Chapter 42

827 12 4
                                    

Chapter 42

"Ate Kaylie! Wake up! Wake up!" Naalimpungatan ako dahil sa kakulitan ng kambal.

"Ashleeey!" Saway ko pero di sya tumigil. Tumatalon na sya sa kama ko.

"Ate Kaylie wake up na kasi!" Sabi nya. Napaupo ako at inalis ang kumot na nakatabon sa katawan ko.

"Bakit? Ano bang meron?"

"May pasok ka po ngayon diba?" Nanlaki ang mga mata ko. Shet! Napuyat kasi ako kagabi eh! Di ako nakatulog dahil kay Jared! Naknang.

"Ay tae!" Tumalon ako pababa ng kama at tumakbo papunta sa CR habang sumisigaw. "Ash, baba ka na! Maliligo lang ako!"

Agad akong naligo at nagbihis. Hindi na ako kumain kasi baka mapagalitan ako nung teacher ko sa math. Di pa nga tapos yung trabaho ko sa canteen, baka madagdagan pa. Ayoko naman nun. Si Sabrina, pumapasok pa rin sya, kahit na medyo malaki na yung tyan nya. 5 months na rin syang buntis. At ayaw naman nyang umabsent dahil pangako nyang ga-graduate sya kasama namin.

Pag dating ko sa room namin, saktong kapapasok lang ni ma'am. Buti nga at di nya ako napansin eh. Busy sya sa sinusulat nya sa board.

Nung umupo na ako sa upuan ko, lumapit si Niqi sa akin.

"Tinanghali ka ata?" Tanong nya.

"Eh kasi..." Hindi ako makasagot.

"Laki pa ng eyebags mo oh. Ano ba nangyari kahapon? Pina-una-una mo pa kaming umuwi. Nagdate kayo ni Jared no?" Umiling ako. Hindi naman date tawag sa ginawa namin kahapon diba?

"Weh. Fine. Basta kami ni Jeric, nagdate kagabi!" Pasikat nya pa. Napataas ang kilay ko.

"Eh alam naman ba ng parents mo na may boyfriend ka na?" Nawala yung ngiti sa mga labi nya dahil sa sinabi ko.

"Hindi ko alam kung masasabi ko ba eh. Natatakot ako, baka hindi nila matanggap si Jeric, na baka... baka patigilin nila akong mag-aral."

"Ang OA mo best ha. Magagalit lang siguro pero di na rin yun aabot sa point na papatigilin ka na mag-aral." Sabi ko at tinapik ang balikat nya.

"Haaay." Napailing na lang sya.

"Miss Pascual, what is the value of 'f(x)'?" Ay takte, eto na naman tayo. Agad akong tumayo at tinitigan ang board. Buti na lang, kahit napuyat ako kagabi, nag-aral pa rin ako.

"Umm, if f(x)=2x^2+5x+17 and x=3, therefore, f(x)=2(3)^2+5(2)=17, and then, f(x)=6^2+10+17. Thus, f(x)=36+10+17 and the answer is f(x)=63." Confident na sagot ko.

"Hmmp. Okay, sit down." Umupo ako. Halata kay Ma'am na naiinis sya kasi nasagot ko ng tama yung problem. Lah, anong tingin nya sakin? Walang alam?

Ilang subjects na ang dumaan, hanggang sa Homeroom na kami. Syempre, adviser na namin ang teacher don.

"Class, lampas na ang Valentines day pero wag kayong mag-alala, ang Prom nyo, next week na."

"YEHEEY!" Cheer ng mga babae. Tsh, mga babae talaga.

"Settle down class. Ang partners ay pwedeng manggaling sa kahit saang section, pwede ring galing sa third years. Pero since Promenade lang ang ginaganap natin sa school at hindi Seniors and Juniors prom, pwede kayong mang-invite kahit na first at second year."

"Ma'am, may theme po ba ang prom natin?" Tanong ng isa kong kaklase.

"Masquerade, para elegant at mysterious."

"Wow, cool." Bulong ko sa sarili ko. Feeling ko, masayang sumali ngayon. Last year, di ako sumali eh. Gusto ko naman syang maexperience.

------

K. bibitinin ko muna kayo. Haha. Next week ulit. May pasok kasi po ako araw-araw eh. Huhu.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang