Kabanata 13

347 25 9
                                    

Kabanata 13

Pag-amin

"In any case, Claire... mayroon ka bang napakinggang bagong kanta?" Napabaling ako sa kanya nang sabihin niya iyon.

Nasa sala kaming dalawa habang pinapanood ang music video ng paborito kong korean group. Kare-release lang nito kanina at agad kong dinownload para mapanood sa mas malaking screen. Sinaksak ko sa tv ang usb para damang-dama ang pagfefeels ko. Ikatlong beses ko na ngayon ito pinapanood.

"Obviously meron. And I'm currently listening to it." Umikot ang mata ko matapos kong sabihin sa kanya iyon. Iniistorbo niya ako. Malapit nang mag-rap ang bias ko.

"Bukod diyan, Claire. English songs. Yung ngayon mo lang talaga napakinggan." Nagkunot ako ng noo sa kanya.

I know one. But I will not tell him that...

"Wala e. I don't listen to english songs." Nagkibit balikat ako sa kanya at muling binalingan ang pinapanood ko. Nahuli ko pa siyang bumuntong hininga.

"Claire..." Tamad akong tumingin sa kanya. Prente siyang nakaupo sa sofa habang ako ay nasa lapag katapat ang malaking flat screen tv. Naiirita na ako sa paglingon-lingon sa kanya.

"Ano na naman?" Kinuha ko ang chips na nasa table. Nawala na ang feels ko. Kainis.

Kinuha niya ang remote control sa mesa at pinatay ang pinanonood ko. Hinayaan ko lang siya.

"Tara dito." Tinuro niya ang pwesto sa tabi niya. Nagtaas ako ng kilay bago umupo sa tabi niya. Sinandal ko ang likod ko habang ninanamnam ang chips na kinakain ko.

"Claire, sure ka bang wala ka talagang napakinggan?" Nakakunot na ang kanyang noo.

Bakit ba pinoproblema ng isang 'to ang napakikinggan kong kanta?

"Niccs, kung may sasabihin ka, diretsuhin mo na. Wala akong panahon na makipaghulaan sa'yo." Pagsusungit ko. Padabog kong nilapag ang bowl ng chips sa mesa. Tinanggal ko ang usb ko na nasa tv at nakapameywang na humarap sa kanya.

"It's getting dark. Baka hinahanap ka na ni Tita."

"Hindi pa ako uuwi. May itatanong pa ako sa'yo." Umikot ang mata ko. Ang kulit nitong kulugong 'to.

"Then spill it. Ang tagal e." Tinitigan niya lang ako. Maya-maya'y nagtaas ang kilay niya.

"Remember the flowers and usb?" Nagkunwari akong walang alam. Nagkunot ako ng noo at marahang umupo sa tabi niya.

"Ha?"

"Alam kong nakuha mo ang sinasabi ko. Sa locker mo, remember?" Umikot ang mata ko 'tsaka tumango.

"O? Anong meron don?" Natakot ako sa biglaang pagtingin niya sa akin ng masama.

"'Wag mo nga kong tignan ng ganyan! Isusumbong kita kay kuya!" Pananakot ko. Bumuntong hininga lang siya.

"Pinakinggan mo 'yung kanta?" Matalim na mata pa rin ang nakatingin sa akin. Wala akong nagawa kundi ang tumango. Ang moody ng taong 'to.

"You know who gave you those?" Agad akong umiling.

Pero may hinala ako... Mali. Sigurado na pala ako.

Tumayo siyang bigla sa kanyang pagkakaupo at dumiretso sa kinalulugaran ng piano. It's dad's property. Minsan niya na akong tinuruan kung paanong gamitin 'yon pero sadyang hindi ko kaya. I'm not really inclined to music. But I love music anyway.

"What are you doing?" Binuksan niya ang takip no'n at kinapa-kapa ang keys. Maya-maya lang ay may pamilyar na siyang kanta na tinutugtog doon.

"Just listen..." Bulong niya.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon