Chapter 28 - Assurance

Start bij het begin
                                    


Hinila na ko ni Ally dahil hindi ako gumalaw.

Bago kami makapasok sa kwarto ay narinig ko silang magtalo.


"Pagsabihan mo ng maayos, hindi yung pinapalayas mo agad. Iisa-isang anak mo yan. Pag siya lumayas talaga, magsisisi ka"


Hindi ko na nalaman pa ang sagot ni Mama doon.

Nanghina na rin ako at humiga na lang sa kama ko.


I didn't expect my mom to be so angry at me.

Akala ko maiintindihan niya pero hindi pala.


That night, Ally didn't sleep beside me. Siguro para na rin bigyan ako ng alone time.

Dun sila sa kabilang kwarto magkakasama nila Tito at Tita. Dating tambakan ng mga gamit yun pero nilinis ni Mama para sa kanila.


*bling*


I looked at my phone and saw Jiro's message.


From: Love <3

10:15 pm.

Kanina pa ko nagte-txt ah. Are you ok?

Is everything fine? Kenzie ko, please answer back.

I'm sickly worried here :/


Tinawagan ko agad siya dahil gustong-gusto ko ng marinig ang boses niya.

Alam kong si Jiro lang ang makakapagpagaan ng pakiramdam ko ngayon.

Siya lang ang makakapagpatahan sa akin.


Wala pang dalawang rings ay sinagot niya agad ang phone call ko.


"Hey. What happened? Nakapagusap na ba kayo ng Mama mo?" Tanong niya agad.


*sniff*

"Love..." Pagiyak ko.


"Kenz, bakit?"


"I told her about us...at hindi siya okay don..."

*sniff*


"Hey ssshhh. Siguro nagulat lang siya kaya---"

"Pinapalayas niya ko. Buti na lang nandito sila Tita..."


Ang tagal na nanahimik ni Jiro.

Siguro dahil wala siyang masabi.

Wala rin naman kasi talaga siyang magagawa kung ayaw ni Mama sa aming dalawa.


"I'll go there tomorrow. Okay lang? Kakausapin ko si Tita. Maybe magbago yung isip niya pag nakilala niya ko"

"Jiro...first time magalit ng sobra ni Mama sakin. Natatakot ako..."

"Magiging maayos din ang lahat, love. Believe me. I'll do everything for her to accept us"

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu