Chapter 44

965 21 14
                                    

Chapter 44

Pag pasok namin sa school, maraming mga estudyanteng naglalakad. The usual scene kapag Prom. May mga couples na magkakasama. Meron namang grupo ng mga lalaki, may grupo din ng mga babae.

Inalok ni Jared ang kamay nya, na kinuha ko naman. Magkahawak kamay kaming pumasok sa gym, kung saan ginaganap ang Prom namin.

Pagpasok namin sa gym, sinalubong kaagad kami ng paboritong teacher ko na sobrang kamukha ni Robert Downey Jr. UWA! Fangirl mode. Pero dapat pigilan, kasi di bagay sa damit ko. Nanginginig yung kamay ko na napansin naman ni Jared.

"Oh, kinakabahan ka?" Bulong nya sa tenga ko. Umiling ako.

"Hindi. Nakita ko kasi si Sir na kamukha ni Robert Downey Jr. eh. Homaygaas."

"Hay naku. Ilang beses mo na bang napanuod yung Iron Man?" Bukod sa Spiderman, favorite Avenger ko rin si Iron Man.

"Mmm, 15 and counting?" Tatawa-tawa kong sagot. Umiling lang si Jared habang nakangiti. Kahit na super crush ko si RDJ, di ko ipagpapalit ang one and only ko ano.

Si Jared.

"Tara, dun na tayo sa pwesto natin." Hinila nya ako papunta dun sa table namin. Pero year ang paghahati-hati ng mga mesa. Bale, tatlo bawat year so six tables ang nasa gym. Tig-tatlo yung third at fourth year.

Nakasabay namin sina Niqi at Dale sa pagpunta sa pwesto namin.

"Wow, Kaylie, ang ganda mo, sobra!" At niyakap ako ni Niqi.

"Thanks Best. Ikaw din oh, ang ganda ganda mo." Namula naman sya.

Syempre, si Dale, gwapo pa rin. Matapos ang batian at bolahan, nagstart na sa wakas yung program namin. Pinaakyat sa stage lahat ng mga kasama sa Student Body Government at yung mga date nila. Sila kasi yung nag-open ng program. Tapos nun, pinag-assemble kami para sa plates namin.

15 minutes kami sumasayaw bawat plate. May tatlong plate kaya halos umabot ng isang oras para matapos yung sayawan na pormal. Bigla namang pinatay yung ilaw at lumabas na yung bandang tutugtog para dito. Kami sana yung tutugtog kaso tumanggi si Kuya, ayaw nya kasi na ma-miss ko yung saya. Kaya yung band na tumugtog, yung Paracetamol. All girls band sila at bagong sikat lang sila. Grabe, ang gaganda nila at ang ku-cute ng mga damit nila. Taga-dito rin sila nag-aaral eh.

Nagsayawan kami sa mga tugtog nila. Party-party kumbaga. After 4 fast-beat songs, nagsimula na silang tumugtog ng slow. Yung kaninang sobrang dami ng mga tao na nagsasayawan, naubos lahat.

Isa kami ni Jared sa mga natirang couples sa dancefloor.

Hinawakan nya ang kamay ko at ang bewang ko. Dahan-dahan kaming umikot.

"Sana di na matapos ang gabing ito." Bulong ni Jared sa tenga ko. Mas lumapit ako sa kanya at magkayap na kaming sumasayaw.

Ilang kanta pa at inaya ko na syang umupo. Kumakain na ang karamihan sa mga kaklase namin kaya kumain na rin kami.

Maya-maya, lumapit sa akin si Dale at hinihiram ako kay Jared. Syempre, pumayag naman ako. Nagsayaw kami ni Dale tapos tawa sya nang tawa kasi lagi kaming nagkakaapakan ng paa.

"Tama na nga!" Natatawang sabi ko. "Ang sakit na ng paa ko. Hahaha!"

"Oo nga! Mabuting desisyon nga yan!" At bumalik kami sa table namin na tawa nang tawa. Walang sign nina Jared at Niqi, baka sumayaw din yung mga yun.

Iniwan ko sandali si Dale at kumuha ng juice mula sa juice bar. Pabalik na ako nang may tatlong babaeng humarang sa akin.

"Well, well, well. Look who's here, girls." Parang namumukhaan ko yung tatlong ito ah. Saan ko nga ba sila nakita noon?

"Eh? Sino na nga kayo ulit?" Tanong ko. Mukhang nainis naman yung leader-leader nila na nasa gitna na yung gown eh kita ang cleavage pati tyan. Wow ah.

"God, you are so stupid. Kami ang ex-friends ng 'sister' mong si Sabrina." Ah, kaya pala. Sila yung dating kasa-kasama ni Sabrina.

"Aaah, kayo pala yun. Oh, bakit?" Tanong ko.

"I see, wala dito ang kapatid mo." 

"Hende. Andito sya, mumu lang. Duh, wala sya dito."

"Good. Walang whore." Sabi nya at ngumiti. Ano bang pakay ng mga to? Sa sobrang asar ko sa kanila, iniwan ko na lang sila. Bahala sila dyan. Para silang mga baliw. Di ko magets mga pinagsasasabi nila. Ah, ewan.

"Hey! Hey! Get back here!" Sigaw nya pero di ko na sya pinansin.

"Oh, saan ka galing?" Tanong ni Jared. Wala na si Dale at wala pa rin si Niqi.

"Ah, kumuha lang ako ng juice." Sagot ko. Biglang lumakas yugn tugtog at nagsigawan yung mga tao. Na-curious naman kami ni Jared kaya lumapit kami. Nagsilapitan na rin yung ibang nakaupong estudyante hanggang sa halos lahat kami, nasa dance floor na. Yun pala, nagkakaroon ng dance showdown sa dancefloor. Syempre, naki-cheer din kami, lalo na dun sa mga magagaling. Nang matapos na yung sayawan, nagkaroon ng Congo. Yung nakapila kaming lahat tapos nakahawak sa bewang ng nasa harapan. Basta, ang saya lang. Sobrang pagod nga lang.

Eleven thirty, nagtext na si Mama na umuwi na daw kami. Sayang lang, kasi enjoy pa kami. Hindi naman nagalit si Jared, pagod na rin naman daw kasi sya kaya ganun.

Nagpaalam na kami kina Niqi at Dale at umuwi na kami.

~~~~~

WAH. This is the most boring Prom scene ever written in history of writing. Pasensya na. Boring din kasi ang naging prom experience ko at wala akong maisip na ibang kemper. Saka, masama ang pakiramdam ko eh. Anyways, itutulog ko na lang to. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon