* * *

Pansin kong wala masyadong tao sa university. Pinakita ko sa guard ang aking ID at pumasok sa loob. May mga tumitingin sa 'kin at tatawa nalang bigla. Hindi ko alam kung saang lupalop nagtatago ang mga fangirls nila Tyler na palagi namang nag-aabang sa kanila sa gate.

Nang papaliko na ako para puntahan ang building kung nasa'n ang unang klase ko ay may biglang bumangga sa 'kin at naupo pa ako sa sahig. 

Lumuhod ang babaeng nakabangga sa 'kin. May ibinigay siyang nakatuping papel at nahihiyang ngumiti sa 'kin.

"Sorry. 'Di kasi kita napansin."

Tinulungan niya akong makatayo kaya mas lalo akong nagtaka. Dali-dali rin siyang tumayo at pinagpagan ang sarili bago tumakbo palayo sa 'kin. I can feel the tension in her body and the sweat on her forehead before she left.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa sinilip ko ang nasa papel na ibinigay niya.

Covered court, 7AM ang nakalagay doon sa isang cursive style na halatang sulat ng isang babae.

Nagtataka man, pumunta parin ako sa covered court kahit na quarter to 7 pa lang. 

It must've been Suzy's. I saw how she look at me from yesterday. Alam kong may binabalak na agad siya nang makita niya kaming dalawa ni Tyler. Hindi na ako magugulat pa kung bigla nalang niya akong sosorpresahin sa covered court.

Tinupi ko ang papel at ibinulsa. Inayos ko ang pagkaka-pwesto ng salamin na suot ko at ginulo nang bahagya ang bangs ko  bago ako pumasok sa covered court.

Pagpasok pa lang, napakadilim na ng paligid. With the help of my ability as a vampire to see the dark, nakikita ko ang paligid. Dahil sensitive rin ang pandinig ko ay mula dito hanggang sa dulo ay naririnig ko ang mumunting ingay na para bang nagbubulungan para hindi ko sila marinig.

Tumapak ako sa pinakahuling hagdan at tinitigan ang isang lubid na naghihintay sa 'kin. Nakakonekta ito sa magkabilang gilid ng poste at sa tingin ko'y isa itong trap. Once I'd step to that rope, I don't know what's waiting for me.

"Why did she stop?"

"Shh! Baka marinig tayo, 'no ba. Hintay din, okay?"

"Suzy, malelate na tayo sa kabagalan ng Lucy na 'yan."

"Shut up people, will you?! Maririnig tayo, mga gaga!"

Kahit mahinang bulong lang 'yon ay rinig na rinig ng sensitibo kong tenga ang mga pinagbubulungan nila. Napapikit ako nang mariin at sinilip ang nasa itaas. Naghihintay sa 'kin ang isang balde na hindi ko alam kung anong laman. May lubid ding nakapulupot dito at once na maapakan ko ang lubid na nasa malapit sa paa ko ay tatagilid 'yon at bubuhos sa 'kin ang laman no'n.

I was about to step at the rope when I felt that someone's staring at my direction. Tumingala ulit ako at nakita sa second floor si Tyler. Pinanood niya ako at pansin kong parang kumikinang ang mga mata niya.

Tumalikod siya't naglakad palayo. Napabuntong hininga na lamang ako at pinagpatuloy ang binabalak ko.

Namamalikmata lang ako, hindi ba? Hindi kumikinang ang mga mata niya, 'di ba?

Nang maramdaman kong parang nahihila na ng paa ko ang lubid ay kasabay no'n ang pagbagsak ng napakaraming itlog sa akin. Pinikit ko ang mga mata ko dahil sa malagkit nitong likido. Dahil sa dami ng itlog ay panandaliang umikot ang paningin ko dahil sa mga shells na nabasag sa ulo ko.

Biglang nagkaroon ng liwanag sa paligid at narinig ko ang malakas na tawanan ng mga taong kanina pa nagaabang. Nakatutok sa 'kin ang kani-kanilang camera at patuloy na kinakantyawan ako.

Lumapit sa 'kin si Suzy habang nakatutok sa 'kin ang lens ng kaniyang camera. Tinanggal ko ang salamin ko't inalis ang malapot na likido sa mukha ko.

Wow. Napakaeffort nila, ha. Ilang dosena kaya ang binili nila para ikasya sa malaking balde para lang sa 'kin?

"That's what you get for trying to steal what's mine, Lucy." Ngumisi sa 'kin si Suzy at ibinaba niya ang kaniyang camera.

Mas lalo pa siyang lumapit at gamit ang daliri niya ay tinulak niya ang balikat ko kaya medyo na-outbalanced ako. Dahil narin sa nagkalat na shells at laman ng itlog ay nadulas pa ako at humalik ang pwet ko sa semento.

"Tatanga-tanga pa." Humalaklak si Marianne at inirapan ako. Nakipag-apir pa siya sa mga nanonood, mapababae man o lalake.

Okay, I admit, ang tanga ko. I should've turn and walk away dahil wala naman akong nakitang interesado sa pagtapak ko pa lang sa madilim na covered court. But I need to do it.

If I weren't a vampire, malamang ay kanina ko pa natanggap ang mga itlog na nasa balde. But since I can sense something what humans can't, hindi ko kinuha ang advantage na 'yon para makalayo sa anumang gagawin nila.

If they're playing on me, then I can play with them too. But on my side, I can play fairly. 

That Nerd Is A Vampire
hannahdulse_

That Nerd Is A Vampire (New Version)Where stories live. Discover now