Ch. 37: Aimee x Andy

Magsimula sa umpisa
                                    


Binalik ko ang tingin sa naglalaro. Naririnig ko ang palitan ng usapan ng dalawang babae sa likod pero hindi ko na iyon inintindi.


Natapos ang laro at nanalo kami laban sa Helene. Nagkaayaan na kaming umuwi na. Napasulyap pa ako sandali sa likod ng inupuan namin, wala na yung dalawang babae doon pero sa inupuan nila may naiwan.


Notebook.


Inabot ko iyon saka binuklat buklat. Ito ang notebook na hawak ng kasama ng babaeng maingay sa likod namin kanina.


Literature note. Tamarra Cruz.


Iyon ang nakasulat sa unahan.


Tamarra. Pretty name. Kinuha ko iyon saka sinubukang hanapin ang may-ari sa labas ng gym, pero masyadong maraming students at maraming taga-Helene, naiirita na ang kasama ko dahil parang palengke raw ang tertiary campus ngayon kaya mabilis na niya akong inayang umalis.


Hindi ko alam kung importante ba sa kanya ang notebook pero naisip kong isauli na lang din. Facebook ang ginamit ko para makita siya, hinanap ko ang pangalan niya, marami siyang kapangalan kaya inisa-isa kong tignan ang mga mukha ng lumabas sa search list. Nakita ko siya, hindi ko siya in-add pero na-message ko siya tungkol sa notebook niya. Ilang araw pa bago siya nagreply. Matapos ang ilang palitan ng messages, nakipagkita siya sa'kin sa Thelistine university, sa gym kung saan ko nakuha ang notebook niya.


That day was marked as the very first day my heart started beating for her. 


"Excuse me?"


Napamulat ako ng mata at sandali akong nasilaw sa liwanag ng langit.


"Excuse me."-pag-uulit ng boses mula sa kung saan.


Napaupo ako. "Huh?"-lumingon ako sa nagsasalita. At si Aimee ang nabungaran ko paglingon ko.


"Umusog ka, uupo ako."-utos niya sa natural na tono niya. Hindi nangmamataas o kung ano mang tawag doon. Napakunot ang noo ko at nilibot ng tingin ang paligid. Binalik ko rin agad ang tingin sa kanya.


"Sa dami ng bakanteng upuan... dito pa talaga?"


Nakatayo siya sa gilid ng bench at nandoon ang natural na walang pakealam na expression niya.


"Marami naman pala, so pwede ka nang tumayo at lumipat doon. Now, excuse me."-hindi ako gumalaw. "Ano?"-she snapped.


"Look, maraming upuan pero nauna ako dito, ikaw pwede mo i-occupy ang mga bench na walang nakaupo."


"But that's my spot."-sandali pa siyang itinuro ang upuan bago umupo sa tabi ko, nilagay niya ang bag niya sa pagitan namin.


Pambihirang babae. Tinignan ko siya, ano bang problema nito?


Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon