Chapter 1

2.8K 53 14
                                    

Chapter 1

Nakakainis na. Ang tagal dumating ng babaeng haliparot na di sinasadyang best friend ko. Anak ng teteng naman eh. Ang dami ko pang gagawin ditto sa bahay at hanggang ngayon eh di pa rin nagagawa ang by pair na assignment naming sac hem.

Pasensya na, medyo naaasara lang talaga ako sa kaibigan ko. Buti na lang, sya ang magluluto ng kakainin naming kaya medyo babawasan ko ang inis ko sa kanya. Baka kasi ‘di nya sarapan ang luto nya, mahirap nang magutuman sa mga panahon ngayon.

Teka, nasaan na ba ang vinatage kong cellphone nang matawagan na nga ang babaeng yun? Hay, oras na siguro para mag-ipon na ako para may pambili na ako ng maganda-gandang cellphone. Nahihita naman akong humingi ng pera sa lola ko.

*dial.dial.dial*

“Sorry, you don’t have enough balance in your account. Please reload immediately and try again.” Ano? Wala na akong load? Paanong nagyari itooooo?

Lumabas ako sa kwarto at bumaba sa sala. Walang ibang tao sa bahay, dalawa lang kami ni Lola. Si Lola, tulog pa. Si Papa kasi nasa London. Nurse sya doon. Sabi nya, pag naayos na daw nya ang citizenship nya doon, kukunin na nya kami ni Lola at dadalhin dun. O diba, sosyal si Father!

Si Mama naman, ayun, sumakabilang bahay na. Ewan ko ba dun, di nya natiis kasi laging wala si Papa sa tabi namin kaya siguro naghanap na sya ng bagong jowa. Psh, I bet marami na akong kapatid doon.

Tama na nga ang kwento, baka ma-feature pa ako sa MMK, baka sumikat ako, tapos dadami ang fans ko, tapos magkakaroon ako ng mga detractors pero ipagtatanggol ako ng mga fans ko. Tapos sisikat ako ng husto at kukunin akong artista. Pagkatapos niyon ay magkakaroon ako ng mga kalaove team na sobrang gwapo. Pagkatapos, tatakbo ako akong president ng Pilipinas. Tapos… tapos… tapos na ang paged-daydream ko.

Lumapit ako sa telepono, tatawagan ko si Dominique, ang magaling kong bespren. Medyo di ko nga lang kabisado ang number nya. Nagbago kasi sya ng sim eh. Pero medyo natatandaan ko yung ibang mga number doon. Di-nial ko na tapos may sumagot.

“Hello?”

“Hello, si Niqi po?”

“Sinong Niqi? Sino ka?”

“Huh? Sino ka ba?”

“Heh, I’m Jared Go. And you are?”

“Not interested!”

“Come on. Tell me your name, hm?”

“Sorry po! Wrong number!” Sabay baba ng telepono.

Jared Go? Parang pamilyar ang pangalan nay un. Di ko lang matandaan kung saan ko narinig yun. Baka sa TV.

Psh. Malas ko naman. Mali pa yung number na na-dial ko. Biglang may kumatok sa pinto. Binuksan koi yon.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Where stories live. Discover now