Chapter 15

1.6K 18 7
                                    

CHAPTER 15

"Oh dun naman tayo oh!" Tinuro ni Dale yung Roller Coaster. Bigla akong kinabahan. Hindi pa kasi ako nakakasakay dyan sa buong buhay ko. Eh nakakatakot pa yung Roller Coaster ng WTP kasi sobrang laki. Sobrang taas. Nalulula ako.

"Ehh... Ano, Dale, hindi na ako sasama siguro..." Bulong ko.

"Bakit naman?" Tanong ni Kuya Jeric. In fairness, medyo close kami nito kasi nga laging kasama ni Niqi.

"Eh, natatakot ako eh." Okay, totoo yun, natatakot talaga ako. Pinisil ni Niqi yung pisngi ko.

"Ano ka ba Kaylie! Ayos lang yan! Tabi na lang kayo ni Jared para di ka matakot." Tumingin ako kay Jared, mukhang namumutla sya. Wag nyang sabihing natatakot rin sya?

Napalunok ako. Fine. Gagawin ko to. Overcoming my fear 101.

"Sige na nga." Nag-yehey yehey naman sila. Big deal?

"Let's go!" At parang mga bata lang, nagtaasan sila ng mga kamay at mukhang masaya lahat, except sa aming dalawa ni Jared. Mukha kasi kaming namatayan eh.

Pair-pair kaming anim. You know the drill: Dale-Ckai, Jeric-Niqi, Jared-Ako. Hay. What's with the couple thing-y?

Nanginginig ang tuhod ko habang umaakyat sa ride. Kinailangan pa akong alalayan ni Jared eh nanginginig rin sya. Muntik pa kaming mahulog dahil sa kakabahan namin.

"Wooh! Exciting to!" Sigaw ni Dale na nasa pinakaharap. Sa second row naman sina Jeric at Niqi at kami sa ikatlong row. Yung mga nasa likod namin, puro babae na. Goodluck sa mga tilian mamaya.

"N-Niqi... nahihilo ako..." *SPLOOORK*

"Kaylie! Ayos ka lang ba?" Hinagod ni Niqi yung likod ko. Nakakahiya, sumuka ako. Buti na lang, nasa CR ako at walang tao. Shet. HIndi na talaga ako sasakay ng Roller Coaster. Parang may chver sa tiyan ko.

Pumunta ako sa lababo para magmumog at maghilamos. Shet talaga. Ugh.

"Niqi? Kaylie? Ayos lang ba kayo dyan?" Tawag ni Ckai mula sa labas.

"Okay lang kami Ckai! Naghihilamos na lang si Kaylie." 

Naka-lean pa rin ako sa lababo habang humihinga ng malalim. Hinagod na naman ni Niqi yung likod ko.

"Kaaah. Kadiri. Pweh." Dumura ako sa lababo, ugh. Nakakahiya talaga.

Matapos kong maghilamos at lahat, lumabas na kami ni Niqi. Nakita namin si Ckai na mukhang alalang-alala.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Место, где живут истории. Откройте их для себя