Kabanata 21

347 24 0
                                    

Kabanata 21

Prom

Six pm nang sunduin ako ni Niccolo sa bahay. He's wearing his white tux. Maayos na nakataas ang kanyang buhok at ang gwapo-gwapo niyang tingnan ngayon. Bakas na bakas ang kakisigan niya. His tux is perfectly hugging his body. Napakagat ako sa labi ko.

Dahan-dahan ang naging pagbaba ko sa hagdan. Sina kuya ay nakangiting nakatingin sa akin mula sa baba ng hagdan. Si mommy ay panay na naman ang kuha sa akin ng larawan. Napangiti ako nang hawakan ni Niccolo ang kamay ko nang nakatungtong na ako sa huling hakbang ng hagdan. I can smell his manly perfume. He looks so perfect tonight.

"You look gorgeous..." Bulong niya nang makalapit sa akin. My cheeks flushed. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.

"Bagay na bagay talaga kayo, anak! Picture dali!" Pinagdikit kami lalo ni mommy at sunod-sunod na kinuhaan ng litrato. Todo-todo ang ngiti ko. This is not the first time I wore a gown pero pakiramdam ko ito ang una. Maybe because of the moment.

"Take care of our bunso." Turan ni kuya bago tuluyang sinara ang pinto ng sasakyan ni Niccolo. Siya mismo ang magda-drive patungong venue. Bigla akong na-excite! Gusto kong makita ang itsura nilang lahat. Gusto kong makita ang mga nakamaskara kong kaklase at batchmate!

A masquerade ball is really exciting!

"You look so happy. Anong mayroon?" Binalingan ako ni Niccolo. Ngiting-ngiti akong tumingin sa kanya.

"Wala naman. Masaya lang ako."

Nang makarating kami sa venue ay halos kiligin ako sa aking nakikita! Makulay at mukhang engrande ang lugar isama pa ang naggagandahang gowns at maskara ng seniors and juniors! Nagmadali akong nagtungo doon.

The party isn't starting. Nagsasalita pa ang emcee sa gitna pero ang ingay na ng buong hall. I know we are all excited. It's the first time for the juniors while for the senior like me is because it's our last time! Kailangan naming sulitin ito.

Madali kong nahanap ang iba pa naming kaibigan dahil sa may pagkakaparehas ang aming mga maskara. Yinakap ko agad sila. I don't want to be emitional but this is what I'm feeling right now. Parang ngayon na agad ang huling araw naming magkakasama. Parang ngayon na lang ulit kami magkakasama.

"What's wrong with you, Clara? Ang hyper mo." Puna ni Lhieanne nang hindi ko siya tinigilan. I just really want to hug her. That's all.

Nang magstart ang party ay parang wild party animals ang lahat. Lahat ay nagtungo sa dance floor at nagwala. Nakiisa ako roon. This party is really awesome! I love to party!

Akala ko'y wala si Niccolo sa tabi ko ngunit nang maramdaman ko ang kamay na gumapang sa beywang ko at napabaling ako roon. It's Niccolo's hands. Matalim siyang nakatingin sa akin.

"Don't be too wild..." Bulong niya sa gilid ng tenga ko. Lumapit ako sa kanya at tumingkayad para maabot ang kanyang tenga. Binulungan ko siya.

"Hayaan mo na ako. Let's just enjoy the party! Mamaya nama'y slow dance na lang." Nginisian ko lang siya nang nanatili ang kunot niyang noo.

Nilagay ko ang daliri ko sa kanyang noo at inunat ito.

"Sayang ang kagwapuhan mo ngayon, Niccolo kung ikukunot mo lang 'yan." Ngumuso siya.

"Gwapo ako ngayon sa paningin mo?" Tinitigan niya ako. Ang kanyang malamlam na mata ay malambot na nakatingin sa akin. I smiled.

"Gwapo ka naman talaga, Niccs!" Pinitik ko ang kanyang noo at tinalikuran siya. Malakas pa rin ang tugtog ng music at punong-puno pa rin ang dance floor sa mga nagsasayawan.

Chased (In Luv Series #1)Where stories live. Discover now