Chapter 24

1.1K 17 11
                                    

Chapter 24

Hala, hindi ko alam kung nakapagthank you na ako. Di ko maalala eh. Hehe.

Pero parang nakapag-thank you na ata ako eh. Pero parang hindi. Tae, kelangang hanapin ko sya.

Matapos kong nag-stay nun sa clinic, bumalik na ako sa room namin para magklase na. Nag-announce yung teacher namin na malapit na ang halloween kaya magkakaroon daw kami ng party.

Hay nako, gastos na naman to. Costume party daw kami. Ang date is October 29. Saturday yun.

Buti na lang, yung SG officers at yung naka-assign na committee ang bahala sa lahat. Magbabayad na lang kami ng registration fee na 150. Hindi na masama ah. Mababa na yun. Kasama na dun yung food, drinks and all night partying.

Si Niqi nga, excited na sa costume nya. Kinukulit nya ako kung ano daw yung akin, eh wala naman akong maisip.

Sabi nya, tutulungan na lang daw nya ako. Buti naman.

Wednesday ngayon. Wala kaming pasok dahil may special test yung third years sa school. Ewan kung anong special test yun, wala nga kaming ganun noon. Ang daya.

Kaya dito ako nakitambay kila Niqi.

Katext ko si Jared.

From: J.Go

Message: Piglet, ang cute cute ni CJ7 oh! Parang ikaw!

Piglet. Tawag nya sa akin. Tumataba na daw ako eh. Kainis.

To:J.Go

Message: Tigilan mo ako ha. Ikaw Pooh ka... >:P

Pooh. Yan ang tawag ko sa kanya. Aakalain mo bang favorite color nya ang yellow? Baklain.

From: J.Go

Message: Totoo ba. Haha.

Hindi ko na sya nireply-an. Nanonood kasi kami ni Niqi ng School of Rock, yung pelikula ni Jack Black. Ang astig kasi, nakakainggit yung mga bata, ang gagaling nila.

*kriiiiiiiing~ Kriiiiiiiing*

Tiningnan ko yung cellphone ko. Tumatawag si mama, sinagot ko naman.

"Hello, mama?"

"Anak, may ginagawa ka ba ngayon?" Tanong nya. Tumingin ako kay Niqi kasi nakatingin sya sa akin. Nag-mouth ako ng "Mama." Tumango sya.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Where stories live. Discover now