Kabanata 37

268 21 1
                                    

Kabanata 37

Flowers

"Galit ka pa rin hanggang ngayon kay Jazz?" Minsang tanong sa akin ni Lhieanne nang mabisita ako sa school nila.

Binalik ko lang sa kanya ang tingin niya.

"Hindi na ba dapat? Nasabi niya na ba sa akin kung bakit niya tayo iniwan? O kami lang?" Nagtaas ako ng kilay. I can't recognize my own voice. Puno ito ng pagkamuhi.

Kita ang pag-iwas ng tingin ng kanyang tingin.

"I'm sorry, Claire. Hindi ko kasi pwedeng sabihin..." Humina ang huling salitang sinabi niya. Napainom ako sa orange juice ko.

"I know. Kaya nga tinago mo sa amin, diba? And now that she's back, she can't even apologize with her reason. Alam mo namang iyon lang ang kailangan ko." Kinuha ko ang cellphone kong nagvibrate. It's a text from Korea. Sandali ko itong binasa bago muling nagsalita sa harap ni Lhieanne.

"Sayang ang bawat pagpunta niya sa bahay kung hihingi lang siya ng tawad nang walang rason. It's a tip from me, Lhie. Sana makarating sa kanya." Titig na titig sa akin si Lhieanne nang tumayo ako sa pwesto ko.

Iniwan ko siya ng hindi nagpapaalam. I'm sorry but you both made me like this. You're my bestfriends but you broke our promise. Masakit iyon para sa akin. I can forgive but I can't forget.

Matagal ko nang pinatawad si Lhieanne simula nang magsorry siya sa akin. Kay Jazz ako mas galit. Siya ang puno't dulo ng lahat. She ruined everything. Akala ko'y magsisimula ang college life namin ayon sa plano ngunit nasira ang lahat.

Sana hindi na lang siya bumalik.

Mabilis na lumipas ang oras, araw at linggo. Patapos na ang first semester sa pinag-aaralan nina Rhein. They already released the music video they made months ago. Rhein invited me to come. Humindi lamang ako dahil alam kong nandoon si Jazz. She's the director. And I don't want to see her while I'm partying.

"I badly want to visit you there, Clara. I also miss Philippines." Nakangusong sabi ni Seungyeon habang magkaharap kami sa screen ng laptop. We always do skype when they're not busy.

"Don't worry, Seungyeon. Sabi mo kapag hindi na kayo busy, bibisita ka diba? Maghihintay naman ako." Nagpacute ako sa harap niya. Sobrang miss ko na rin ang lalaking ito.

He's one of those person na nakasama ko sa pag-iisa ko sa bansang isa akong dayuhan. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Naging masaya ang tatlong taon ko sa Korea ng dahil sa kanya.

"Sinabi mo 'yan a? You will wait for me." Napatitig ako sa kakaibang tinging binigay niya sa akin. No. Wala iyon.

"Yah! You're not answering!" Nanlalaki na naman ang mga mata niya. Natawa ako. He's really cute.

"Oo naman siyempre! Ilang taon na kong naghihintay, no! Ilang buwan na lang naman...." Matapos kong sabihin iyon ay agad kong pinatay ang tawag.

I can feel the redness of my cheeks.

What are you saying this time, Clara Abanero?!

"Clara, may mga nagpadala po ulit ng bulaklak para sa inyo. Mga galing pa pong Korea." Ani aming kasambahay pagbaba ko sa sala.

Doon ko nakita ang samu't saring bulaklak galing sa iba't ibang pangalan. Mayroong galing sa kompanyang pinaggalingan ko, sa kaibigan kong si Summer, kay Manager Byun at sa iba pang kapwa modelo. Ang nakaagaw higit sa atensyon ko ay ang pamilyar na tulips na nakalagay sa maliit na basket. Mukhang hitik sa bulaklak ngayon sa Korea. Tinotoo nila na kapag namulaklak ang mga halaman sa Korea ay agad nila akong padadalhan.

Chased (In Luv Series #1)Where stories live. Discover now