29 10
                                    

Kabanata 14

One month

"...I already told you I love you... Is there any chance you will say 'I love you too'?"

Paulit-ulit na nagplay sa utak ko ang sinabing iyon ni Niccolo. Reason why I can't sleep.

Hindi ko rin naman alam kung bakit kailangan kong marinig ng paulit-ulit iyon.

Maaga pa rin akong nagising kinabukasan at naghanda para sa sasabihin ko kay Troy mamaya. I need to clear things. Kailangan kong maipaliwanag sa kanya ang lahat.

Maya-maya lang ay nabasa ko na ang mensahe ni Troy na nagsasabing nasa baba na siya. Binilisan ko ang pagbaba at agad na pumasok sa kanyang sasakyan. Baka maabutan pa ako ni kuya. Magtatanong pa 'yun tungkol dito.

"How was your sleep?" Napalingon ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa daan ngunit bakas na bakas ang ngiti sa kanyang labi.

I'm happy to see him this happy. Pero kailangan kong gawin ang dapat kahit ang kapalit no'n ay ang ngiti sa kanyang labi.

I want to be honest with him.

I don't want to hurt him.

"It's fine." Sagot ko nang hindi siya tinitignan. Nagkunwari akong busy sa pangangalikot sa cellphone ko when in fact, I'm just avoiding his gaze.

Liningon ko na siya nang maramdamang kanina pa siya nakatingin. Baka mabangga kami sa ginagawa niya.

"Tumingin ka sa dinadaanan natin." Wala akong pinakitang emosyon. Nginitian niya pa muna ako bago binalik ang tingin niya sa daan. Napabuntong hininga ako.

Wala naman akong maalala na gumamit ako ng gayuma para mahumaling ng ganito ang taong ito. At hindi ko kailanman hiniling na sana'y mayroong taong mabaliw sa akin. It's creepy.

"But I just can't help myself looking at you." Simple akong napahilamos sa mukha.

Kasasabi ko lang na ang creepy sa pakiramdam tapos ngayo'y kung ano-ano ang pinagsasabi niya.

"Troy..." Bumuntong hininga ako.

Isa lang naman ang paraan para tumigil na siya.

Saglit siyang sumulyap sa akin. Nakangiti. Nang makita niyang wala akong ekspresyon ay nawala ang ngiti niya.

"'Wag mo munang sabihin kung anomang gusto mong sabihin ngayon."

"But..."

"I'll listen. But not now. Hayaan mo munang makarating tayo sa school."

Nasunod nga ang gusto niya. Dahil hindi naman matagal ang biyahe ay nakarating din kami sa school. No ones talking. Nang makababa na kaming pareho sa kanyang sasakyan ay 'tsaka lamang ako nagsalita.

"Tungkol sa panliligaw mo..." Panimula ko. Tamad siyang sumandal sa kanyang kotse at tinitigan ako.

"Hmm.. Sinabi ko naman na sa'yo na susubukan ko pa rin diba? I'll make sure that you'll fall for me..." Seryosong sabi niya. Wala akong mabakas na kahit na ano doon.

"Pero, Troy..."

"No buts please." Pinatunog niya ang kanyang sasakyan at nagsimulang maglakad. Wala akong magawa kundi ang sundan na lang siya. Hindi ko pa napaliliwanag ang gusto ko.

"Troy, please... listen to me." Mabagal niya akong hinarap. Nasa labasan na kami ng parking area at kita ko na ang mga estudyanteng nagmamadali sa pagpasok.

May oras pa naman ako. Though I don't know if it's enough time to clear things...

"I'm listening, Claire. I'm always listening. Pero kung sa ganitong bagay mo ako gustong makinig sa'yo, no. I don't want to." Napako ang mga mata niya sa akin. Kahit na may medyo makapal na lens ng eyeglasses ang nakaharang sa kanyang mata ay dama ko pa rin ang intensidad ng kanyang tingin.

Chased (In Luv Series #1)Where stories live. Discover now