Kabanata 36

250 20 8
                                    

Kabanata 36

I'm back

"Here's your coffee, madame." Nginitian ko ang flight attendant matapos niyang maiabot sa akin ang aking kape. Ngumiti siya pabalik at tinanguan ako bago nagpunta sa kabilang seat.

Napatitig ako sa kapeng hawak ko. Ilang oras na lang...

Binalik ko ang headset sa aking tenga at pinakinggan ang playlist na nakalagay sa ipod na iniwan sa akin ni Rhein. Sabi niya'y kapag nagbalak na akong umuwi, maaari ko itong pakinggan sa eroplano. And now I'm listening to it.

Matapos ang huling engagement ko bilang model ay nagdesisyon na akong bumalik. I'm really missing my family. Bihirang-bihira kung tawagan nila ako. Hindi pa kami makapag-uusap kung hindi pa ako ang tatawag. Nagtatampo raw si mommy sa akin kaya gano'n. Three years kong hindi nadaluhan ang kahit na anong okasyon sa bahay.

Nakatingin ako sa mga ulap sa labas ng bintana nang biglang mag-play ang isang pamilyar na kanta. Sa tatlong kantang napakinggan ko, lahat iyon ay hindi ako pamilyar. Parang mga bagong kanta. At mga bagong boses.

Tumugtog ang instrumental ng kanta. Nangilabot ako. Hindi ako pwedeng magkamali. Ito iyong kanta noon...

Hawakan mo ang kamay ko ng napakahigpit
Pakinggan mo ang tinig ko
Di mo ba pansin...

Na ikaw at ako...
Tayo'y pinagtagpo oh

Ikaw at ako
Di na muling magkakalayo♪

"Clara, hindi mo naman na itutuloy ang plano mong mag-aral sa Korea, hindi ba?" Napalingon ako kay Niccolo habang ang mga mata niya'y may bahid ng luha. Biglang nawala ang galit ko sa kanya.

Kanina lang ay gustong-gusto ko siyang iuntog sa basketball ring dahil iyon ang pinagkaabalahan niya sa mismong araw ng 100th day namin. Nakalimutan niya. Sinabi ko pa naman sa kanya na kailangan naming icelebrate iyon dahil importante. Pero nanatili siyang naglaro kasama sina Rhein kahit na ilang beses ko na siyang tinawagan at tinext.

Ngayon ay yakap-yakap niya ng mahigpit sa kama ko.

"Itutuloy ko talaga kung hindi ka lang humingi ng sorry ngayon. Nakakainis ka talaga. Sobrang makakalimutin mo." Pinanggigilan ko ang pisngi niya. He only smiled.

"Sorry talaga, baby..." Pinigilan niya ang pagkurot ko sa pisngi niya at dahan-dahan niyang tinanggal ang espasyo sa pagitan ng mukha naming dalawa. Tinitigan niya ako ng magdikit ang ilong naming dalawa. Pinunasan ko ang namuong luha sa kanyang mata.

He said sorry after singing our song. Gustong-gusto ko tuwing naririnig kong kinakanta niya ang kantang iyon. Bumabalik ang ala-ala noong araw na sinagot ko siya. JS Prom... love atmosphere... his eyes... the slow dance...

"I love you..." I whispered.

"Mahal na mahal din kita, Clara. Happy 100th day."

Bumukas ang mata ko nang maramdaman ang paggising sa akin ng isang flight attendant. I only realized that I'm home when I saw the plane land. Nakatulog pala ako.

Dala-dala ang stroller ko ay naglakad ako hanggang sa makita ko ang dalawa kong kuya na sumundo sa akin. Una kong ginawa ay ang yakapin sila ng mahigpit. I saw my mother behind them wiping her tears. I didn't expect her here!

Agad kong pinakawalan ang dalawa kong kuya at dinaluhan ang nakabukas nang bisig ng aking ina. Napahikbi ako.

"Mommy..." Iyon lang ang nasabi ko. I want to say so many things. I want to explain all over again why I left them without saying any word. Sa sobrang dami ng gusto kong sabihin ay hindi ko nagawa. Ang hirap magpaliwanag kung ang nararamdaman ko ay nagkakabuhol-buhol.

Chased (In Luv Series #1)Where stories live. Discover now