Chapter 22

1.1K 17 7
                                    

CHAPTER 22

"Anak...?"

"Mama..." Lumapit sa akin ang nanay ko at niyakap ako. Mahigpit na yakap. Ramdam ko ang pangungulila ni Mama sa akin.

Pero hindi ako nag-react man lang.

Napansin siguro ni mama na parang hindi ako gumagalaw kaya kumalas sya sa pagkakayakap sa akin.

"Bakit?" Tanong nya. Pero hindi ako nagsalita. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin, ang dapat kong maramdaman.

Matutuwa ba ako dahil after ilang years ay nagkita ulit kami?

O Magagalit ba ako dahil iniwan nya kami ni Papa at sumama sa ibang lalaki?

"Wala po." Yumuko ako. Naiinis ako eh. Naiinis ako kay Mama dahil sa ginawa nya.

Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko alam ang irereact ko. Nakakatanga lang.

"Ah, may kasama ka ba anak? Halika, punta tayo sa bahay, ipapakilala kita sa mga kapatid mo."

"Mga kapatid?" Oh-kay, hindi na ako nagulat. Expected ko nang may mga kapatid ako. Syempre kunwari gulat ako.

"Oo anak. Gusto kitang ipakilala, lalo na dun sa pangalawa, hindi ko sya anak pero anak sya ng tito Dave mo." So, Tito Dave pala ang pangalan nun. "Sigurado akong magkakasundo kayo dahil magkaedad lang kayo eh."

Ano ba, gusto kong tumanggi.

"Ahh, mama, hindi po kasi pwede ngayon eh... ahh, may kasama po kasi ako." Bigla namang nag-appear si Jared sa likuran ko.

"Uy Kaylie san ka--- Ay, ah, good afternoon po." Nakita nya si Mama at ngumiti naman ito sa kanya.

"Hi! Ikaw ba ang kasama ni Kaylie? Boyfriend ka ba nya?" Tanong ni mama.

"Ma!" 

"Bakit ba anak? Nagtatanong lang ako. So ano hijo? Ikaw ba ang boyfriend ng anak ko?" Grabe naman to magtanong, parang pulis.

"Aaah... ehhh..." Napakamot sa batok si Jared. Patay tayo dyan. "HINDI pa po."

"Ahh, ibig sabihin nililigawan mo ang anak ko?"

"Aahhh... O-opo." Sagot nya.

Weh? Nililigawan nya ako? For real? Bakit di ko ata alam?

"O sige, nagde-date ata kayo ngayon eh. EH teka, diba class hours ngayon?" Patay talaga.

"Ah, ano kasi Ma, ano... wala na kaming klase kasi ano, may meeting yung mga teacher po."

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Where stories live. Discover now