Chinieanne's other stories

394 17 0
                                    

Hello, guys!

Salamat at nakarating kayo hanggang dito. Hihi ♡♡ I just want to promote my other stories at umaasang magustuhan niyo rin. Sinunod-sunod ko na ang pagbibigay ng synopsis para iyon ang pagkakasunod-sunod ng pagbasa. If you read this first, ayos lang rin. Gumawa lang ako ng suggestion sa kung ano ang unang dapat basahin. ❤❤

STORIES SYNOPSIS

HOPEFUL HEARTS SERIES

♡1. GETTING THE BEKI'S HEART [Completed]

Gwapo. Matalino. Magaling sumayaw. Kpopper. Chinito. Matangkad. At higit sa lahat, MAHAL AKO.

Si Chinita Ann Gutierrez ay isang kpop fan na minsang nangarap na makatagpo ng lalaking makapagpapatibok ng kanyang puso tulad ng kayang gawin ng kanyang mga idolo. Nang pumasok siya sa isang unibersidad, hindi niya inakala na matatagpuan niya ito.

Si Patrick Jimin Abanero na isang sophomore student sa kaparehong kursong kinukuha niya ay kanyang makikilala. Lahat ng kanyang hanap para sa isang lalaki ay nasa katauhan na nito.

Gwapo ✔ Matalino ✔ Magaling sumayaw ✔ Kpopper ✔ Chinito ✔ Matangkad ✔ At higit sa lahat, ???

Na kay Patrick na ang lahat. Pero paano kung malaman niyang may isa pa itong katangiang hindi niya inakala? May pag-asa kaya siya rito? Mapa-ibig kaya niya ito? At kaya niya kayang palitan ang taong nasa puso nito?

Sundan at hangaan ang pakikipagsapalaran ng isang hopeless romantic sa pagkuha ng puso ng kanyang minamahal. Will Chi can get the Beki's Heart? Let see...

♡2. THEIR MISCHIEVOUS HEARTBEATS (book one) [Completed]

Nahulog ang loob ni Jazz Audrey sa almost perfect guy na si Clarence Adrian. Dahil sa kanyang pagiging dalagang Filipina, hindi niya ginusto na malaman nito ang kanyang matagal nang paghanga. Pero tinutulak siya ng kanyang mga kaibigan.

Nang maging magkaklase sila ay naging maliit ang pagitan nilang dalawa. Sinuyo siya ni Adrian habang ang kaibigan naman nito na halos kabaliktaran niya na si Rhein ang araw-araw na pumepeste sa kanya. Lalo siyang nahulog kay Adrian habang sinusumpa naman niya ang kaibigan nito dahil sa mga nangyari sa kanila.

She then learned that Adrian is definitely not the perfect guy. Nasaktan siya dahil dito at nakatutuwang si Rhein ang dumalo sa bawat luhang ginawa ni Adrian sa kanya.

Malaman kaya ni Jazz ang dahilan ni Rhein kung bakit niya ginawa at ginagawa ang mga bagay na ganito? At handa ba siyang malaman na matagal niya na palang natagpuan ang tunay na nagmamay-ari ng kanyang pagmamahal?

A cliche lovestory that will make your heart beats fast, puts your emotion up and down and make you believe that love-hate relationship really do exist.

In this story, they need to choose what their mischievous heartbeats desires.

♡3. JUST ONE DAY (TMH book two) [Completed]

Hindi pa man nagtatagal ang relasyong pilit na tinatag ni Rhein Gabriel, gumuho na agad ito. Nasaktan siya. Umiyak at patuloy na humihingi ng kasagutan sa paglayo ng kanyang minamahal.

Makalipas ang tatlong taong pagkawala ay muling bumalik ng bansa si Jazz. Marami ang nagbago sa kanyang pagbabalik. Ngunit may isang bagay ang hindi nagbago, mahal na mahal niya pa rin ang lalaking kanyang iniwan at handa siyang gawin ang lahat mabalik lang sa kanya si Rhein.

Hindi naging madali ang lahat. Nagtanim ng galit si Rhein dahil hindi niya maintindihan kung bakit kailangan siyang iwan nito. Gusto niyang malaman ang lahat. Gusto niyang makuha ang sagot sa matagal na niyang katanungan. Ngunit handa na kaya si Jazz na ipaalam kung anong tunay na dahilan kung bakit nangyari ang pinakamasakit na ala-ala nilang dalawa tatlong taon na ang nakalipas?

Chased (In Luv Series #1)On viuen les histories. Descobreix ara