Chapter 30

1.1K 32 21
                                    

CHAPTER 30

Pumasok ako uli sa gym at hinanap si Niqi. Ayun, nakikipag-usap sa iba pa naming mga kaklase.

"Niqi!" Hinila ko sya.

"Bakit best?" Tanong nya.

"Ahh, dito ka lang ah. May pupuntahan lang ako saglit. Babalik din ako."

"Saan ka pupunta?"

"May hahanapin lang."

"Ha? Tulungan na kita." Offer nya.

"Hindi na. Okay lang. Sige ha, text lang kita." Hinawakan ko ang balikat nya at tumakbo na palabas ng gym.

Berdeng dagat? Hindi kaya yung mini-pond yun?

Tinext ko si Jared.

To: J.Go

Message: Sa may mini-pond ba yun?

Ang tagal nya nag-reply kaya pumunta na ako dun. Grabe, ang lamig. Wala pa akong jacket. Sagabal pa itong pakpak ko.

Pagdating ko dun sa mini-pond, ang dilim. Nakakatakot. Biglang nagsigalawan yung mga sanga sa puno kasi humangin kaya natakot ako.

"Shet, Jared, nasaan ka na ba?" Bulong ko sa sarili ko. Tae, kung alam ko lang hindi na ako pumunta dito. Nakakatakot eh!

Ay, naalala ko tuloy yung kwento tungkol sa batang multo na nagpapakita daw dito. Ay shet, sa dinami-rami ng pagkakataong maaalala ko yun, bakit ngayon pa? Kung kelan mag-isa ako at natatakot.

Pinigil ko ang hininga ko at umikot sa pond. Kung bakit ba kasi nasa gitna pa ng kakahuyan naka-pwesto itong pond eh.

Saka bakit naman dito nagtatago si Jared? Pag nakita ko talaga ang lalaking yun, naku! Babatukan ko sya.

Biglang tumunog yung phone ko kaya napatalon ako sa gulat.

From: J.Go

Message: Sa may pond ka ba? Wala ako dun.

Ay naku naman, bakit ngayon lang sya nagreply? Urgh! Masasapok ko talaga itong lalaking to eh!

To: J.Go

Message: Oo! San ka ba? Nakakatakot kaya dito! Badtrip ka talaga.

Naglakad ako palabas sa kakahuyan. Buti at hindi sumabit itong mga pakpak ko sa mga sanga kasi maliit lang naman.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Where stories live. Discover now