Chapter 11

1.4K 18 8
                                    

Chapter 11

"So mayabang ka na nyan? Dahil bago ang phone mo?" Biro sa akin ni Dale.

"Baliw! Hindi no!" Hinampas ko sya sa braso.

"Joke lang. Uy, girl bonding raw kayo ni Ckai mamaya? Kung okay lang sa inyo ni Niqi?"

"Sure!" Sagot ni Niqi.

"Oo naman! Gusto rin naming maging ka-close si Ckai eh."

"Ayos, dun ulit sa cafe nila ah."

"Yes boss." Sagot ko at sumaludo. Ginulo nya ang buhok ko tapos umalis na sya.

Naglakad kami ni Niqi papunta sa canteen. Kakain na kasi kami ng lunch.

"Uy, nagtatawagan pa rin ba kayo ni Jared?" Tanong nya out of the blue.

"Uhh, oo."

"Gabi-gabi?"

"Parang ganun na nga..."

"Baka magkatuluyan kayo Best!"

"Magtigil ka nga!" Siniko ko sya. Nakarating na kami sa canteen at pumila na para kumuha ng pagkain.

Medyo maraming tao kaya ang daming tables na walang bakante pero nakahanap naman kami ni Niqi ng spot malapit sa bintana.

Kumain na kami ng tahimik pero ang ingay talaga ng mga tao sa canteen. May mga nagtatawanan, may parang baliw na nagtatakbuhan at nagbabatuhan ng mga pagkain. Ang gulo. Parang may bagyo lang.

"Excuse me po..."

Tumingala ako para  tingnan yung nagsalita. Teka, parang pamilyar yung mukha nya ah. Nagkita na ba kami?

"Bakit?" Tanong ni Niqi.

"Uh, wala na po kasing upuan eh. Pwede po bang makiupo?" Tanong nya. Ngumiti ako.

"Sure! Upo ka lang." Tapos nun umupo sya katabi ni Niqi.

Tiningnan ko yung babae, napansin ko yung ID cord nya.

"Ah! Naalala ko na! Ikaw yung second year na nakabangga ko sa corridor nung nakaraan." Ngumiti sya.

"Ah, oo nga po. Kayo po pala yun."

"Ako si Kaylie." Turo ko sa sarili ko. "Sya naman si Niqi." Tinuro ko si Niqi.

"Ah, hello po. Ako naman po si Jerykah."

"Ang cute naman ng name mo." Sabi ni Niqi. Patuloy lang ako sa pagkain.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Where stories live. Discover now