"Nasa'n si, Hyacinth?" Tanong ko kay Mimi pagkarating niya.

Nagkita kami para mag-lunch. Ang sabi niya kasabay niyang dadating si Hyacinth pero siya lang ang dumating.

Naghila siya ng upuan at umupo. Nilagay ang handbag sa lamesa bago bumwelo ng sagot.

"She's not coming. May lunch date daw?" Napakagat ako ng labi. Ayoko mang isipin pero si Seven ang naiiisip kong kasama niya.

"M-May boyfriend na ba siya?"

"I don't know. Alam mo namang malihim 'yung babaeng—may problema ka ba, Maro?"

"Ha? W-Wala. Bakit mo naman nasabi?"

"You're pale at parang malungkot ka ngayon. if you want, we can continue this some other time."

"Ay, hindi. Stress kasi ako sa projects sa school. Wala lang 'to."

"Kung sa bagay. Kung ako siguro ang nag-aaral ng abugasya, natuyot na ung utak ko." Nakitawa ako sa biro niya kahit pilit.

May lumapit na waiter sa'min. Umorder siya. Pagkatapos ay sa'kin naman bumaling ang waiter.

"It's my treat this time."

"Bakit? Anong okasyon?"

"Diba nung nakaraan ikaw dahil nakapasa ka sa scholarship."

"Scholar ka din?"

"Of course not! One year anniversary namin ni Damian last week. Sana maging  matatag din kami kagaya niyo ni Seven? Ga'no na kayo katagal? Two years?"

"Magti-three..." Payak akong ngumiti. Parang may tumarak sa dibdib ko. Anniversary namin next week. Hindi ko nga alam kung madudugtungan pa 'yon o baka hindi na umanot sa three years.

"Oh my...shït!" Napatingin ako sa kanya dahil sa lutong ng mura nito.

Napansin kong may tinitignan siya sa likod ko kaya tinignan ko.

Mas lalong sumakit ang nararamdaman ko sa dibdib ko. Napahinga ako ng malalim para pakalmahin ang init sa mga mata at dibdib ko.

Medyo malayo ang table nila sa'min pero kitang kita ko sila. Si Hyacinth at Seven. Masayang nag-uusap.

Ang sakit! Syete lang!

Okay lang naman sa'kin na kumain sila ng sabay. Sa isang restaurant kahit hindi nila ipaalam sa'kin. Ang mas masakit ay ung ngiti ni Seven sa kanya. Masaya ang mga mata nito.

Bakit nagagawa niyang tignan ng gano'n si Hyacinth? Bakit sa'kin...

"M-Mimi, masama pakiramdam ko. Pasensya na... U-Una na 'ko."

"Wait lang, Maro..."

Kahit nanlalambot ang mga tuhod ko at tumayo na 'ko.

Mukha hindi malaman ni Mimi ang gagawin at pabalik balik ang tingin sa'kin at do'n sa dalawa.

Humingi muli ako ng paumanhin bago umalis. Pasensya na talaga, Mimi pero hindi ko kaya ang sakit.

Nagbabadyang tumulo ang aking mga luha nang makauwi ako sa unit ni Seven. Kailan ba 'to nagsimula? Kailan ba siya nanlamig sa'kin? May ginawa ba 'kong mali?

Pilit kong iniisip ang pagkakamali ko. Nakita ako ni Apple. Tinanong niya ko kung anong problema. Ang sabi ko wala.

Isang malaking kasinungalungan.

Nakatanaw ako sa labas ng bintana, hinihintay siya. Napagpasyahan kong kausapin siya. Alam kong maaring madagdagan ang sakit na nararamdaman ko pero tatanungin ko parin siya dahil mas masakit ang magpanggap na walang alam.

Halos humahangos ang itsura ni Seven nang pumasok siya sa kwarto namin. Sa itsura palang nang pag-aalal niya ay alam niya na ang nangyari. Si Mimi siguro ang nagsabi.

"P-Princess—"

"Bakit? May sasabihin ka ba?" Salamat at hindi nanginig ang boses ko gaya ng panginginig ng tuhod ko.

"I'm sorry." Lumapit siya at marahang hinawakan ang braso ko. Tinignan ko ito bago bumalik sa mga mata niyang puno ng pagsi-sisi.

"Nagso-sorry ka ba dahil nalaman mong ando'n ako kanina at nakita ko kayo? O baka naman dahil hindi mo sinabi sa'kin na magkikita kayo?"

"Let me explain, please..."

"Ang alin? Sasabihin mo ba sa'kin kung bakit ka malamig nitong mga nakaraang b'wan?" Garalgal ang pagbuga ko ng hininga. Pilit na nilalakasan ang loob. "M-Mahal mo pa ba 'ko?" Pumiyok ang boses ko sa tanong na 'yon.

Hindi ko na napigilang umiyak nang makita ang kanyang reaksyon. Nakita ko na ang sagot sa mga mata niya. Hindi niya na kailangang sabihin ng diretso.

The Good Between BadWhere stories live. Discover now