Chapter 28

1.2K 22 22
                                    

CHAPTER 28

From: Best.Niqi

Message: Best, sunduin kita later huh? Sabay tayo punta sa Halloween Party. Ano na costume mo?

Nagulantang ang pagkatao ko nang mabasa ko ang text ni Niqi sa akin.

Ngayon nga pala yung party at wala pa akong costume!

Okay... wag mag panic...

WAAAAH!!

Paanong hindi ako magpapanic eh wala akong costume?! Required kaming mga fourth years na umattend eh!

Agad naman akong nagtext kay Niqi.

To: Best.Niqi

Message: Girl, wala akong costume! Anong gagawin ko? Nalimutan ko eh.

Buti na lang at mabilis syang nagreply.

From:Best.Niqi

Message: Don't worry, napaghandaan ko na yan. May nakuha akong costume para sa iyo.

WAH! Mabuti naman. Kinabahan talaga ako. Iniisip ko pa naman, mag-susuot na lang ako ng puting kumot, para kunyari Casper.

Pero pwede na rin naman yung kumt diba? Magpapaalam lang ako na hihiram ako ng isang kumot tapos lalabahan ko lang kung madumihan.

Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig. Nandoon si Kuya Xavier. Kumakain ng pancit canton sa counter.

"Yo, Kaylie."

"Ah, hi Kuya." Bati ko naman.

"Balita ko may party daw kayo mamaya?" Tanong nya at sumubo.

"Ah, meron po." Sagot ko naman at binuksan ang ref para kunin ang pitsel ng tubig. Kumuha rin ako ng baso sa cabinet at uminom na.

"Anong costume mo? Diba costume party yun?" Nilagay nya na yung plato nya sa lababo.

"Wala pa nga po eh." Sabi ko at nagkamot ng ulo, nilagay ko rin yung baso sa lababo at binalik sa ref yung tubig.

"Ah, sige, una na ko ah." Tumango ako tapos umakyat sya sa taas.

"Okay po."

Nagpunta ako sa sala para manood ng TV. Sabado ngayon kaya walang pasok. Pero maaga pa umalis sina Mama at Tito Dave kasi mamimili pa ata sila ng handa para sa Halloween, sa 31st of October.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Where stories live. Discover now