Chapter 5

1.6K 22 9
                                    

Chapter 5

“Grabe, ang sarap talaga sa Café nina Ckai noh? Babalik ako dun, promise.” Sabin i Niqi.

“Dun na lang kayo mag-date ni Jeric tapos orderin nyo yung Lover’s Delight!” Suhestiyon ko.

Naglalakad kami ngayon sa hallway. Kahapon kumain kami sa Five Signs Café. Nabusog talaga ako dun.

*BLAGAG!*

“Aray ko po…” Napaupo ako. Mukhang may nabangga ata ako. Ang sakit ng pwet ko. Naman eh.

“Aray…” Tiningnan ko yung nakabanggaan kong babae. Mukhang second year high school pa lang sya dahil sa ID cord nya. Tinulungan akong tumayo ni Niqi at tinulungan naman naming makatayo sya.

“S-sorry po ate!” Sabi nya.

“Ah, okay lang yun, sorry din.” Sagot ko.

Ang cute nung babae ha, singkit yung mga mata nya tapos ang cute nya pa ngumiti.

“Sorry po talaga.”

“Okay lang yun. Uh, sige.” Tapos nun, umalis na yung babae. Kami naman ni Niqi eh dumiretso na sa school.

“Ay best! Di pala ako makakasama sa ‘yo ngayon. Kasi, alam mo na… may date kami ni Jeric. Hihihi.” Binatukan ko sya.

“Lande! Haha! Sige na nga, uuwi na lang ako, bukas na tayo mag-mall. Tinatamad ako ngayon eh.” Sagot ko.

“Yay! Thank you!” At niyakap nya ako. Baliw. Para naming hindi ako pumapayag na mag-date silang dalawa.

“Saka, dalhan mo pala ako ng lasagna bukas kung hindi isusumbong kita kay tito.” Umismid naman sya. Ang galling ko talaga mam-black mail.

“Oo na po.”

“Oh, ang aga naman yata ng uwi mo ngayon apo?” Nagmano ako kay lola pag-uwi ko.

“Ah, opo ‘La. Wala na kasi kaming klase. Free day po naming ngayon eh.”

“Ah, ganun ba? O sya, doon lang ako sa kwarto. Mags-Skype pa ako.” Natawa naman ako.

“Sige po ‘La. Dito lang ako sa baba.”

Nanood lang ako ng DVD, Harry Potter and the Prisoner of Azkaban to be exact. Paborito ko talaga ang HP ever since. Ang ganda kasi talaga at ang astig. Sayang nga lang at matatapos na yung movies. Ang lungkot naman, wala akong pera pambili ng ticket. Nahihiya naman akong magpalibre kay Niqi kasi syempre, pera nya yung gagamitin dun eh.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Where stories live. Discover now