"Ayoko... Ayoko maging kagaya mo, Lucy. Sorry..."
Nakakatawa. Ito ba ang plano ni Suzy? Ang ikulong ako dito sa abandunadong opisina mag-isa?
Naiinis man ako sa ginawa ni Patricia ay hindi ko maiwasang mag-alala dahil minamanipula siya ni Suzy. Kaya sila umiwas sa 'kin noon dahil ayaw nilang nadadamay nang dahil lang sa 'kin. No one wants to be in this position. Minsan nga napapaisip ako sa sarili ko kung ano bang meron sa 'kin at ginaganito nila ako. I was just disguising as a nerd. Pero hindi naman ako nagsisisi sa pinili ko.
I stayed for one hour before finally breaking the door. Hindi ko mabubuksan ang bintana dahil tinakpan ito ng mga plywood. Sinadya nilang takpan ang maaari kong lusutan para hindi ako makalabas.
I know I can break everything, pero hindi ko ginawa 'yon dahil ayokong magtaka sila na nakalabas ako agad sa trap nila.
Isang sipa ko lang sa pinto ay nasira ko na ang kadena at kandado. Napabuntong hininga ako't pinulot ang bag kong nasa sahig at naglakad palayo sa abandunadong opisina.
* * *
Dumiretso ako sa apartment ko. Hindi na ako pumasok sa last subject ko dahil para sa'n pa? Late na ako ng one hour at ayokong maging center of attraction ulit. It's better if I'd stay home for the rest of the day.
"Bakit ang aga mo?"
I searched for the owner of that familiar voice and saw her sitting on my small bed, dressed in all black dress and wearing hard make up. Nakalugay ang kulot niyang buhok at dahil purong itim ang kulay nito, nagliliwanag sa dilim ang maputla niyang balat.
"Wala. May emergency ang university kaya maaga kami." Liar, Lucy.
"You should come with me. Since you skipped your class, sumama ka nalang sa 'min ng Papa mo."
Ngumiti lang ako sa kaniya at umiling. Nakalimutan kong may abilidad pala siyang ma-monitor ako. She have this kind of ability that could see the future. She's been monitoring me ever since. Sinasabi niya sa 'kin kung ano ang mangyayari sa buhay ko and I'm sick of it. I want to be surprised with my life and go with the flow. Minsan naiirita na ako sa ginagawa niya sa 'kin.
"I'd rather stay at home, Ma. Pagod ako. Ayokong pumunta sa party na 'yan."
She's not really my mother. Hindi ako galing sa sinapupunan niya at hindi rin siya ang nagere sa 'kin sa mundong 'to. Ma Luisa was supposed to be my auntie, but she raised me and treated me as her child together with Papa Aldrin.
"Luvina, what happened to you?"
I stopped from unbuttoning my blouse. She must've seen it; the bruises, the broken eyeglasses, and my dirty clothes. Madaling nakaka-spot si Ma sa mga nangyayari sa 'kin. Nakakapagtakang hindi niya nakita ang nangyari kaninang umaga. Maybe she was very busy to monitor my life.
Siya lang at si Tatay Aldrin ang tumatawag sa 'kin na Luvina. Pinagsamang Lucy Genevive Marianna, Luvina for short. Hindi niya raw ako tatawagin sa first name ko dahil ano naman ang silbi ng mahaba kong pangalan kung hindi nalang ito pagsama-samahin? So they ended up with an antediluvian name, Luvina.
"Nadulas lang sa hagdanan."
"I don't believe in your lie."
I turned around to face Ma. I know she's going to catch my lie. She sees everything that's happening in me.
"Ngayon, magbihis ka na. Mag-aantay ako sa labas ng building. I'd better see you wearing that dress I bought you, Luvina, I'm counting on you."
Umalis siya nang hindi ako nakaangal. I said I don't want to. Kaso mas matigas pa ang ulo ni Ma sa ibang mga basagulerang tao. Kapag naman hindi ako sasama sa kaniya ngayon, gagawa at gagawa siya ng paraan para lang mapapayag ako.
Wala akong ibang magawa kundi ang sundin ang utos niya. I took a quick bath, put on a light makeup and tied my hair into a tight bun, leaving an extra strands of hair on both sides of my cheeks, and checked out the dress Ma Luisa bought me.
Isang medieval type na dress ang binili niya sa 'kin. On the sides along the loose sleeves is black and the middle part is a burning color of red. It doesn't looked comfortable but I have to wear it whether I like it or not.
Ang party na dadaluhan ko ay isang gathering ng mga business men and women sa buong bansa. The theme is about medieval period, and gothic. But I don't want to look like gothic so I just put on light makeup.
* * *
Pagdating namin sa venue, sa isang sikat at mamahaling hotel, marami ang nakakasalubong namin na kilala ni Ma Luisa. She shook hands with those people, asked how their day was and such. Ganiyan lang nangyayari. Tapos ako, nakabuntot lang sa kaniya.
Kadalasan sa mga nakikita ko ay mga matatandang negosyante. Karamihan din sa mga nakakasalubong ni Ma Luisa ay katulad namin; bampira. There are a lot of them. Makakatitigan ko pa ang iba at tatango lang kami sa isa't isa.
The venue was designed with vintage and gothic styles. Ang mga rosas ay pinintahan ng violet o black. Nasa malapit sa stage ang table namin. Nando'n na si Papa Aldrin na nagbabasa ng dyaryo at naka-dekwatro.
The whole event was dull. Ang pinaguusapan lang naman ay tungkol sa negosyo, malamang, at kung paano mas lalong palaguin ito. Parang naging seminar na ang event na 'to. Pero may mga kumakanta naman, sumasayaw, and such. I want to go home.
Sana pala ay hinayaan ko nalang ang sarili ko na mapahiya at pumasok kanina kahit na late na ako. Hindi sana ako makakasama kay Ma Luisa at mapasama sa nakakabagot na event.
Nang patapos na ang kaganapan, nagsimula nang magsayawan ang mga mag-asawang negosyante sa gitna. They danced with the classical instrumental music which gives the atmosphere more medieval.
Tumayo din si Papa Aldrin para isayaw si Ma Luisa. Naiwan akong nakatunganga sa table at pinaglalaruan ang wineglass na hawak ko.
I felt someone's eyes gazing at my direction so I scanned the whole venue. At the corner of the wide room, across the ocean of people dancing with the classical music, was Tyler Jacob Vasquez, wearing his medieval suit. Pinaghalong kulay pula at itim rin ang suit niya. His eyes were usually cold and intimidate.
Umiwas ako ng tingin at ininom ang wine na kanina ko pa pinaglalaruan. Bakit ngayon ko lang siya napansin dito? Bakit nandito siya? Wait, napaparanoid na ata ako. Wala dapat nakakaalam na makapangyarihan ang mga magulang ko. That I disguised to hide my true identity. Shit, game over na ba? Dito na ba magtatapos ang buhay ko bilang nerd?
Kinuha ko ang pamaypay na dala ni Ma Luisa kanina at binuksan ito at tinakpan ang kalahating mukha ko. I became too careless. Kung alam ko lang na negosyante din pala ang pamilya nila Tyler, hindi na sana ako pumunta dito. Shit, ulit. Hinding-hindi na ako sasama sa ganitong pagtitipon.
That Nerd Is A Vampire
hannahdulse_
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Vampire (New Version)
Vampire✓ | Lucy thought she'd live all her life surrounded with humans that's supposedly to be their food. She disguised herself many times, lived her life with many names, and at last, she disguised herself as a nerd under the name of Lucy Genevive Marian...
