Chapter 6

1.6K 23 10
                                    

Chapter 6  

“Bruha! Nakakakilig ever lang ang date namin ni Jeric!”

“Ay, teh, yung totoo? Kwento!”

“Ehh, ayun, sinundo nya ako kahapon sa school diba, tapos nagpunta kami sa Sosyalera Restaurant, yung mamahaling restaurant na pangarap nating dalawa. Ayun, dinala nya ako dun at pinakilala nya ako sa parents nya! OMG kilig!”

“Eh ikaw? Kelan mo sya balak ipakilala kina Tito at Tita, aber?” Napayuko sya. “Err… Yun na nga ang problema ko best eh. Hindi ko alam kung dapat ko na bang sabihin sa kanila na may boyfriend na ako.” Inakbayan ko sya.

“Alam mo Best, kung gusto mo talaga syang ipakilala sa parents mo, makakagawa ka ng paraan. Sabihin mo na lang ang totoo sa mga magulang mo. Kaya mo yan. Dito lang ako. Tutulungan kita.” Napangiti naman sya.

“Thanks Best!”

“Wala yun! O tara na.” Tapos hinila ko na sya papunta sa room. Discussion lang kami ngayon ng tatlong subjects. Boring nga eh. Nagquiz pa. Eh hindi na naman ako nakinig kasi boring talaga,  pero buti na lang at essay type yung quiz, medyo nakasagot naman ako kasi common sense na lang ang ginamit ko. Saktong-sakto, tapos na ako nung nagring yung bell kaya binigay ko na kay Ma’am yung paper ko. Hinintay ko lang si Niqi at lumabas na kami para mag-break.

“Niqi bilisan mo! Baka maagawan na naman ako ng siopao!”

“Ano ka ba naman Kaylie. Hindi ka naman mauubusan ano.”

“Eh ayoko nang maulit yung nangyari nung nakaraan! Grr. Nag-iinit na naman ang dugo ko sa lalaking yun.”

“Um, Kaylie… kasi…”

“OMAYGASH! May siopao pa Niqi!” Tumalon-talon ako sa pwesto ko dahil excited akong muling matikman ang meow-pao, est siopao. Tumakbo ako papunta sa basket na nilalagyan ng sobrang dami na siopao. Pumunta ako sa cashier at binayaran na yun. Oh yeah.

“Kaylie naman! Napaka-excited mo talaga.”

“Worth it naman eh. At least hindi na ako naunahan nung bwisit na ugok na yun na mang-aagaw ng siopao.”

“Ako ba ang tinutukoy mo?” Unti-unti akong lumingon at tumambad sa harap ko ay yung mayabang na lalaking mang-aagaw ng siopao. Na gwapo.

“Oo! Ikaw nga!” At tinuro ko sya. Ngumiti pa ang loko.

“Ako? Oo, gwapo ako.”

“Hah! Ang kapal ha.” Sagot ko. Hinila ni Niqi ang kamay ko na para bang sinasabi na umalis na kami doon.

“Hoy! Ikaw si Kaylie diba?” Narinig kong sigaw nya. Napatigil ako at lumingon.

“Ako si Jared Go. Nice to meet you.” Nanlaki ang mga mata ko.      

“Bakit di mo sinabing sya si Jared Go?!” Tanong ko kay Niqi. “

Eh, sa tuwing ita-try kong sabihin eh laging napupurnada. Sorry best!”

“Hay, sya pala yun? Akalain mo nga naman.” Sabi ko sa sarili ko.

“Huy, ano na? Gwapo diba?” Napangiti ako.

“Sabi na sa iyo eh, gwapo sya. Pero mas gwapo pa rin si Jeric.”

“Eh si Jeric lang naman ang gwapo para sa iyo eh.” Tapos humiga ako sa damo. Nandito na naman kami sa field eh.

“Uy, hindi naman. Gwapo naman silang magkapatid eh.” Napatingin ako sa kanya.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant